Chapter 20

5.5K 117 1
                                    

STANLEY'S POV

"What the hell this girl doing?" asik ko.

Damn, ang ingay ingay nang katabi ko. Nakakatakot na nga tumatawa pa siya.

Sira ulo ba siya? Arrrgg.

Bago na pala ngayon, nakakatawa na ang horror movies. Psh. Para sa mha taong sira ulo.

And seriously? Sa dami daming upuan dito sa theater dito pa talaga sila naupo sa tabi ko kasama niya ang dalawa niyang kaibigan.

Sinusundan ba niya ako? Tsk. Why I am thinking like this? Bakit naman niya ako susundan? What a disaster.

Muli siyang tumawa nang sobrang lakas, geeez, seriously? As in? Nagpapatayan na nga tumatawa pa siya?

Napairap na lang ako at nagpagpag nang   upuan. Ano akala niya, siya lang pwede mambwisit? Tsk. No way.

Sige lang Stanley magpagpag ka pa. Lakasan mo pa. At mabwisit din siya.

"Haih, ano ba yan, itigil mo nga iyan." Bigla niyang bulalas at sobrang lakas pa. Napatingin ako sa kanya nang pairap at tumigil sa pag-pagpag. May ilang napatingin sa kanya, may ilang nagmura at may ilang nagalit.

Napaayos siya nang upo pero inirapan niya muna ako at muling tinuon sa harap ang tingin.

Napangisi ako. Ngayon sinong talo. Hindi pwedeng ako lang mabwisit dapat mabwisit din kita.

Binalik ko ang tingin ko sa palabas. Buti naman natahimik na siya.

Malapit nang matapos pero biglang natawa na naman siya, napatakip na lang ako nang tenga pero may nadinig ako.

"Ano ba yan. Sira ba ang babaeng iyan? Nakakatakot na nga tumatawa pa siya." Malakas na sabi ng isang babae sa harap namin.

"Sira ulo talaga siya." Malakas kong sabi. Napasulyap ako dito, nakatingin siya sa akin nang masama pero at least natahimik siya.

Tinaasan ko lang siya nang kilay at nag half smile. Pansin kong nandabog siya at panay pukpok nang upuan.

Hindi ko na lang siya pinansin, tsk. mananahimik din iyan.

Natapos na ang movie at nagsitayuan na ang karamihan, napansin kong tumayo na din ang babaeng katabi ko at mga kaibigan niya pero nagulat ako nang umatras siya at intentionally na tapakan ang paa ko.

"Ouchhh.. F*ck."

Tumayo ako at pinigilan siya sa braso. Anong akala niya makakatakas siya?

Tinignan ko siya nang matalim.

"WHAT THE HELL YOU'RE PROBLEM?" bulyaw niya. Napangiwi ako sa sakit nang daliri ko sa paa. Walang hiya talaga ang babaeng 'to siya pa talaga may ganang magalit.

"Gel, tara na." Anang isang kaibigan niya pero nauna na ito kasama ang isa pa. Tiningnan niya ako nang masama tapos pilit tinatabig ang kamay ko sa braso niya pero mahigpit ko itong hinawakan.

"Kanina ka pa. Nabwibwisit na talaga ako sa'yo." Singhal ko.

"The heck. I've never do anything to you." Turan niya.

I gritted my teeth. Masama na nga ugali sinungaling pa. Mas diniinan ko pa ang pagkakahawak sa braso niya.

"Ano ba, nasasaktan na ako." Nagpumiglas na siya.

"Don't lie. Tinapakan mo ako nang sadya tapos bwinisit mo ako kanina." Mariing sabi ko.

Malakas niyang tinabig ang kamay ko na nagawa naman niyang alisin.

"Tsk. Ang pagkakaalam ko wala naman akong mali, nanonood tayo natural lang na magreact ako at tinapakan? Excuse me, I don't do that." Pangatwiran niya pa tapos tinalikuran ako.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon