Chapter 24

4.6K 119 1
                                    


STANLEY'S POV

"Damn her." Bulalas ko. Pinagmasdan ko muna ang papalayong babae na kasunod si Aein. Psh. Ano ba kasing ginagawa nang babaeng iyon? Para siyang tanga. Umiiyak pa. At dahil sa katangahan nabunggo niya si Rico at ito ngayon nadumihan.

Lumingon ako kina Rico.

"Bro sorry about that. Pagsasabihan ko siya. Ang bastos talaga nang ugali niya." Aniko.

"No, its okay. Hayaan mo na siya." Ani Rico. Hindi ko man lang makita ang inis o galit sa mukha niya.

"Teka. Bro kilala mo ba siya?" Naalala ko lang ang reaksyon niya kanina nang hilahin niya si Angela at inulit ang pangalan.

"The tru--" he was cut off when Ranjie tap his shoulder at umiling ito.

"Let her do Kuya." Anang Rey naman.

Parang silang tatlo lang ang nagkakaintindihan. At kami nagtataka na nakatingin sa kanila.

Pero it is the proof na kilala nga nila si Angela, hindi ko lang mahulaan kung ano.

"Stanley, matagal na ba siya dito?" Napatingin naman ako kay Ranjie. Tinutukoy niya ba si Angela? Bakit niya tinatanong?

"Hindi, freshmen siya. Kakatransfer niya lang from Davao." Anang Bryan.

Nagkatinginan ang tatlong magkapatid.

"Lets go, Daddy is waiting for us." Anang Ranjie.

"Rico you need to change." Aniko.

Umiling siya.

"Its fine mamaya na lang, hindi naman ako aakyat nang stage ehh."-Rico.

"Nabanggit niyo na member siya nang Team niyo " anang Rey.

"Oo, member, kakapasok lang niya. At magaling siya." Ani naman ni Bernie. Naparolled eyes na lang ako. Bakit ba kasi inuusisa nila? Ano bang meron sa babaeng iyon? Or should I say ano bang ugnayan nila sa babaeng iyon?

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa gymnasium. Panay pa tanong nila tungkol kay Angela, sinasagot naman namin, well, sons of the owner of the school kaya dapat lang respetuhin.

Pero humanda ang babaeng iyon kapag nagkita kami dahil pagsasabihan ko siya at pipiliting humingi nang tawad kay Rico.

"Captain. Sa tingin ko magkakilala sila ni Angela." Ani Bernie, naparolled eyes ako.

Alam na alam ko. Psh. Ano sa tingin niya sa akin? Tanga?

"I know hindi ako tanga." Aniko naman. Napakamot ulo lang siya at umayos nang paglalakad pasunod kina Rico.

Papasok na kami nang gym at punuan ito pero dahil kasama namin ang mga anak ng may-ari may designated chair kami.

Dumiretso kami sa pinakaunahan at nagsiupuan na. Kanina pa siguro nagsisimula ang program mukhang patapos na kasi ang speech ng Owner nang schook na Daddy nang tatlong katabi ko.

"Stanley, pwede ko bang hingin number ni Angela?" Bulong ni Rico na siyang katabi ko sa kanan.

Napakunot noo ko at nakakapagtaka. Bakit naman niya hihingin? Gusto niya ang babaeng iyon?

"I don't have. Hindi niya binigay." Hindi naman sa nagdadamot ako pero wala talaga akong number nang babaeng iyon.

"I have." Napatingin ako kay Bryan, seryoso siyang nakatingin kay Rico.

"Great. Mamaya kukunin ko. I just need to talk to her." Ani Rico.

"Pero Kuya sa tingin mo ba gusto niya?" Ani Rey. Napakunot lalo ang noo ko. Ano bang meron sa kanila nang babaeng iyon?

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon