ANGELA'S POV
Napamulat ako nang madinig ang kaluskos sa tabi ko.
Nilibot ang paningin sa paligid, it's unfamiliar, sinipat ko ang tabi ko, may taong nakaupo sa gilid at nagscascan nang laptop. Nakaharap ang laptop sa akin it means nakatalikod ang taong gumagamit nito.
Teka, saan ba ako? Hindi ko naman kwarto ito.
Tiningnan ko ang tao, geeez, lalaki.
Bago ako nagreact inaalala ko muna ang nangyari.
Geeez, nagkita pala kami, nakita ko pala sila. I heave a sighed and worst is sila pa ang may-ari nang school na iyon. Then si Aein ang kasama ko bago ako nawalan nang malay.
Nakita ko sila, nagkita kami. Damn it.
Nag-iinit na naman ang mata ko."Gel." Napatingin ako sa lalaking ngayon ay nakatingin sa akin at ngumiti.
"Aein." Sambit ko lang, hindi ko na napigilang maiyak.
Samot sari na namang emosyon ang bumabangon sa loob ko ngayon. Mga damdaming nagsibangunan.
"Ayos ka lang? Kakagising mo lang iiyak ka na naman." Aniya habang pinapahid ang mga luha ko sa pisngi.
Bumangon ako at humihikbing yumakap sa kanya.
"Sssshhh. Tahan na. Sasakit na naman ulo mo niyan." Sabi niya.
Paano ako tatahan? Kung sila pa din ang naaalala ko?
Kung andito sila hindi ko maiiwasan na magkita kami, hindi ko maiiwasang magcross ang landas namin.
"Sshhh. You can tell me kung ano ba talagang problema mo." Mahinang sabi niya, I can feel his concern.
Umiling lang ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Hindi ko pwedeng sabihin, ayokong malaman nino man na isa akong salot.
Anong gagawin ko kung sakaling magkita kami? Kung sakaling magcross ang landas namin? Paano ko sila patutunguhan?
At siya, magpapakilala ba ako? No, ayoko, ayokong masaktan sa mga sasabihin niya. Ayokong ipamukha niya sa akin kung ano ako sa buhay nila, kung ano ako sa buhay niya.
Ayokong masaktan, ayokong makarinig nang masasakit na salita galing sa kanya.
"Ssshhh, tahan na Gel. Papasok pa tayo." Aniya.
Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, pilit kong patigilin ang sarili ko sa pag-iyak. Nang maayos na ako at hindi na pumapatak ang mga luha ko humiwalay na ako kay Aein.
"Salamat Aein." Aniko sa kanya, kinurot lang niya mukha ko at tumayo na.
"May binili akong mga damit diyan, ikaw na pumili nang masusuot mo at ang mga undergarments don't worry someone choose that for you." Aniya na tila nahihiya pa.
Tumayo ako at nginitian siya.
"Thank you so much. Alam kong malaking abala ako sa'yo. Kaya sorry kung nastress ka sa akin." Sabi ko pa.
"Ano ka ba naman. Ayos lang. Sige na. Fix yourself, ibabaon ko na lang ang kakainin natin, sa daan na lang tayo kakain, malamang traffic ang makakasalubong natin." Aniya.
Tumango na lang ako, umalis na din siya.
Napabuntong hinga akong nilibot ang tingin sa loob nang kwarto.
I am thankful dahil kahit papano may isang tao pa ding nag-aalala sa akin maliban kay Lola, at kina Wency at Danila.
Pero bakit nga ba niya ito ginagawa? Bakit nga ba ang bait bait niya sa akin?
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...