WENCY'S POV
"Ma, I just want to ask something." This is my chance to ask about Mr. Serano, kilala ni Mama ang pamilya nila Angela kaya imposibleng hindi alam ni Mama ang tungkol kay Mr. Serano kung tama nga ang iniisip ko na ama ni Angela si Mr. Serano.
(Yes, dear what it is?)
"Do you know who is Mr. Arnel Serano?"
Natahimik si Mama nang ilang sandali then sinundan ito nang buntong-hinga.
"Ma, do you know him?" Pag-uulit ko.
(Yeah, classmate ko siya. Bakit mo tinatanong?)
"Ma, do you know who's the mother of Angela?" I should ask her all about Angela, para malinked ko ang bawat detalye, ang bawat tao. I just want to know, I am curious too about what happen between Angela and Mr. Serano, about sa mga salitang binitiwan ni Angela, she's my friend but we don't know the stories behind her, her parents, si Lola Marivona lang ang kilala namin at ang alam namin anak nang pamangkin ni Lola Marivona si Angela. Madaming kapatid si Lola Marivona at may maraming anak ang mga ito kaya hindi nalinawan kung sino ang ina ni Angela. Sadyang si Lola Marivona lang talaga ang nakakaalam at ang iilang tao, si Angela ni minsan hindi niya hinanap ang ina at ama niya, hindi ko lang alam kung sa isipan o kapag mag-isa siya iniisip, tinatanong din niya kung saan siya galing.
( Anak bakit mo tinatanong. Kanina si Arnel ngayon ang ina naman ni Angela. Bakit nagkainteres ka?)
I heave a sighed.
"I just want to know Ma."
(Akala ko ba hindi kayo okay ni Angela?)
Pabagsak akong umupo sa couch.
"We are but I am curious. Ma, sino ang Mommy ni Angela? At si Mr. Serano ba ang ama ni Angela?"
(I don't know about Angela's Mom but yeah si Arnel ang Daddy ni Angela but unfortunately tinatanggi ni Arnel, ayaw niyang kilalanin si Angela, ayaw niyang malaman nang iba na may anak siya sa labas but the fact is marami ang may alam sa business world but Señora Marivona done everything to keep us silent. You know dear, Angela was really unlucky.)
Napapikit ako at napakuyom nang kamao ko. Kaya pala, si Mr. Serano ang totoong ama ni Angela kaya ganon na lang ang mga salitang sinabi ni Angela kay Mr. Serano. How could Mr. Serano do this to his daughter?
Hindi ko alam ko kung anong mararamdaman ko, galit, awa, hindi ko pa din maiaalis na hindi masaktan habang naaalala ko kung paano nagmamakaawa si Angela nung isang araw. Angela was full of pride pero that moment tinapakan niya ang lahat because of football at iyon ang nagpapataas nang inis ko, she will do everything for football kahit iyon ang magpapahamak sa kanya.
(*sighed* kaya nga sa totoo lang naaawa ako sa kanya nang sabihin mong nag-away kayo, all her life kayo ni Danila ang kalaro niya ang kakampi pero it end up na mag-aaway kayo. Anak bakit hindi niyo ayusin ang awayan niyo?)
I gritted my teeth, kahit naaawa ako sa kanya mas nangingibabaw ang inis ko para sa kanya.
"Ma, please hayaan mo na kami. And thanks for the info, now I know. Sige na Ma, I'll ended this call."
Napabuga ako nang hangin nang maibaba ko ang phone ko.
Now, naiintindihan ko na, now malinaw na kung bakit ganon nalang ang nangyaring sagutan kina Angela at Mr. Serano.
Tumayo ako at naglakad papunta sa kusina. Uminom ako nang malamig na tubig.
"May nalaman ka?" Napatingin ako sa harap ko, naupo si Danila sa high chair.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...