Chapter 68

3.6K 93 1
                                    

WENCY'S POV

"Wen, may hindi ba tayo nalalaman tungkol kay Gel?" Tanong ni Danila sa akin.

Binaba ko ang hawak kong baso at napatitig kay Danila.

"Why she say those words? Why she beg? Bakit sinasabi niyang pinagkaitan siya nang pagmamahal? Bakit niya sinasabi kay Mr. Serano iyon?"

Iyon nga ang pinagtataka ko, bakit ganon si Angela? Bakit kung magsalita siya kay Mr. Serano parang may koneksyon siya? Sino ba si Mr. Serano sa buhay ni Angela?

Napatingin ako sa kawalan.

Kaibigan namin si Angela pero ni minsan hindi siya nang kwento nang tungkol sa buhay niya, ang alam lang namin namatay ang mga magulang niya nang maliit pa siya pero nagtataka lang ako minsan kung bakit umiiyak nang walang dahilan si Angela at one time I heard her saying 'Hanggang kailan niyo ako titiisin.' Diba nakakapagtaka kung bakit niya iyon sinasabi.

"I don't know Dan, nagtataka din ako." Sagot ko lang.

Si Mr. Serano, ano ba siya sa buhay ni Angela?

Nanliit mata ko habang iniisip si Mr. Serano, he look familiar, parang nakita ko na siya dati. Inisip ko lalo kung saan at kailan and something flash in my mind.

Nakuyom ko kamao ko.

"Oo tama, I saw him in one of Angela's photo collection."

"Huh? Photo collection? Sino?" Usisa ni Danila. Umayos ako nang upo at napatingin kay Danila.

"Si Mr. Serano, I saw him in Angela's scrap book. Remember? Ang tinago niyang scrap book sa isang box?"

Biglang nagliwanag mukha ni Danila at ngiting tumango.

"Iyong hindi niya pinapakita sa atin. Kahit anong pagmamakaawa natin."- Danila.

" Yeah that one. But I secretly open it. Then I saw Mr. Serano there."

Kumunot noo ni Danila.

"If Mr. Serano is in the scrap book it means may relasyon talaga sa pagitan nila?"

Sumandal ako at kinagat ang isang daliri ko.

Anak ba ni Mr. Serano si Angela? Hindi naman pwedeng ibang klaseng relasyon sila dahil hindi ganon si Angela. Pero bakit sinasabi ni Angela na wala na siyang mga magulang?

Napaisip na naman ako. Kung anak ni Mr. Serano si Angela bakit ganon siya? Bakit pinapaalis ni Mr. Serano si Angela sa school? At dinig ko pinatanggal din siya sa team nila.

"Wen, naaawa ako kay Angela." Kumunot noo ko sa sinabi ni Danila.

"Pwede ba Dan, we talked about this at nagkasundo na tayo kaya please lang huwag na nating iopen ang usapang 'yan." Inis kong sabi.

"Pero Wen. Paano si Angela? Kailangan niya nang kaibigan."

Inis akong tumayo.

"Tama na Dan. Ayoko nang away."

ANGELA'S POV

Nagising ako sa ingay nang musika. Walang mood akong bumangon at napahawak sa ulo ko, sobrang sakit, arrrg hangover, inikot ang paningin ko para hanapin ang pinagmulan nang music pero iba ang nakita ko, nanlaki ang mga matang napatitig ako sa lalaking nakahalf naked pero nakatalikod sa akin.

Agad kong sinilip ang katawan ko, natigilan ako nang makitang wala akong suot na damit maliban sa undergarments.

Napatakip ako nang bunganga ko. Paano? Bakit? At ano? Inikot ko paningin ko uli sa kinaroonan ko, hindi ko bahay ito. Asan ako? Sinong lalaki ang kasama ko? May nangyari sa amin?

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon