THIRD PERSON'S POV"Renjie." Napalingon si Renjie sa tumawag. Papalapit si Rico sa kanya, nasa tabi nang pool sila at palalim na ang gabi. Pinasok ni Renjie ang phone sa bulsa.
"Hanggang kailan mo ba balak ilihim ang relasyon niyo ni Jane?" Kumunot noo ni Renjie sa sinabi ni Rico.
"Kuya, please, huwag mo na lang kami pakialam." Anang Renjie.
Rico tapped his shoulder.
Walang ibang nakakaalam nang relasyon nila Renjie at Jane kundi si Rico lang na aksidenteng nalaman nito nung minsang pumasok si Rico sa kwarto nang kapatid at nakita ang dalawa na magkayakap.
"You're not young anymore Renjie, Dad need to meet your girl." Mariing sabi ni Rico.
"We're just finding a right time." Turan ni Renjie.
"Right time? There's no right time Renjie." Anang Rico, tiningnan ito ni Renjie.
"There is, Kuya. Ikaw lang ang nagsasabi na walang right time." Anang Renjie.
Napabuga nang hangin si Rico.
"Okay fine, ikaw ang bahala." Ani Rico tapos tumalikod ito pero napatigil ito sa paglalakad nang magsalita si Renjie.
"What?" Bulalas ni Rico at hinarap ito.
"Kuya you're not young anymore to do pabebe." Anang Renjie sabay paikot nang mga mata.
Kumunot noo ni Rico.
"Ano bang pinagsasabi mo? Tsss." Singhal ni Rico.
Ngumisi si Renjie at nagcross arm na pinagmasdan ang kapatid.
"Kuya sa ating tatlo dapat ikaw unang mag-asawa pero sa tingin ko mauunahan ka pa ni Rey kasi naman panay pabebe ka." Pang-asar ni Renjie.
Sinamaan ito nang tingin ni Rico.
"Tsss. Pinagsasabi mo? Pwede ba. Kung gusto niyong nag-asawa edi mag-asawa kayo." Singhal na naman nito. Napailing si Renjie tapos tinitigan nang mabuti ang kapatid.
"Si Cherry alam kong gusto mo siya bakit di mo na lang aminin, you're too old para magpabebe pa." Sabi pa ni Renjie.
"Shut up." Sigaw ni Rico, ngumisi lalo si Renjie.
"Bahala ka Kuya ikaw din magiging matandang binata. Si Cherry pa naman ang babaeng kung may magustuhan lahat gagawin, pano kung may nagustuhan na siya at isang araw malaman mo na lang nag-asawa na, ano ka ngayon." Anang Renjie at tumalikod ito at umalis. Napabuga nang hangin si Rico habang inis na tiningnan lang ang kapatid.
*---***---*
"Honey, anong ginagawa mo diyan?" Tanong ni Mr. Serano sa Ginang.
Nasa terrace ang Ginang at nakamasid sa tahimik na Village, malalim na ang gabi at malamig ang simoy nang hangin.
"Asan na kaya siya?" Mahinang tanong nang Ginang.
Napabuga nang hangin ang Mr.
"Sorry honey hindi ko pa din siya mahanap." Anang Mr.
Humarap ang Ginang kay Mr. Serano.
"Okay lang kaya siya? Magaling na ba siya? Saan ba siya nagpunta? Bakit siya umalis? Bakit... Bakit niya tayo iniwan?" Sunod na sunod na tanong nang Ginang, nilapitan ito nang Mr at niyakap, hindi napigilan nang Ginang ang maiyak.
"Miss na miss ko na siya. Saan ba siya dinala ni Mama? Honey, please gusto ko na siyang makita at mayakap. Please hanapin mo siya." Hagolgol nang Ginang.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...