Chapter 109

3.4K 80 0
                                    


WENCY'S POV

"Anong nangyayari?" Danila asked.

"I don't know Dan, kita mong sabay lang tayong dumating diba." Irita kong sabi.

Kita namin ang kumpulan nang mga estudyante. Ano ba kasing nangyayari? Parang may gulong nangyayari.

"Bilisan mo Wen." Ani Danila na hinila ako. Nakipagsiksikan kami sa mga tao, hanggang sa makaabot kami sa harapan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita sina Aein at Bryan na nagsusuntukan, napatingin ako sa di kalayuan sa kanila, may nakaupong babae, I was stiffened when I saw Stanley running towards her.

Kinabahan ako nang makitang binuhat ito ni Stanley, and triple nervous rolled over my body nang makita ang mukha ni Angela, wala na itong malay.

"Wen si Angela." Bulalas ni Danila. Agad akong tumakbo pasunod kay Stanley na buhat si Angela.

What the hell. Ano na naman 'to? Bakit na naman nahimatay siya?

"Faster Danila." I shouted out.

"What happened to her?" Agad kong tanong nang maabutan namin si Stanley na pinapasok sa kotse si Angela.

"I don't know. Drive the car faster." He shouted. Mabilis naman akong pumasok sa driver seat at agad na inistart ang kotse, naupo naman si Danila sa tabi ko habang nakaalalay si Stanley kay Angela na wala pa ding malay sa likurang upuan.

Kinakabahan ako, natatakot, ano na naman 'to? Akala ko ba ayos na siya? Pero bakit nahimatay na naman siya? May kinalaman ba ang dalawang 'yon sa nangyari kay Angela? Geeez,  sobrang kinakabahan ako. Sana ayos lang siya, sana wala lang 'to.

Mabilis naming narating ang hospital, agad na binuhat ni Stanley si Angela papasok nang hospital papunta sa emergency room.

"What happened?" Salubong na tanong nang Doctor ni Angela.

"Check on her Doc. Dalian mo." Stanley said. Agad na dinala si Angela sa isang kwarto.

Hinarang kami ni Danila nang mga nurse, si Stanley lang ang pinayagan dahil hawak niya si Angela.

Hindi ako mapakali habang natatakot na kinakabahan sa nangyayari kay Angela. Ano ba talaga? Bakit? Paano?

"Wen, tatawagan ko si Lola." Napatingin ako kay Danila, umiiyak siya, napapikit ako don ko lang narealize na kanina pa din pala ako lumuluha sa takot at kaba sa nangyayari kay Angela.

"Wen." Hinawakan ako ni Danila sa braso.

"Sige tawagan mo, tawagan mo din sina Rico." Mahinang sabi ko. Lumayo siya para tumawag, napasandal ako sa wall at napabuga nang hangin nang ilang ulit.

I hope she's fine, huwag niyo namang ulitin ang nangyari noon, huwag niyo namang ilagay sa panganib ang buhay niya. Please, I trust in you, Lord.

Pinahid ko mga luha ko na patuloy na dumadaloy.

Napatingin ako sa pinto nang emergency room lumabas mula don si Stanley. Lumapit siya sa akin then naupo na nakasandal sa wall.

"Ano na namang nangyayari sa kanya?" I asked.

"That two guy, malamang may kinalaman sila." Ani Stanley. I clenched my fist. Ang dalawang iyon, malamang nga. Mga walang hiya.

"Malilintikan sila sa akin." Mariing sabi ko.

Wala nang nagsalita sa amin, we wait for the doctor, I am praying and praying.

Ilang sandali lumabas ang doctor, napatayo si Stanley, si Danila lumapit na sa amin.

The FOOTBALL PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon