WENCY'S POV"Sigurado ka?" Baka kasi nagkamali lang ako nang dinig.
"Oo nga, kakatawag lang ni Renjie, nasa hospital siya." Ani Jane.
Mabilis akong tumayo.
"Hospi? Why?" I asked. Bumalik na nga si Gel pero nasa hospital naman? Geeez, bakit? Anong nangyari sa babaeng 'yon? Naku ang baby.
"Okay naman daw siya at ang baby, she just needed to rest hanggang bukas." Napahinga ako nang maluwag, buti naman.
"Da-- teka asan si Danila?" Bulalas ko, bigla kasing nawala kanina lang andito siya sa tabi ko pero biglang nawala.
"Oy! Let's go na. Ano pang inaantay niyo diyan?" Napakunot noo ko, nasa labas na pala siya nang bahay.
Napatingin ako kay Jane, napangiti lang ito, napailing naman akong sumunod sa labas. Sobrang excited nang isang 'yon, nauna na palang lumabas.
"Natawagan niyo na ang iba?" Danila asked, bumibyahe na kami papuntang hospital.
"Sigurado kayong ibabalita natin? Hindi kaya maover crowded ang hospi?" Aniko naman. Hello, kapag lahat nalaman na bumalik na si Gel malamang sa malamang magsisipuntahan ang mga 'yon sa hospital.
"Di naman siguro grabe ka, more than 20 lang naman." Danila answered. Nanlaki mga mata ko, seriously? More than 20? Lang naman? Nilalang niya ang 20?
"Bahala nga kayo, kayo na magsabi sa kanila." Sabi ko, si Jane hawak ang phone may katext, si Danila ang nagdadrive at ako naman napatingin sa labas nang bintana.
"Alam na kaya ni Stanley?" Anang Danila.
"Hmm, maybe yes maybe no." Sagot ko.
"Tinext ko na." Ani Jane.
Ilang sandali dumating na kami nang hospital. Pero hindi muna kami pumasok pumigil si Jane.
"Why?" I asked.
"Let's wait for them, may dadalhin daw sila." Kumunot noo ko. Seriously?
"Naku Jane kapag hihintayin natin sila naku hindi tayo makakapasok." Aniko naman. Ehh ang dami kaya namin paano kami papayagang pumasok?
"Ano ka ba Wen don't worry, remember kilalang tao si Mr. Serano at si Lola Marivona." Ani Danila. Nagcross arm ako. Kung sabagay.
Naghintay kami nang ilang minuto, sunod-sunod nang dumating ang lahat.
"Okay andito na lahat maliban kay..."
"He's here." Aniko, si Stanley tumatakbo papunta sa amin.
"Then good, complete na tayo." Sabi ni Jane.
"Dalian na natin excited na ako." Bulalas ni Bernie.
"Ako nga din." Sabat naman ni Gessalie.
"And we have this." Ani Orlie na pinakita ang party popper, wow iba din, ano 'to birthday party?
"And we bought cake. Teka Solyie ang cake? Asan?" Arvin asked.
"Hala oo nga pala." Ani Solyie na mabilis ma umalis. Minsan talaga itong loves ko makakalimutin.
"Ai naku Wency ang sarap gilitan nang leeg iyang boyfie mo." Sinamaan ko nang tingin si Arvin.
"Kung iyang boyfie mo ang gilitan ko?" Singhal ko pagkuwan.
"Uy! Huwag, mahal na mahal ko 'to." Aniya na niyakap si Wesley. Geeez, ang baklang 'to nakakainis minsan.
"Tama na 'yan. Ayan na si Stanley." Aein said.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...