AEIN'S POV
"Ano pres ready ka na?" Ani Gessalie.
Napangiti ako. This is the final game. At susupurtahan ko si Angela nang buong-buo.
"Look like oo ang sagot. Si Pres talaga makangiti parang nasa langit." Ani Gessalie tapos kiniliti pa ako sa tagiliran. Napatawa ako at lumayo sa kanya.
"Tumigil ka." Sigaw ko sa kanya, nginisihan niya ako. Well para naman talaga akong nasa langit, makita ko lang si Gel sobrang cloud nine na.
"Oo na Pres. So alis na tayo? Ready na ang battalion nang supporters para mag-ingay." Ani Gessalie.
"Sige lets go." Aniko then naunang lumabas nang office. Napanganga ako nang malabasan ko ang daming mga estudyante ang naroroon at ang iingay.
"See, battalion nang supporters." Ani Gessalie tapos tumawa.
Napailing ako.
"Sira ka talaga. May sasakyan na ba sila?" Usisa ko.
"Pres, ready na to go." Anang lumapit, siya ang vice-president nang SG.
"Pres ready sila. Nasa labas na ang mga bus. Don't worry sila nagplano nito. Nadamay lang." Ani Gessalie. Napailing uli ako. Well, this is goo for the team, mas mainspire silang maglaro kapag nag-ingay ang mga dala naming supporters.
"Tara na." Aniko, naglakad ako papunta sa kotse ko. Sumakay naman si Gessalie sa passenger seat katabi ko.
"Andoon na ang mga bata, kasama ni Jane." Aniya. Napatango na lang ako.
Angela needed us para galingan niya ang laro.
Nang dumating kami sa football field madami na ding mga tao, dahil nakareserve na ang upuan nang school namin wala kaming problema.
Matagal pa bago magsimula, wala pa ang team nila Angela. Napacross arm ako habang nakatingin sa field. Sana lang manalo team namin, this will give our school a good image.
"First time nang team natin na makapasok nang finals after 10 years na naban." Napatingin ako kay Gessalie.
"Buti nga lang matitino na mga players." Dugtong pa nito.
Napabuntong hinga ako. Buti nga lang. Ang hirap nga paniwalaang minsan nang nasangkot sa druga ang school namin, pero iyon ang totoo. Kaya naban ang school namin sa pagsali sa national League dahil don, nalaman nang officials nang football ang paggamit nang pinagbabawal na gamot sa final game kaya automatic na talo ang school namin at ang masakit pa bi-nan kami kaya hindi nakasali nang league ang school namin for ten years. And the wait is over kasi heto na ang school namin at may chance pang manalo. Na sana nga mangyari.
"Guys." Napatingin kami sa pinanggalingan nang boses. Napangiti ako nang makita si Angela kasama nina Wency at Danila, kasunod ang mga bata at si Jane.
"Angela goodluck." Ani Gessalie, ganon din ang ibang mga school mates namin.
"Salamat sa inyo. Supurtahan niyo team natin." Ani Angela.
"Yeah sure. Team black tigger kami." Sigaw ni Wency. Nagsigawan din ang mga school mates namin tapos nag-ingay.
Napatawa nalang ako sa sobrang agaw eksena nang grupo namin.
"Kids, dito lang kayo walang aalis. Magpasama kayo kina ate at kuya Aein if may bibilhin kayo o magbabanyo." Ani Angela sa mga bata.
"Opo Ate." They said in unison.
"Don't worry Gel, kaming bahala sa kanila." Aniko. Nginitian ako niya. Well that's smile was so heart melting. Nakakainlove.
Aist, if I were the boy she will choose I'll treasure her so much, hindi ko siya sasaktan hindi katulad ni Stanley sinaktan niya lang si Angela. Hindi ba niya nakikita kung gaano siya kaswerte kay Angela? Psh. Sira ulo, hindi marunong makuntento.
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...