STANLEY'S POV
Napasapo ako nang noo ko. Now what? Ano nang magiging laban namin? Last game namin nainjured ako pero okay naman na nakakalakad na ako nang maayos pero hindi ako makakasabay sa takbuhan at agawan dahil sa pangingilo pa nang tuhod ko. Geeez, ano nang gagawin namin?
"Captain kaya mo?" Tanong ni Jovhen.
I heave a sighed.
"Kakayanin." Sagot ko lang.
Nilingon ko sina Bryan, Solyie at Tommy.
"Kaya niyo pa?" I asked them.
"Of course Captain, kakayanin. Hindi pwedeng paapekto." Ani Solyie na ngumiti pa nang malapad.
"Stanley, kung huwag na lang natin ituloy 'to?" Nilingon ko si Coach Exan.
"Kakayanin namin Coach." Mariing sabi ko.
He tapped my shoulder.
"Sigurado ka?" Tumango ako.
"Si Coach Gillian at Coach Sany po?" I asked kanina ko pa hindi sila nakikita, kung kailan importanteng laban ito, dahil kapag natalo kami dito wala na kaming pag-asa pa hindi kami makakapasok nang finals pero kung mananalo then automatic pasok kami.
"May pinuntahang importante." Ani Coach Exan.
Napabuga ako nang hangin, mas importante pa sa larong 'to? Tsk.
"Sige na tawagin na ang lahat." Ani Coach William.
Nagmeeting kami, ilang minuto na lang kasi magsisimula na ang laro.
After nang meeting at pagpaplano, naghintay kami nang simula.
"Wala pa din sila Coach Gillian." Ani Bernie.
"Hayaan niyo na sila." Aniko, mas importante kasi ang pinuntahan nila kesa sa laro, mamaya makakatikim ka sa akin Coach Gillian, iniwan mo ang team sa ere.
Nagsimula na ang laban, first score sa kalaban hindi ko maiwasang mapressure at mainis kung hindi lang sana masakit itong paa ko, anim lang sana ang lalaki nang kalaban namin, halos babae sila at medyo mahihina pero nakakabahala pa din lalo na si Wesley na lang ngayon ang maaasahan namin makapagshoot dahil ako aminadong wala akong magagawa ngayon kundi ang maging balakid sa mga kalaban.
Natapos ang first half, break time na ang score 5-2 pabor na pabor sa kalaban. Pabagsak akong naupo. Geeez wala na talagang pag-asa.
"Asan ba kasi si Coach Gillian? Siya ang nakakaalam nang tamang gawin namin." Bulalas ko.
"Stanley kalma hindi nakakatulong iyan." Ani Coach William.
Napabuga ako nang hangin then tumayo, basta naiinis talaga ako sa mga oras na 'to. Ayokong umuwi kami nang luhaan, kahit hindi namin makuha ang championship basta makapasok lang kami nang finals ayos na iyon isang malaking panalo na iyon.
"Damn it." Inis na inis kong kinuha ang bottle water at binuhos ito sa ulo ko. Nakakainis, mumurahin ko talaga si Coach Gillian pagdating niya, ano ba kasing importanteng bagay na pinuntahan niya, bullsh*t.
"Stanley." Kuyom ko kamao ko, heto na siya. Galit na galit kong hibarap siya.
"Damn it Coach, saan ba kayo nagpupunta? Alam niyo namang importante itong larong ito sa atin. Letche naiinis ako sa'yo." Bulalas ko.
Nagcross arm si Coach Gillian at tinitigan ako, si Coach Sany naman hinawakan ako sa balikat.
"Don't worry may tutulong na sa atin." Kumunot noo ko sa sinabi niya. Tutulong? Tsss. Anong kalukuhan 'to?
BINABASA MO ANG
The FOOTBALL Princess
Teen FictionDate started: June 2017 Date Finished: October 29, 2018 As of Feb 17, 2018-#569 in teen fiction As of Feb 16, 2018- #567 in teen fiction As of Feb. 15, 2018- #665 in teen fiction As of Feb. 07, 2018- #905 in teen fiction Paano kung ang isang babae a...