MABILIS AKONG bumaba ng Taxi nang makarating ako sa tapat ng mataas na gusaling iyon kung saan nagtatrabaho si Roven, ang kasintahan ko sa loob ng mahigit isang taon. Tinext niya kasi ako at sinabing lalabas daw kami, pumunta na lang daw ako sa office niya dahil may ilang bagay pa siyang gagawin.
Isang Human Resource si Roven sa pinapasukan niyang kompanya. Nakilala ko siya nang minsang pumunta ako kasama si Andrea, ang kaibigan ko sa isang bar. Hindi ko alam kung bakit lumapit na lang siya sa akin at tinanong ang pangalan ko, doon nagsimula ang lahat hanggang sa nalamayan ko na lang na mahal ko na siya.
Nakangiti akong pumasok sa gusaling iyon. Bumungad sa akin ang malawak na ground floor habang abala ang bawat empleyado paroon at parito habang hawak ang iba't ibang mga papeles.
Ilang araw na bang hindi nagpapakita sa akin si Roven? Kaya nga hindi na ako nagdalawang isip na puntahan siya nang sabihin niyang pumunta ako rito dahil pakiramdam ko'y nanlalamig na siya sa akin sa hindi ko alam na dahilan. Madalang na rin siyang mag-text at tumawag sa akin.
Ngumiti ako sa ilang empleyadong nakikita ko hanggang sa elevator. Kilala na rin ako ng ilang mga tao rito dahil ilang beses na rin akong dinala ni Roven sa lugar na ito. Nakaramdam ako ng excitement at pananabik nang sumakay ako sa elevator at pinindot iyon sa 11th floor.
Nang bumukas ang elevator, agad akong lumabas doon at naglakad pakanan patungo sa silid na inuukupa ni Roven. Inayos ko ang sarili ko at ngumiti nang makarating ako sa tapat ng pinto ng opisina niya. Nagbuga pa ako ng hangin. Ilang araw ko ng hindi nakikita si Roven at nananabik na akong makita muli siya.
Nang pakiramdam ko'y maayos na ang hitsura ko at magiging maganda sa harapan niya, hinawakan ko ang doorknob nang silid at dahan-dahan iyong itinulak papasok. Lumagitnit pa ang pagbukas niyon. Hindi ko maiwasang ngumiti sa tuwa. Hanggang sa tuluyan kong nabuksan ang pinto. Para akong naestatwa at binuhusan ng malamig na tubig sa tumambad sa akin.
Nanigas ang buo kong katawan. Nanlaki ang mga mata ko kasabay nang pag-awang ng bibig ko. Pakiramdam ko'y dinadaganan ang dibdib ko habang nakikita ko si Roven na may kahalikan at ang mas masakit hindi sa isang babae kung 'di sa lalaki. Daig ko pa ang sinampal sa nakikita ko. Nakatalikod siya 'di kalayuan sa akin at hindi ko makita ang mukha ng lalaking iyon. Naghiwalay din agad ang mga ito nang marahil maramdaman ang presensiya ko.
"R-Roven?!"
Ganoon na lang din ang gulat ni Roven at ng lalaking iyon nang makita kong nakatayo roon habang hindi makagalaw. Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto ko ring magpasampal ng malakas dahil baka panaginip lang ito. Gusto kong magising. Paanong magkikipahhalikan si Roven sa isang lalaki? Matagal ko na rin siyang kilala ni hindi ako nakakita ng senyales na lalaki rin ang gusto niya.
"You're wrong—"
"I'm sorry, Miles," tanging sabi ni Roven habang bahagya siyang nakayuko.
Napasinghap ako kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko'y si Roven mismo ang pumipisil sa puso ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mas matatanggap ko siguro kung babae ang ipapalit niya sa akin pero ang lalaking iyon? Ang hirap tanggapin.
Binalingan ko ang lalaking kahalikan ni Roven. Hindi ito mukhang bakla, sa totoo nga napakagwapo nito para maging isang gay o kung ano pa man. Bumalik ang mga mata ko kay Roven. "Siya ba ang dahilan kung bakit halos hindi ka na nagpaparamdam sa akin nitong mga nakaraang araw?" kumpronta ko sa kaniya.
Yumuko lang si Roven at walang imik.
"I'll explain—"
"Huwag kang makialam dito!" sigaw ko sa lalaking iyon. "Roven, sumagot ka. I need your explanation at huwag kang manahimik lang! Sabihin mo sa aking mali ako sa nakita ko," balik ko sa kaniya. Ramdam doon ang galit at sakit.
"I deserve everything you'll say about me, Miles. Murahin mo ako. Saktan mo ako. I deserve all of those," balik ni Roven.
Mapait akong napatawa habang ramdam ko pa rin ang luhang bumabagsak sa pisngi ko. "Hindi ko maintindihan, Roven. Wala akong maintindihan! Ang labo mo, eh. Napakalabo mo!" Madilim ang mga tinging binalingan ko ang lalaking nasa tabi ni Roven, saka tumalikod at naglakad palabas ng silid na iyon kahit pakiramdam ko'y nanghihina ang tuhod ko.
Muling tumulo ang luha sa mga mata ko habang palabas ako ng gusaling iyon. Pinahid ko iyon. Kung kailan handa na akong ibigay ang buhay ko sa kaniya, saka naman mangyayari ito. Ni hindi man lang niya ako sinundan at nagpaliwanag. Iintindihin ko naman, eh. Papatawarin ko siya kung sasabihin niyang mali ako nang iniisip.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...