Unexpected 33

1K 20 0
                                    

PAGKATAPOS ng trabaho, hindi na ako dumeretso sa bahay para umuwi. Nagpasiya akong dumaan sa hospital para bisitahin si Zandy doon at kamustahin ang kalagayan niya.

Kanina pang tumatakbo ang isip ko kay Zandy, halos hindi nga ako makapag-focus sa trabaho dahil sa kakaisip ko sa kalagayan niya at kung paano ako makababawi sa pagligtas niya sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis ang pag-aalala ko sa kaniya.

Bago ako pumasok ng hospital, nagpasiya akong bumili ng pagkain sa labas para kay Zandy. Bumili lang ako ng porage at biscuit para sa kaniya. Sigurado naman kasing kumain na siya dahil nandoon naman si Tita Mandy at Tito Andrew para alagan siya. Nag-text kasi si Tita Mandy na nandoon na raw sila.

Nang makarating ako sa tapat ng silid na ikuupa ni Zandy, hindi agad ako pumasok dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa ginawa niya at sa huling  naging pag-uusap namin. Huminga ako nang malalim para kumuha ng lakas ng loob na harapin siya. Nang pakiramdam ko'y handa na ako, hinawakan ko ang doorknob ng silid at pinihit iyon na lumikha ng tunog.

Dahan-dahan akong pumasok sa silid at nadatnan kong tahimik iyon. Bahagya pa akong nagulat nang makitang tulog si Tita Mandy sa sofa sa loob ng silid. Inilipat kasi si Zandy sa private room at sinabi iyon sa akin ni Tita Mandy sa text nito sa akin kanina.

Dahan-dahan akong lumapit kay Zandy. Nakapikit ito habang nakatihaya. Hindi ko alam kung tulog ba siya o hindi. Kinuha ko ang upuan at inilapit iyon sa kama at tiningnan ang tahimik na si Zandy na nakapatong ang braso na may benda sa tiyan nito.

"I'm sorry, Zandy," mahina kong bulong habang matamang tinitingnan ang gwapo niyang mukha na hindi nakakasawang tingnan. Hindi ko alam pero parang nag-iba ang tingin ko kay Zandy mula sa dating pagkakakilala ko sa kaniya.

Inaamin kong galit ako sa kaniya dahil sa ginawa nila ni Roven noon pero dahil sa ginawa ni Zandy at sa kakaibang pinakikita niya sa akin, pakiramdam ko utay-utay nawawala ang galit ko at mas nakikilala ko siya. Tama pa ba 'tong nararamdaman ko?

"Stop staring at me."

Napakurap ako nang marinig ko ang boses niya kasabay nang pagmulat ng mga mata niya na seryosong nakatingin sa akin.

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. Bigla akong kinabahan at pakiramdam ko'y nag-iinit ang mga pisngi ko dahil doon. "Huh? H-hindi kita tinitigan, 'no? Nakatingin lang ako," dahilan ko habang hindi nakatingin sa kaniya.

Narinig ko ang mahina niyang pagsinghap. "Talaga lang, huh?" tila hindi naniniwalang sabi niya. "Why are you here? Bakit 'di ka pa umuwi?" sabay seryoso niyang tanong.

"I just wanna check if you're ok," pakli ko.

"Bakit? Dahil ba nagi-guilty ka o dahil concern ka sa akin?"

Tiningnan ko siya na kunot ang noo dahil sa naging tanong niya. Bakit nga ba ako nandito para tingnan ang kalagayan niya? Dahil ba sa guilty ako o dahil sa concern ko sa kaniya.

Kumurap ako at umiwas uli sa kaniya ng tingin. "Kumain ka na ba?" pagbabago ko sa usapan dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko sa tanong niya.

"I'm not hungry, Miles," sabi niya. Gumalaw siya at inayos ang pagkakahiga. Bahagya pa siyang tumalikod sa akin.

Mayamaya pa'y hindi ko napigilan ang mapangiti nang marinig ko ang tunog ng tiyan ni Zandy, senyales na gutom na siya. Nahihiya lang sigurong aminin sa akin.

"Akala ko ba hindi ka gutom?" tanong ko sa kaniya na natatawa.

Narinig ko ang mahinang pagmura niya. "Ok, fine I'm hungry, masaya ka na?" seryosong sagot niya.

"I brought food here, kumain ka," sabi ko. Tumayo ako at kumuha ng naliit na bowl na nandoon at inilagay doon ang porage para kay Zandy. "Here." Inilahad ko iyon.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon