DAHAN-DAHANG umupo si Zandy sa sofa nang makarating kami roon. Napapangiwi pa siya dahil marahil sa sakit ng likod niya dulot ng pagbagsak ng lightning materials doon.
"Gusto mo bang kumuha tayo ng personal nurse na pwedeng mag-alaga sa iyo?" tanong ni Tita Mandy nang makaupo ito. Marahil naaawa ito sa sitwasyon ng anak.
"Personal nurse? 'Ma, hindi pa ako balda para alagan ng iba. I can take care myself," protesta agad ni Zandy.
"Tama po si Zandy, Mama, isa pa po nandito naman po ako to take care of Zandy," sabi ko na nahiya sa mga huling sinabi.
Lumawak ang ngiti ni Tita Mandy sa narinig mula sa akin. "Are you willing to take care of my son, hija? I mean, you have your work hindi ba abala iyon?"
Ngumiti ako. "Hindi naman po, Mama, saka ako naman po ang dahilan kung bakit naging ganiyan si Zandy. Responsible po akong alagaan siya," litanya ko na totoo sa aking sarili. Gusto ko talagang alagaan siya para kahit pa paano makabawi ako sa ginawa niya sa akin.
Lalo lamang lumiwanag ang mukha ni Tita Mandy. "Wow! That's the wife," puri nito. "Thank you, Miles."
Ngumiti lang ako. Saglit akong bumaling kay Zandy at nakita ko ang seryoso niyang mukha na nakamasid sa amin. Hindi na rin siya umimik.
"Siya nga po pala, 'Ma, hindi po ba dadalaw si Papa kay Zandy?" sabay tanong ko nang maalala ko si Tito Andrew na hindi ko pa uli nakikita.
Alangang ngumiti si Tita Mandy. Bumaling ako kay Zandy, napayuko naman siya. Kumunot ang noo ko sa pagtataka. May nangyari ba sa mag-ama? "Ah! Ano...busy kasi sa negosyo ang Papa mo, hija kaya hindi makadalaw. Hayaan mo, kapag medyo maluwag na ang schedule niya, I will bring him here," sagot niya.
"Sige po, Mama," tanging nasabi ko na lang at hindi na nagtanong pa ng iba dahil biglang nag-iba ang ambiance ng paligid dahil nababanggit ko si Tito Andrew. Hindi kaya nag-away na naman ang mag-ama?
Ilang sandali pang nanatili roon si Tita Mandy, bago nagpasiyang umuwi. Hinatid ko pa siya sa labas ng bahay at pinagmasdan ang pag-alis nito. Muli akong bumalik sa loob ng bahay at nadatnan kong nasa sofa pa rin si Zandy, nakasandal siya roon habang nakapikit.
Kanina pa akong curious at gusto kong tanungin kung ano'ng nangyari sa kanila ni Tito Andrew pero pakiramdam ko Wala ako sa lugar para magtanong.
"Are you hungry, Zandy? I'll cook for you," pukaw ko sa kaniya.
"I'm not hungry, kumain ako kanina sa hospital," sagot niya na nanatiling nakapikit ang mga mata. "You can go to your room and rest, kaya ko na ang sarili ko," seryosong dagdag pa niya.
Hindi agad ako umimik. Dahan-dahan akong umupo sa malapit na sofa sa kaniya at seryoso siyang tiningnan. Gusto kong pormal na magpasalamat sa kaniya dahil hindi ko pa iyon nagagawa. Humugot muna ako ng lakas ng loob dahil ang totoo hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan at naiilang sa kaniya. Bumuntong-hininga muna ako.
"Zandy," banggit ko sa pangalan niya. Nakagat ko pa ang pang-ibabang labi ko.
"Uhm!" tanging balik niya sa akin. Hindi pa rin iminumulat ang mga mata.
"I don't know how to say it, Zandy pero thank you so much for saving me. Sa totoo lang, nahihiya ako sa iyo dahil kahit sinusungitan kita at sinusumbatan, iniligtas mo pa rin ako. Thank you at sorry," sabi ko na puno ng lakas ng loob. "I'm not saying this because I feel guilty, I mean it, Zandy," dagdag ko pa.
Dahan-dahang nagmulat ng mukha si Zandy at iniangat ang ulo sa sandalan ng sofa. Diretsong tumingin siya sa akin na seryoso ang mukha. "Well, katulad mo hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa. Maybe because I'm responsible to you the day when we got married." Huminto siya sa pagsasalita at umiwas ng tingin sa akin. "I also want to say sorry sa mga sinabi ko sa iyo na nasaktan ka. I didn't mean to hurt you, I just want you to realize things that would benefit you," dagdag pa niya.
Hindi ko alam ang mga salitang ibabato ko sa kaniya. Nanatili ang mata ko sa mukha niyang seryoso na hindi direktang nakatingin sa akin. Hindi ko alam pero may kiliting lumitaw sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. May saya roon na sa wakas nagkaintindihan kami sa ilang mga bagay.
"Sige na magpahinga ka na," sabay sabi niya makalipas ang katahimikan. "Don't worry I can handle myself."
Kumurap ako. Hindi napigilang mapangiti kaya saglit akong yumuko para itago iyon. "I won't let you go to your room alone," sabi ko. "Baka kung mapaano ka," dagdag ko pa na hindi ko alam kung bakit puno iyon ng pag-aalala.
Nanliit ang mata ni Zandy. "Then, ok fine," pagpayag niya at hindi nakaligtas ang ngiting pumaskil sa mga labi niya kahit halos bahagya lang iyon.
Tumayo ako sa pagkakaupo. Naiilang akong lumapit sa kaniya dahil pakiramdam ko sa tuwing nagdidikit kami, napapaso ako. Hindi rin ako sanay na ganito kami kalapit at hindi nagbabangayan.
Dahan-dahang tumayo si Zandy. Nakita ko pa ang pagngiwi niya dahil sa sakit ng kaniyang likod kaya mabilis ko siyang dinaluhan at inalalayan ang braso para tumayo. Hindi ko alam pero biglang pumitik ang puso ko nang hawakan ko siya. Naamoy ko ang natural niyang amoy na ang sarap sa ilong.
"Kaya mo bang maglakad?" tanong ko. Ni hindi ko siya magawang tingnan sa mga mata.
Tumango siya. "I can, Miles," pakli niya. Marahan niyang binawi ang braso sa akin at nagsimulang lumakad ng dahan-dahan. Naiwan akong nakamasid sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tuluyan na ba akong nagiging mabait kay Zandy? Tuluyan na nga ba kaming magkakaintindihan? Simula na ba ito ng mabuting pagsasama namin?
Kumurap ako at pilit iwinaglit ang mga isiping iyon. Nakita kong paakyat na si Zandy sa hagdan. Mabilis akong naglakad papunta sa kaniya. Akmang hahakbang na sana si Zandy nang hawakan ko ang braso niya. "Let me help you," sabi ko.
Tiningnan lang niya ako. Hindi siya umimik at hinayaan akong alalayan siya sa pag-akyat. Sa bawat hakbang ng mga paa namin, ramdam ko ang kaba ng dibdib ko. May kung ano sa akin na nagiging dahilan niyon.
Binitawan ko siya nang makaakyat kami sa hagdan at dumistansiya sa kaniya. Bakit ganito ang nararamdaman ko?
Humakbang na uli si Zandy. Nagulat ako nang muntik na siyang ma-out balance. Mabilis ko siyang nilapitan at hinawakan sa baywang para alalayan.
"Sh*t," narinig ko pagmura niya.
Saka ko lang napagtanto ang posisyon namin. Nakayakap ako sa kaniya at dahil matangkad si Zandy kaysa sa akin, hindi ko makita ang reaction ng mukha niya. Ramdam ko ang naninigas niyang tiyan at amoy na amoy ang natural niyang bango.
Mabilis ko siyang binitawan na hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Bahagya rin akong lumayo sa kaniya. Nahihiya ako sa nangyari.
"A-are you ok, Zandy?" nag-aalala kong tanong.
"Yeah! I'm fine," aniya. Saka naglakad na uli siya. Tuwid naman siyang maglakad at maayos iyon, marahil dahil lang sa sakit ng likod niya kaya mabagal siya maglakad.
Sumunod ako sa kaniya hanggang makarating si Zandy sa silid niya. Pumasok siya roon. Inayos ko muna ang kama niya bago siya umupo roon.
"I'll gonna go, Zandy. Take a rest," sabi ko at mabilis na tumalikod. Hahakbang pa lang sana ako nang magsalita siya.
"Salamat, Miles."
Para akong matutunaw. Hindi ko alam pero may sayang lumitaw sa puso ko dahil sa senserong pagpapasalamatan ni Zandy. Hindi na ako nagsalita. Mabilis akong lumabas ng silid at dumeretso sa sarili kong kwarto na hindi maintindihan ang sarili sa nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...