Unexpected 55 (Part 1)

989 12 2
                                    

"GUSTO kong palagi tayong ganito, Miles." Pinilig ko ang ulo ko para alisin iyon sa isip ko. Para na akong mababaliw dahil paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Zandy at ang halik niya nang nagdaang gabi. Hindi ko tuloy magawang tumingin sa kaniya dahil sa hiyang nararamdaman ko. Parang pinapaso ang pisngi ko dahil agad iyong namumula.

Hindi ko rin alam kung bakit hinayaan ko si Zandy na halikan ako at aminin ko man o hindi, may kiliting lumitaw sa puso ko at kakaibang pakiramdam na nagbigay ng ligaya sa akin. Tama bang maramdaman ko iyon? Tama rin ba ang mga narinig ko mula kay Zandy at dapat ko bang paniwalaan lahat iyon?

"Hey! Napapansin ko, lately palagi kang tulala at malalima ang iniisip," pukaw sa akin ni Andrea habang nasa isang restaurant kami para kumain ng lunch.

Hindi ko namalayang napatulala na naman pala ako dahil sa kakaisip ko kay Zandy at sa kakaibang ipinapakita't ipinararamdam niya sa akin at ayaw kong umasa sa mga iyon.

Kumurap ako at humarap kay Andrea. Kaswal akong ngumiti, saka bumaling sa pagkaing nasa harap ko. "Wala, Andrea may naisip lang ako," safe kong sagot pero alam kong may follow up na tanong pa siya.

Makahulugan niya akong tiningnan. "Iniisip? Hulaan ko, si Zandy 'yan, 'no? What's with him?" usisa niya. "Lately, mukhang hindi ka na palaging irritated with him at hindi ka na rin sumisimangot because of him. Ano, may progress ba sa relasyong meron kayo?"

Nag-angat ako sa kaniya ng tingin, saka tinaasan ng kilay. "Walang relasyong magpa-progress sa amin, Andrea dahil wala naman kami niyon," sagot ko. Saglit akong hindi umimik at bumuntong-hininga. "Sa totoo lang, at first nahirapan akong mag-adjust sa set up namin ni Zandy. Palagi kaming nag-aaway sa maraming bagay, specially when it comes to our past pero lately, may nagbago. Nagising na lang ako na wala ng away at sumbatan ng nakaraan namin. Naiintindihan ko na siya at ang gusto niyang gawin sa buhay niya at alam kong ganoon din siya sa akin dahil sa kakaibang ipinapakita niya," seryoso kong pagtatapat.

Natahimik si Andrea at napahinto sa pagkain habang nakatingin sa akin na tila sinusuri ang expression ng mukha ko. Bahagya akong yumuko.

"Ibig bang sabihin, nagkasundo na kayo ni Zandy?" Napangiti siya. "Sinasabi ko na nga ba, may kakaibang nagbago, eh, hindi lang sa samahan ninyo ni Zandy, maging sa 'yo. Palagi ka na lang tulala, hindi ka na rin galit kay Zandy at sa tuwing pinag-uusapan natin siya, ngumingiti ka na lang. Ano, may nabuo na bang pagtingin sa puso mo para kay Zandy?" tila excited na tanong ni Andrea.

Mayroon na nga ba? Umiling ako. "Masaya ako, Andrea na kahit pa paano, nagkaintindihan na kami ni Zandy, pero I can't say na may nararamdaman na ako para sa kaniya," diretso kong sagot. Para sa akin, hindi ko rin alam kung may nararamdaman na ba ako kay Zandy at hindi ko rin masasabing wala.

"Eh, ano? Huwag mong sabihing mahal mo pa rin si Roven?" kunot-noong tanong ni Andrea.

Hindi agad ako nakasagot. May nararamdaman pa nga ba ako para kay Roven? Hindi ko rin masasabi ang totoong nararamdaman ko para rito. "Wala na, Andrea pero siguro dahil parte siya ng nakaraan ko kaya may parte pa rin siya sa puso ko na kahit pilit kong alisin, hindi ko magawa," seryoso kong pakli.

Ngumuso si Andrea at tumango-tango habang ngumunguya. "Well, kung sa bagay, maraming nangyari sa buhay mo at hindi madaling mag-move on at hindi rin madaling magmahal muli." Sumeryoso ang mukha ni Andrea habang nakatingin lang sa akin. "Bilang kaibigan mo, Miles I just want you to be happy at magagawa mo lang iyon kapag pinatawad mo si Roven at muling buksan 'yang puso mo para sa ibang tao. It's been ang year at narinig mo na rin ang lahat kay Roven at hindi na natin maibabalik pa ang nakaraan pero pwede tayong umabante at magagawa natin 'yon, once na inalis natin 'yong galit natin sa puso natin. Kapag nagpatawad ka. Kapag nagkaroon ng closure sa inyong dalawa. At kapag nagawa mo iyon, magsisimula ang bagong saya sa puso mo," mahabang sabi ni Andrea na puno ng concern.

Hindi ako nakaimik habang pilit kong iniisip ang mga sinabi ni Andrea na tila ba dumeretso sa puso ko at nanahan doon para ipaunawa sa akin ang mga bagay na iyon na dapat kong gawin para muli akong sumaya at gumaan ang puso ko.

Ngumiti si Andrea sa akin at tumango. Marahil tama siya sa lahat ng sinabi niya. Kailangan kong magpatawad para sumaya ako, para hindi ko palaging balikan ang masakit na nakaraan.

MATAPOS ang trabaho namin, sabay-sabay kaming lumabas ng gusali habang nagtatalo na naman si Chad at Melissa tungkol sa mga modelong ipi-feature ng magazine na mula sa Paris at isa roon si Beverly.

"Don't you see, Chad I'm more beautiful and sexy kaysa sa mga model na iyon," giit ni Melissa dahil paulit-ulit na sinasabi ni Chad na ang gaganda at ang se-sexy daw ng mga modelong iyon. Palagi kasi si Chad sa studio para sa pictorial ng mga iyon.

"Masyado kang madaldal, Melissa hindi naman ganiyan ang mga model," diretsong sabi ni Chad.

Natawa na lang kami ni Andrea at napailing dahil sa dalawang ito na patuloy na nag-aaway dahil lang sa bagay na iyon. Hindi talaga ako magtataka kapag silang dalawa ang nagkatuluyan.

Tuluyan kaming nakalabas ng gusali. Naramdaman ko agad ang malamig na hangin na dumampi sa mga balat ko. Ngunit pagkalabas namin, napahinto ako nang tumama ang mga mata ko sa pamilyar na bultong nakatayo sa tabi ng kotse nito.

"Si Zandy ba 'yon?" tanong ni Andrea na napansin din pala si Zandy.
 
Nakita kong napatingin sa amin si Zandy at lumakad palapit sa amin. Ngumiti agad siya sa mga kasama ko at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang gwapo niyang mga ngiti.

"Hi, bro," bati ni Chad. Nag-fist bump pa ang dalawa habang nakangiti.

Lahat sila'y alam na ang totoong dahilan kung bakit kami kinasal ni Zandy at ang katotohanang hindi namin mahal ang isa't isa at lahat din sila'y umaasang magiging totoo ang lahat sa amin ni Zandy.

"Mukhang mas gumagwapo ka ata, Zandy, ah?" puri ni Melissa na halatang kinikilig.

"Gwapo rin naman ako, ah?" sabat naman ni Chad.

"Tumigil ka nga sa kakapantasya mo, Chad! Hindi ka gwapo!" inis naman na sabi ni Melissa na tila gumaganti lang sa binata.

Kumurap ako ng makita kong bumagsak sa akin ang mga mata ni Zandy. Umiwas ako sa kaniya ng tingin.
 
"Bakit nandito ka, Zandy?" tanong ko. Nahihiya akong humarap sa kaniya at pakiramdam ko'y umiinit na naman ang pisngi ko.

"I'm here to pick you up, Miles," seryosong sabi niya kasunod ang pag-'ayie' ng mga kasama namin. "I will bring you somewhere," dagdag pa niya.

Naramdaman ko ang bahagyang pagsiko ni Andrea sa akin. "Girl, dadalhin ka raw ni Zandy sa kung saan. Baka sa langit," mahinang bulong ni Andrea na natatawa at pinipilit na hindi mapa-hagikgik.

Bahagya ko siyang binangga ng balikat ko. Kinunutan ko siya ng noo. "Baliw!" sabi ko sa kaniya. Hindi maitatago ang kilig sa mukha ng mga kasama ko. Mas lalo tuloy akong nahihiya. Humarap ako kay Zandy na hindi diretsong makatingin sa mga mata niya. "Ngayon?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon