Unexpected 74

758 12 0
                                    

KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising sa isang magandang umaga. Ganoon pala ang pakiramdam na magising na bubungad sa iyo ang taong mahal mo, ang taong dahilan kung bakit ka masaya. Pakiramdam ko'y nasa paraiso kaming dalawa na walang ibang nararamdaman kung 'di ang ligaya ng pagmahal na sana'y huwag na lang matapos.

Tahimik kong tinitigan si Zandy na mahimbing na natutulog. Nakaunan ako sa matigas niyang braso habang nakayakap naman sa akin ang isa niyon. Hindi ko maiwasang ngumiti na may halong kilig habang pinagmamasdan ko ang gwapo niyang mukha na tila kabisado ko na 'yon.

"Thank you, Honey," mahina kong usal. Marahan kong hinaplos ang pisngi niya na naging dahilan para bahagya siyang gumalaw pero nanatiling nakapikit ang mga mata niya.

Sa paningin ko'y si Zandy na ang pinakagwapong lalaking nakilala ko. Hindi ako magsasawang pagmasdan ang mukha niya, kahit pa araw-araw akong magising na siya ang bubungad sa akin habang nabubuhay ako. Iyon nga ang gusto ko, na kasama siya sa pagtulog at siya ang bubungad sa paggising ko.

Marahan kong hinagod ng hintuturo ko ang tungki ng matangos niyang ilong pababa sa malambot niyang labi na kahit hindi naka-lips stick, mapula-pula iyon. Gumalaw si Zandy at mas hinapit pa ako palapit sa kaniya.

"Tititigan mo na lang ba ako, Honey? Why don't you just give me a morning kiss," sambit ni Zandy na tuluyan nang nagising. Nagmulat siya at saktong nagtama ang mga mata naming dalawa, agad akong ngumiti.

"Ganito pala ang pakiramdam, kapag gumigising ka na ang taong mahal mo ang agad na bubungad sa 'yo," masaya kong sabi. "This is the feeling I always wanted to feel, Honey."

Ngumiti si Zandy. Inayos niya ang bahagyang nagulong buhok ko. Hinalikan pa niya ako sa noo. "And from now on, everytime na gigising ka, gusto ko ako ang bubungad sa 'yo. We're married and we love each other, kaya wala ng dahilan para magbukod pa tayo ng kwarto," sabi ni Zandy.

Tumango ako at niyakap siya ng mahigpit. Isiniksik ko pa ang ulo ko sa dibdib niya. Ang sarap sa pakiramdam. "I love you, Honey!"

"I love you!" balik ni Zandy. Niyakap niya pa ako habang hinahaplos ang buhok ko at hinahalikan ang ulo ko. "Hindi ka ba papasok sa trabaho?" kapagkuwa'y tanong niya.

Nang banggitin ni Zandy ang trabaho, mabilis akong bumitaw sa pagkakayakap sa kaniya. May trabaho nga pala ako. Mukhang napapasarap ako sa ligayang pinaparamdam sa akin ni Zandy na pati trabaho ko nakalimutan ko.

"I have a work, Honey! I need to go to the office dahil kung hindi baka mawalan ako ng trabaho," sabi ko. Tatayo na sana ako nang pigilan ni Zandy ang braso ko.

"Wait, Honey, you're naked, remember?" Natigilan ako. Bigla kong kinuha ang kumot at binalot sa katawan ko. Natawa naman si Zandy. "As if naman hindi ko nakita 'yan," aniya pa. Umalis siya sa higaan. Naka-boxer lang siya kaya naman kitang-kita ko ang katawan niya na tila hinugis ng maayos. Napalunok ako dahil sa tuwing nakikita ko ang kahubaran niya, hindi ko maiwasang hindi iyon pagnasaan.

"Here's your under—"

"Zandy!" sabi ko at agad na kinuha ang underwear ko na hawak niya. Pakiramdam ko'y biglang nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa ni Zandy. "Can you please go outside the room, Honey?" utos ko sa kaniya. Bigla akong nahiyang na makita niya ang kahubaran ko kahit nakita naman na niya iyon. Pero iba pa rin kasi 'yong makita niya iyon na hindi kami nag-iinit.

Tumawa si Zandy. "Ngayon ka pa nahiya sa asawa mo, pero sige, lalabas na ako," naiiling na aniya, saka tumalikod.

Natawa na lang din ako nang makalabas si Zandy. Mabilis kong sinuot ang underwear at short na suot ko kagabi. Bumaba ako ng kama pero nang akmang lalakad na ako nang bigla akong nakaramdam ng hilo. Nasapo ko ang noo ko at napaatras. Ilang sandali pa at nawala rin iyon. Baka nabigla lang siguro ako sa pagtayo.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon