HINDI KO alam kung bakit parang biglang nagbago ang ihip ng hangin. Parang no'ng nakaraan lang ni halos hindi tumutol si Zandy sa lahat ng gusto ng mga magulang namin tapos suddenly he want them to disappoint. Ano bang nasa isip niya? Lalo lamang ako naku-curious sa kung ano'ng gusto niyang mangyari sa amin? Parang biglang nag-iba ang Zandy na kasama ko o baka naman nagsawa na siya sa paulit-ulit naming pagtatalo at sa pang-aasar niya sa akin. Marahil din napuno na siya at napagod sa mga pangsusumbat ko sa kaniya.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng kulay berdeng bahay na may malalaking puno sa labas ng bakod niyon na nagbibigay lilim sa malawak na bakuran ng bahay. Napaka-enivironmental friendly niyon. Nararamdaman ko rin ang sariwang hangin na yumayakap sa akin.
"Wala ka bang balak bumaba?"
Napakurap ako nang marinig ko ang boses ni Zandy. Bumaling ako sa kaniya na nakatayo sa harap ng pinto ng driver's seat. Seryoso ang mukha niya. Hindi ako umimik. Kinuha ko ang back pack ko at umaba ng sasakyan. Pumunta ako sa likod ng sasakyan para kunin ang mga gamit ko roon.
"I'll handle this, Miles," malamig na sabi ni Zandy nang akmang bubuksan ko ang compartment ng kotse niya. Marahan niya akong hinawi, saka binuksan iyon. Kinuha niya ang maleta ko at marahan iyong hinila. Nauna na si Zandy na tumungo sa main door habang nakatingin lang ako sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang inaakto niya sa akin.
Kapagkuwa'y sumunod ako sa kaniya. Binuksan niya ang main door gamit ang duplicate niyon na nasa kaniya at walang lingon-lingon na pumasok doon. Sumunod ako kay Zandy at agad naagaw ang pansin ko nang makit ang maayos ng sala ng bahay. Napalingon ako sa paligid, cream ang theme ng wall niyon, may malaking TV at sofa set. May chandelier sa sentro ng silid.
Napuno na ang bahay ng mamahaling mga gamit pero higit na nakaagaw ng atensyon ko ang litrato namin ni Zandy no'ng kinasal kami. Napatitig ako roon at bakas sa mga mukha namin ang pagtutol at ang pilit na mga ngiti.
"They make it beautiful, isn't?"
Bumaling ako kay Zandy. "Yes, pero tayo, halata ang pagpapanggap," diretso kong sabi. Nakita ko ang pagngisi niya.
"By the way, you can choose the room you want, Miles," seryosong sabi ni Zandy nang mailagay niya roon ang maleta ko. Pabagsak siyang umupo sa sofa. "May kwarto sa taas at nasa baba ang guess room at kung gusto mo rin I will hire a maid for you," dagdag pa niya.
Lumingon ako sa gawing kanan kung saan nandoon ang kitchen. Malaki rin iyon at may counter pa. "No, Zandy hindi mo na kailangang kumuha ng katulong," tutol ko. "I can do household chores," dagdag ko pa.
"Ok, fine sabi mo, eh," pakli niya. "You can check the room on the second floor. Dalawa ang silid doon at bahala ka nang pumili."
Hindi ako umimik. Binalingan ko lang siya ng saglit, saka nagmartsa palayo sa kaniya upang umakyat sa taas ng bahay. Hindi ko alam kung ano'ng ire-react ko sa nakita ko. Sa hallway ng second floor patungo sa terrace niyon, makikita ang ilan pang mga litrato namin ni Zandy mula sa kasal namin. Lumapit ako sa mga iyon at isa-isang tiningnan. Napasinghap ako at napasimangot ng makita ko ang isa ro'n na nakatingin ako kay Zandy habang nakasimangot at seryoso naman siya na nakatingin sa harap ng camera. Hindi ko alam pero napangiti na pala ako dahil sa totoo lang, ang cute niyon tingnan.
"You like that, huh?"
Napapitlag ako at mabilis na humarap kay Zandy. "Yeah, I like this picture dahil sa lahat ata ng litrato na narito, dito lang tayo naging totoo," sabi ko.
"And it's look cute," pakli niya, saka tumalikod at tiningnan ang iba pang mga litrato.
"I choose this room," sabi ko nang marating ko ang pinto malapit sa terrace ng bahay.
Humarap sa akin si Zandy. "Ok," tanging sagot nito.
—
HABANG inaayos ko ang mga gamit ko sa napili kong silid, hindi ko maiwasang hindi isipin ang kakaibang inaakto ni Zandy sa akin. Simula nang inimbitahan ako ni Tita Mandy sa bahay nila para kumain, biglang nag-iba ang mood at trato niya sa akin. Mas naging magulo siya at mahirap intindihin. May nangyari ba sa kaniya para mag-iba ang mood niya ng ganoon?
"Haist! Bakit ba iniisip ko pa ang baklang iyon? Wala na dapat akong pakialam sa kaniya," mahina kong sabi sa sarili ko. Dapat pa nga na maging masaya ako dahil parang nagsawa na siyang asarin ako at galitin.
Bumuntong-hininga ako. Muli akong bumaling sa kabuuan ng silid at hanggang ngayon namamangha pa rin ako sa laki niyon. Napakalambot ng kama niyon at glass wall ang harap ng silid na kita ang malawak na bayan ng Cavite. Napakalawak ng silid para sa akin.
Matapos kong maayos ang silid ko. Pabagsak akong humiga sa kama. Bumaling muna ako sa wristwatch ko at nakitang pasado alas-nuebe pa lang ng umaga. Wala rin akong balak lumabas dahil hindi ko alam kung paano ako aakto kay Zandy.
"Haist! I can't believe this!" marahan kong sabi habang nakatingin sa kisame at nakadipa sa malambot na kama. I didn't expect it to be like this. Parang kailan lang, tahimik pa ang buhay ko pero ngayon, nakatira na ako kasama si Zandy bilang asawa.
Hindi ko inakala na sa dami ng lalaking pwedeng ipakasal sa akin si Zandy pa. Grabi rin talaga maglaro ang tadhana. Sa dami ng taong pwedeng laruin ako pa. Hindi ba alam ng tadhana na si Zandy ang naging dahilan kung bakit ako iniwan ni Roven?
Habang nag-iisip ako sa magulong buhay ko, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Marahil dahil sa puyat ko nang nagdaang gabi sa kakaisip ko sa pwedeng mangyari ngayong nasa iisang bahay na kami ni Zandy.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pagmulat ng mga mata ko, maliwanag pa rin sa labas at mas tumaas na ang sikat ng araw. Pupungos-pungos akong bumangon. Kinusot ko pa ang mga mata ko at umiwas sa sikat ng araw mula sa glass wall na nakahawi ang kurtina niyon. Bumaling ako sa wristwatch at nakita kong alas onse na pala ng umaga.
Biglang nag-sink in sa utak ko na wala na pala ako sa dati kong sarili silid. Nandito na nga pala ako sa sarili naming bahay ni Zandy. Nagulat ako ng maalala iyon. Alas onse na ng umaga at nakaramdam na ako ng gutom dahil sa pagkalam ng sikmura ko.
Bumaba ako ng kama at inayos ang sarili ko. Nagbihis ako ng short at long sleeve, saka pinusod ang buhok ko. Nagpasiya na rin akong lumabas ng silid at agad hinanap ng mga mata ko si Zandy ngunit hindi ko siya nakita sa hallway. Sarado rin ang silid niya.
Bumaba ako sa ground floor at wala ring tao sa sala. Kumunot ang noo ko. Nasaan kaya si Zandy? Hindi kaya lumabas ito para roon na lang kumain ng tanghalian? Hindi man lang niya ako ginising para isama. Wala pa naman din ang kotse ko dahil sa sasakyan niya kami sumakay.
Mayamaya pa'y napakunot ang noo ko nang makaamoy ako ng mabangong samyu na mula sa pagkaing nailuluto. Bahagyang nanliit ang mga mata ko dahil alam kong sa kusina iyon nanggagaling.
Puno ng pagtataka ang isip ko. Maaari bang si Zandy iyon at nagluluto siya? Kung totoo man, parang ang hirap naman niyong paniwalaan. Wala kasi sa hitsura niya ang marunong magluto.
Dahan-dahan akong humakbang patungo sa kusina at nang lumiko ako papasok sa lutuan, nagulat ako nang makita si Zandy na seryosong nakaharap sa stove habang hinahalo ang niluluto nito na parang professional na chef. Totoo nga na nagluluto si Zandy at sa amoy pa lang iyon, nakakakalam na ng sikmura.
"You know how to cook, Zandy?" pukaw ko sa kaniya. Hindi ko alam pero bakit parang may paghanga sa boses ko.
Hindi siya humarap at nagpatuloy lang sa pagluluto. "I know some recipe and I just try it," kaswal niyang sagot na hindi man lang lumingon sa akin.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...