Unexpected 72 (Part 1)

625 8 0
                                    

HANGGANG kinaumagahan, hindi pa rin maalis sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Beverly. Nararamdaman kong hindi niya basta-basta gi-give up si Zandy kahit harapan nang sinabi ni Zandy dito na ako ang mahal niya.

Hindi ko alam pero palagi na lang akong maagang nagigising. Bumangon ako sa higaan ko. Pinilit kong alisin sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Beverly, sisirain lang niyon ang araw ko.

Ngunit nang akmang tatayo na ako nang maramdaman kong umikot ang paligid ko. Nasapo ko ang sentido ko at muling umupo sa kama dahil pakiramdam ko'y matutumba ako. Napapikit ako ng mariin dahil bigla na lang akong nahilo. Sinubukan kong imulat ang mga mata ko pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko, parang umiikot ang paligid. Epekto ba ito nang pagpupuyat ko nitong mga nakaraang araw? Bukod kasi sa maraming trabahong iniuuwi ko sa bahay, may ilang bagay pang gumugulo sa isip ko.

Pinili kong ibagsak ang katawan ko sa kama para humiga uli dahil kung tatayo pa ako, pakiramdam ko'y babagsak ako. Marahan kong minasahe ang sentido ko para kahit pa paano'y makabawas sa pagkahilo ko.

Hindi ko namalayan nakaidlip pala ako. Mabigat ang pakiramdam ko nang imulat ko ang mga mata ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko at nang mapagtanto kong nawala na ang pagkahilo ko, muli akong bumangon sa kama. Tumayo ako at naglakad patungo sa bathroom para maghilamos.

Hindi ko namalayan ang oras at nang makalabs ako ng bathroom, nagulat ako nang mapagtanto kong pasado-alas diyes na ng umaga. Bigla akong nataranta ng maalalang may trabaho ako.

"No?! I have a work!" nababahala kong sabi. Mabilis akong pumasok ng bathroom at naligo roon. Marami akong naiwang trabaho sa opisina at hindi ako pwedeng um-absent.

Matapos kong maligo, agad akong nagbihis. Kinuha ko ang bag at ilang gamit ko, saka lumabas ng silid. Mabilis akong naglakad pababa ng hagdan pero agad din akong napahinto nang mapagtanto ko ang ingay na nagmumula sa sala. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang naglakad patungo roon. Ano'ng meron? Tama ba ako nang naririnig, boses ni Mama at Papa iyon, maging ni Tita Andrew at Tita Mandy.

Lalo akong napakunot ng noo nang makita kong nandoon nga silang lahat. Abala si Tita Mandy at si Mama sa pagkikwentuhan at ganoon din si Papa at Tito Andrew.

"Ano'ng ginagawa niyo rito?" tanong ko na nakaagaw ng atensyon nilang lahat.

"Oh! Anak, gising ka na pala. Mabuti naman at bumaba ka na," nakangiting sabi ni Mama. "Happy birthday, Anak!"

"Happy birthday, hija!"

Nanliit ang mga mata ko at lalo pang nangunot ang noo. Birthday? Nang bigla kong maalala ang petsa, nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig. It's my birthday at nagawa ko 'yong makalimutan! Hindi ako nakaimik dahil sa gulat, hindi dahil sa nandito sila kung 'di dahil sa nakalimutan kong birthday ko. Kaya pala nandito silang lahat. 

"Oh! Are you awake?!" Napalingon ako kay Zandy na nagsalita sa likod na tila galing siyang kusina. Ngumiti si Zandy. "Happy birthday, Honey! I'm sorry wala akong sorpresa."

Napangiti ako at napayuko. Lumapit sa akin si Zandy at niyakap ako. Matapos niyon, kinintalan niya ako ng halik sa mga labi na alam kong ikinagulat ni Mama at Tita Mandy. 

"What! Seryoso ba 'to? Tama ba ang nakita at narinig namin?" eksaheradang tanong ni Tita Mandy na nanlalaki ang mga mata.

"Ano'ng ibig sabihin nito, anak?" segunda naman ni Mama habang tahimik lang ang dalawang lalaki na naghihintay sa isasagot namin.

Nagkatinginan kami ni Zandy at ngumiti sa isa't isa. Tumango pa si Zandy. Inakbayan niya ako, saka humarap kami sa kanila.

"I'm sorry po, Tita kung late naming naipaalam ang relasyon namin ni Miles," simula ni Zandy. "At dahil nandito na rin naman po kayong lahat, we'll get this opportunity para ipaalam sa inyong ok na kami ni Miles. We're in real relationship," pag-amin ni Zandy.

Nanlaki pa ang mga mata ni Mama at Tita Mandy nang magkatinginan sila sa isa't isa na halos hindi makapaniwala sa nalaman.

"So, hindi na 'to pagpapanggap, tama? Wala nang pagpapanggap na kunwari ok at sweet kayo para paniwalaan namin at para hindi na kami makialam sa inyo?" paglilinaw ni Tita Mandy na hindi makapaniwala at nasa mukha pa rin ang pagkagulat.

Natawa na lang ako sa reaction nilang lahat habang nakatingin sa amin ni Zandy. Tumango ako. "Yes, Mama, tama po kayo ng narinig, this is really real," pagtatapat ko.

Hindi nakaimik si Mama at Tita Mandy habang nakatingin sa amin. Kulang na lang ay tumili silang dalawa dahil sa gulat at sayang nararamdaman nila.

"So, are we expecting a baby soon?" diretsa namang tanong ni Mama.

Nanlaki ang mga mata ko sa naging tanong ni Mama. "Baby agad, 'Ma? I'm not yet ready at hindi pa rin po namin napag-uusapan ni Zandy ang tungkol diyan," agad kong protesta na nahihiya.

"Oh? Bakit hindi niyo pa napag-uusapan? You're now thirty years old, anak at kung hindi pa kayo magpa-plano, baka mahirapan na kayong magkaanak," sabat ni Papa na hindi na napigilan ang hindi magsalita.

"Tama ang papa mo, hija, you're at a right age to get pregnant," segunda ni Tita Mandy.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila. Bumaling ako kay Zandy at tiningnan siya para humingi ng tulong. "We're just starting our relationship, Tito kaya naman gusto muna naming i-enjoy ang bawat isa kasi alam naming if she get pregnant, kailangan na naming magpokus sa baby," paliwanag ni Zandy na may punto naman.

Tumango-tango si Tita Mandy at Papa. "You're right, hijo. Sige, just enjoy being together at pag-usapan ninyo ang pamilyang bubuuin ninyo," ani Papa.

"Good decision, Zandy dahil hindi madaling maging isang ama at ina. You need to prepare yourself to be a father and also, ganoon din kay Miles. Dapat handa kayo sa pagkakaroon ng pamilya at sigurado kayong kaya ninyong panindigan," Sa wakas ay nagsalita si Tito Andrew na kanina pang tahimik. Agad din siyang umiwas sa amin ng tingin.

"Tama ka, Honey hindi madaling maging isang ama at ina, ang magkaroon ng pamilya. It takes time para i-adjust ang sarili mo pero kapag nandiyan na ang bata, mawawala lahat ng hirap at mapaplitan ng ligaya," pagsang-ayon ni Tita Mandy.

"Take your time at darating din kayo riyan," sabi naman ni Papa.

"Oh! Siya, puro tayo bata, let's celebrate kasi it's Miles thirtieth birthday," putol ni Mama sa usapang bata.

"Yeah! We need to celebrate, hindi lang dahil birthday ni Miles, kung 'di dahil sa successful ang plano natin," saad naman ni Tita Mandy kay Mama na marahil ang tinutukoy ay ang pag-arrange marriage nila sa amin.

Natawa na lang ako at napailing. Humarap ako kay Zandy. "Tinawagan mo ba sila para pumunta rito?" tanong ko kay Zandy.

Ngumiti siya. Mas hinapit pa niya ako sa katawan niya. "Yeah! Alam kong miss mo na ang pamilya mo and of course gusto ko ring isama ang pamilya ko for the celebration of your birthday," sagot niya.

Ngumuso ako habang nakatingala sa kama. "But I'm going to work today, Honey. I have a lot of works to do."

Kumunot ang noo ni Zandy. "No! Hindi ka magtatrabaho today. It's your birthday, Honey! No worries, ok? I call Troy to let him know you're not gonna work today," pigil ni Zandy.

"Pero—"

"No buts, Honey. You're not going to work today," maawtoridad na sambit niya.

Wala na akong nagawa kung 'di ang pumayag sa gusto ni Zandy. Wala na akong nagawa at nanahimik na lang. Maiintindihan naman siguro ni Sir Troy kung bakit 'di ako papasok. Tatapusin ko na lang siguro ang ibang trabaho ko sa bahay.

"Ehem!" Sabay kaming napalingon ni Zandy nang marinig namin ang pagtikhim ni Tita Mandy. "Remember, nandito kami," natatawa at hindi na naitago ang kilig na sabi ni Tita Mandy.

Hindi ko na napigilang mapangiti dahil lahat sila'y nakatingin sa amin na animo'y nanonood sila ng isang pelikula. Natawa na lang din sila Mama habang nakangiti at pailing-iling si Papa at Tito Andrew. Labis na saya ang nararamdaman ko dahil kasama ko silang lahat para i-celebrate ang birthday ko na nagawa kong makalimutan. Marahil dahil sa dami ng trabaho at sa ilang isipin kaya nakalimutan ko iyon.

"Salamat, Zandy."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon