Unexpected 11 (Part 1)

1.5K 23 3
                                    

"SERIOUSLY, Miles magsasama na kayo sa iisang bahay ni Zandy na iniregalo ng pamilya niya?" gulat na tanong ni Miles sa akin nang sabihin ko sa kaniya ang sinabi ni papa sa amin bago ako pumasok ng trabaho.

Kasalukuyan kaming palabas ng gusali para kumain ng lunch sa labas na naging routine na namin para kahit pa paano makalabas kami sa loob ng silid na iyon na puro trabaho ang nakikita namin.

Malungkot at frustrated akong tumango sa kaniya. "I don't know what to do, Andrea ayaw kong makasama ang Zandy na iyon sa iisang bubong. Hindi rin naman kami magkakasundo. I'm ok with this set up, 'yong kasal lang kami sa papel at patuloy na mabubuhay sa sari-sarili naming buhay. Hindi ba't gusto lang naman nilang mawala daw 'yong sumpa sa akin kaya pinilit nila ako magpakasal?" katuwiran ko.

Napangiti si Andrea. "May magagawa ka pa ba, Miles? Unang-una, pumayag ka sa kasal na gusto nila at ibig sabihin niyon, pumapayag ka sa gusto nila. Sa tingin ko rin, hindi lang naman dahil sa sumpa kaya ka nila ipinakasal kay Zandy, it seems like there's a hidden agenda behind your wedding with Zandy," opinyon niya.

Sumeryoso ako at hindi agad nakaimik. Hidden agenda? "Ano'ng namang ibang dahilan?" usisa ko.

Napasinghap si Andrea at namilog pa ang mga mata sa akin. "Come on, Miles huwag mong sabihing hindi mo alam ang ibig kong sabihin. It was obvious, they really want you to marry Zandy dahil anak siya ng kaibigan nila. Nagkasundo sila para sa inyong dalawa. Gusto talaga nilang ikasal kayo at magkatuluyan," paliwanag niya.

Napaawang ang bibig ko. Ibig bang sabihin nito na gusto talaga nilang magkatuluyan kami ni Zandy kaya nila kami pinakasal? Napasinghap ako. "Kung inaasahan nilang mahuhulog ako sa Zandy na iyon nagka— Ano'ng ginagawa mo rito?" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil nang makalabas kami ng gusali, nandoon si Zandy habang nakasandal sa sasakyan nito at nakahalukipkip na tila naghihintay sa akin.

Ngumisi si Zandy. "Are you talking about me?" kaswal na tanong niya.

Napalingon ako kay Andrea na nagulat din na makita roon si Zandy. Alangan pa itong ngumiti at nag-wave sa baklang iyon. "Hi, Zandy," bati pa ni Andrea.

"Bakit ka nandito?" Hindi ko na lang pinansin ang tanong niya kanina.

"I'm here to pick you up, may pupuntahan tayo," seryosong sambit ni Zandy. Umalis siya sa pagkakasandal sa sasakyan at tumindig ng maayos.

Umawang ang bibig ko at kumunot ang noo. "Pupuntahan? Close ba tayo para ayain mo ako sa kung saan at para sumama ako sa 'yo?" balik ko sa kaniya.

"Can you just come with me, Miles?" sambit ni Zandy na seryoso pa rin ang mukha.

"No! Hindi ako sasama sa 'yo, Zandy." Bumaling ako kay Andrea. "Let's go, Andrea." Hinawakan ko ang braso ni Andrea at marahang hinila palayo ngunit hindi pa man kami nakakalayo, naramdaman ko ang kamay ni Zandy na hinawakan ang kamay ko at marahang hinila iyon dahilan para mabitawan ko si Andrea at mapalapit ako kay Zandy.

Halos hindi ako makagalaw ng mapagtanto kong halos magkadikit na ang katawan namin. Napalunok ako ng ilang beses. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng lakas para itulak siya palayo sa akin.

"Come with me, Miles kahit ngayon lang," marahan niyang sabi. Naramdaman ko pa ang hininga niyang dumampi sa balat ko. Hindi ko alam pero parang may kung anong damdamin ang pumasok sa akin nang marinig ko ang napaka-manly niyang boses.

"Wait! Teka ka nga, bakit kaya hindi na lang kayo magyakap? Huwag na kayong mahiya."

Para akong nagising sa imahinasyon ko at saka ko lang naalalang magkalapit pala kami ni Zandy at halos magkadikit na ang katawan naming dalawa. Mabilis akong lumayo sa kaniya dahil para akong napaso sa init ng katawan niya.

Napayuko ako at hindi makatingin ng diretso kay Zandy at kay Andrea na naririnig ko ang pagpipigil ng tawa. Inayos ko ang buhok ko na humarang sa mukha ko. Inipit ko iyon sa likod ng tainga ko.

"S-saan ba tayo pupunta, huh?" Pinilit kong maging masungit uli ang dating niyon.

"Bakit hindi ka na lang sumama para malaman mo?" sagot ni Zandy.

"Oo nga, Miles bakit hindi ka na lang sumama sa kaniya? Mayroon tayong one hour for lunch," pagsang-ayon ni Andrea kay Zandy.

Binalingan ko ang kaibigan ko at tinaasan ito ng kilay. Pinanlakihan ko pa si Andrea ng mga mata dahil sa pagsang-ayon nito kay Zandy.

"Ok! Fine," napilitan kong sagot. Bumaling ako sa wristwatch na suot ko. "Kailangan pagsapit ng ala una-bente, nakabalik na tayo rito, maliwanag?" pagbibigay kondisyon ko sa kaniya.

"Ok, I assure you, we'll be back at one-twenty pm," kaswal na balik ni Zandy.

Bumaling ako kay Andrea at bakas sa mukha ko ang banta dahil sa ginawa niyang pagsang-ayon sa gusto ni Zandy. "Let's talk later, Andrea," sabi ko pa.

"Don't mind me, Miles sanay akong mag-isa," natatawang wika ni Andrea na bakas ang tila kilig sa mukha nito. Nagmuwestra pa ito na umalis na kami.

Wala na akong nagawa nang buksan ni Zandy ng front seat ng sasakyan niya. Hindi agad ako sumakay, bumaling pa ako kay Andrea na humihingi ng tulong pero nakangiti lang ito at sinasabing sumama ako kay Zandy.

Dahan-dahan akong sumakay sa sasakyan ni Zandy habang seryoso lang ang mukha ko. Nang maisara ko ang pinto ng sasakyan, agad ding umandar iyon palayo. Wala akong ideya kung saan ako dadalhin ng baklang ito pero bakit nga ba ako sumama?

"Saan mo ba ako dadalhin, huh?" basag ko sa katahimikang namayani sa pagitan namin.

"Can you just zipped off your mouth for a moment, Miles? Hindi ka ba naririndi sa boses mo?" Hindi man lang siya lumingon sa akin

"Hindi," matigas kong sagot.

Ngumisi si Zandy. "Nakakapagod ang bibig mo, palagi ka na lang may sinasabi," reklamo pa niya.

Umismid ako. "Really? Kung ganoon, bakit mo sinusunod ang lahat ng gusto ng mga magulang natin? Bakit hindi ka man lang tumanggi sa gusto nila. Alam mong sariling kaligayahan natin ang nakataya sa kasal na ito pero wala kang ibang ginawa kung 'di sumang-ayon sa kanila," inis kong sumbat sa kaniya. "Kaya, don't blame me for being like this, Zandy dahil hindi ko gusto ang lahat ng ito," dagdag ko pa. "Bakit hindi mo na lang sabihing hindi babae ang gusto mo, para tapos. Hindi na ako mag-iingay."

"Sa tingin mo ba may magbabago kung tatanggi ako? Look what happened when you opposed your dad? Miles, hindi lang ako ang pumayag sa kasal, maging ikaw," balik niya sa akin.

Natahimik ako dahil doon. Naalala kong ako nga rin pala ang pumayag sa kasal dahil sa nangyari kay papa. "Alam mong walang akong choice, Zandy. Naipit ako ng sitwasyon at nadala ng takot," dahilan ko.

"See? Pareho lang tayong naiipit sa sitwasyon so don't act like you're the only victim, Miles. Hindi ko rin gusto ang kasal na ito pero dahil ito ang mas mabuting choice, ito ang pinili ko," paliwanag niya.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon