Unexpected 64

837 14 2
                                    

"ALAM mo, Melissa kung may nararamdaman ka sa isang tao, huwag mo nang itago. Ikaw rin baka maagawan ka pa," patuloy ni Andrea sa pang-aalaska kay Melissa na marahil ang tinutukoy ni Andrea ay ang di umanong nararamdaman ni Melissa para kay Chad. Hindi na nga niya ito tinigilan simula nang matapos kaming kumain. Hindi naman maipinta ang mukha ni Melissa at namumula na ang pisngi dahil sa hiya habang tahimik lang si Chad.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng gusali. Pasado alas nuebe na rin ng gabi dahil tinapos pa namin ang articles na malapait na ang deadline.

Napangiti ako pero kapagkuwa'y, napaisip ako sa sinabi ni Melissa na parang patama rin sa akin kahit hindi iyon ang intensyon niya.

"Andrea, tigilan mo nga ako! Sisingilin kita sa kinain mo kanina. Sabi ngang wala akong gusto kay Chad, eh, ok? W-we're just friends, that's it," balik ni Melissa kay Andrea na halatang nahihiya ang mukha.

"Ouch! Ang sakit naman no'n Melissa, hindi mo man lang hinintay na makaalis ako bago mo sinabing hindi mo ako mahal," sabat ni Chad. Napapikit pa ito at nasapo ang dibdib na kunyari'y masakit. Pero hindi maitatago sa akin na nasaktan talaga si Chad sa sinabi ni Melissa.

"Don't worry, Chad, hindi pa huli ang lahat. She's in denial right now, baka bukas paggising niya ma-realize ni Melissa na mahal ka niya," pagpapagaan ko naman sa loob ni Chad. Natawa pa ako dahil sa reaction niya kanina.

"Bahala nga kayo!" tila inis na sabi ni Melissa.

Tuluyan kaming nakalabas ng gusali habang nagtawanan dahil sa naging reaction ni Chad at Melissa sa pang-aalaska ni Andrea sa mga ito. Napapailing na lang ako dahil kahit ano namang tanggi ni Melissa, hindi niya maitatago ang kakaibang nararamdaman niya kay Chad. Simula nang bumalik ako galing sa bakasyon, may kakaiba na sa kanilang dalawa. Hindi na rin sila palaging nag-aaway at halatang naiilang sa isa't isa.

Nang lumingon ako sa gawing kanan, natigilan ako nang makita ko si Roven na nakatayo sa gilid ng sasakyan niya. Ano na namang ginagawa niya rito?

"Miles!" sigaw ni Roven sa pangalan ko nang makita niya ako. Naglakad siya habang nakapamulsa palapit sa akin. Napatingin din ang mga kasama ko kay Roven at nagtatakang tumingin sa akin.

Inilayo ko ang tingin ko kay Roven at naglakad palayo pero napahinto ako nang hawakan niya ang braso ko. "Mag-usap tayo, Miles kahit sandali lang," sambit niya. "Bigyan mo naman ako ng pagkakataon, oh," pagmamakaawa niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan, Roven. We have our own life at kailangan mong tanggapin na wala na ako sa buhay mo at ganoon ka rin sa akin," seryoso kong sabi nang humarap ako sa kaniya. "Roven, pinatawad na kita. Tinanggap ko na ang nakaraan natin pero hindi ibig sabihin no'n na babalik pa ako sa 'yo. Mahal ko na si Zandy at wala ka nang magagawa pa," dagdag ko pa na walang halong pagbibiro dahil iyon ang totoo. Binawi ko ang kamay ko sa kaniya at napayuko si Roven.

"Miles, wala na ba talagang pag-asa para bigyan mo ako ng second chance?" tila nagmamakaawang tanong ni Roven.

"Bingi ka ba, Roven? Sinabi na ni Miles na mahal niya ako and it means you don't have a second chance for her."

Natigilan ako nang bigla kong narinig ang boses si Zandy. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palayo kay Roven.

Hindi ako nakaimik at nakagalaw habang nakatingin lang ako kay Zandy na bakas ang galit sa mukha. Ngumisi pa siya habang makikita naman ang selos at galit kay Roven na parang anumang sandali ay susugod na ito para saktan si Zandy. Kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari sa dalawang lalaking ito.

Ngumisi si Roven at bahagyang yumuko. "Epal ka rin talaga, Zandy 'no? Parang hindi natin alam kung bakit at paano kayo kinasal. Hindi niyo mahal ang isa't isa kaya huwag kang umaktong pag-aari mo si Miles dahil kinasal lang kayo sa papel at hindi dahil nagmamahalan kayo," giit ni Roven sa madiing mga salita. Natawa si Roven. "Parang hindi ko rin alam na pinuntahan ka ni Beverly para kausapin. Tama ako, 'di ba? She went to you to say that she still love you at humihingi ng pagkakataon," pagsisiwalat ni Roven.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon