Unexpected 24

1.1K 20 0
                                    

HINDI KO talaga inakalang marunong magluto si Zandy kaya nagulat ako nang makita ko siya sa harap ng stove at nagluluto ng mabangong putahi na lalong nagpakalam sa sikmura ko.

"Just wait the food on the table," sabi niya na abala sa pagluluto.

Hindi agad ako gumalaw. Tiningnan ko lang siya habang ginagawa niya ang paghalo sa niluluto niya. Naamoy ko na agad ang masarap niyong samyu. Parang Kare-Kare ata iyon dahil sa amoy niyon.

Kung pagmamasdan si Zandy, mukha siyang lalaking-lalaki at hindi pagkakamalang bakla at kung hindi ko nga lang siya kilala, baka na-attract na ako sa kaniya lalo pa't marunong siya magluto.

"Bakit hindi mo ako ginising? Sa tingin mo ba hindi ako marunong magluto? I know how to Cook too, Zandy," pagyayabang ko pa kahit sa totoo lang hindi ako masyadong exposed sa kusina para magluto.

"I want you to take a rest," simpleng sagot niya. Nakita kong pinatay na niya ang stove at inilagay sa platito ang ulam. "Tatayo ka na lang ba riyan, Miles? Help me to prepare the food," masungit na baling niya sa akin na seryoso ang mukha.

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya at nagsimulang tumulong sa kaniya. Mas lalo akong nagutom nang makita ang Adobo at Kare-kare na niluto niya. Hitsura pa lang niyon at sa amoy, mukhang masarap na kahit hindi ko pa natitikman iyon.

Matapos naming ayusin ang mga pagkain sa hapag, umupo na rin kami. Magkatapat kami ni Zandy. Saglit ko siyang tiningnan at nang nag-angat siya sa akin ng tingin, agad akong yumuko. Hindi ko kayang makipagtitigan sa mapang-akit niyang mga mata. Naiilang ako.

"Kumain ka na dahil alam kong gutom ka na rin," simpleng sabi ni Zandy at nagsimula na rin itong kumain at ganoon din ako.

Hindi ko maiwasang mamangha sa kakayahan ni Zandy na magluto. Aminin ko man o hindi, nakaramdam ako ng paghanga sa kaniya. Bihira na kasi sa lalaki ang katulad niyang marunong magluto at isa iyon sa hinahanap ng marami, maging ako.

"KUMUSTA ang first day with your handsome husband, huh?" agad na usisa sa akin ni Andrea nang makapasok ako sa department namin sa mahinang boses niya. Sumunod siya sa akin hanggang sa makaupo ako sa upuan ko.

Bumaling ako sa paligid at nakita kong abala si Chad habang wala pa si Melissa at ate Shai. Binalingan ko siya na seryoso ang muka, saka biglang sumimangot. "I don't want to talk about him, Andrea," sagot ko, saka muling bumaling sa table ko at nagsimulang ayusin ang mga gamit doon.

Tumawa si Andrea sa sinabi ko. "May nangyari na ba sa inyo?"

Nanlaki ang mga mata ko na binalingan uli siya. "Huh? Of course not, Andrea walang mangyayari sa amin. Period! As if he will dare to do that," gulat kong sabi. Saka ko lang naalalang napalakas pala ang boses ko. Napatingin ako kay Chad na nakatingin na rin sa akin habang nakakunot ang noo.

"Who's you're talking about?" usisa ni Chad.

Nagkatinginan kami ni Andrea, saka alangang ngumiti kay Chad. "Ah! Tungkol 'yon kay...kay... tama kay, Sir Troy," palusot ni Andrea na halatang nahirapang gumawa ng alibi.

"Huh? Sir Troy? Bakit ano'ng ginawa ni Sir?" patuloy ni Chad.

"Wala naman, baka lang may gawin," sabi ko, saka tumalikod kay Chad. Napangiwi ako nang humarap sa monitor ko. Pasimple ko pang sinamaan ng tingin si Andrea dahil sa mga tanong niya kanina.

"Hello, world!"

Lahat kami'y napatingin sa nagsalita. Tumambad sa amin si Melissa na kakapasok lang sa silid at isa-isa kaming tiningnan. Pasalamat naman ako sa kaniya dahil sa pagdating niya, hindi na nagtanong pa si Chad.

"Bakit mukhang good mood ata ang araw mo?" tanong ni Chad dito.

Umirap si Melissa kay Chad. "It's none of your business, Chad," masungit na anito sa binata. Mayamaya pa'y lumapit si Melissa sa amin ni Andrea. "Alam niyo ba na may gwapo akong nakabunggo sa ground floor? Shems! He's so damn hot. Muntik na nga malaglag panty ko, este laway," masayang balita pa nito. She giggled.

"That's none of our business, Melissa so stop sharing your day story. Just post it on your day on social media," bitter naman na sagot ni Chad.

Napatawa na lang kami ni Andrea. "Hindi naman malalaglag ang panty mo kung may garter pa 'yan," banat naman ni Andrea na lalong nagpatawa sa akin, ganoon din kay Chad.

Sumimangot si Melissa at tiningnan ng masama si Andrea. "Napaka-bitter mo talaga, 'no? Palibhasa until now you're still a single," balik naman nito.

"I admit it, Andrea at least tanggap ko," proud na saad ni Andrea at umikot pa ang mga mata. "And besides, I don't need a boyfriend to be happy, there's a lot of things, people whom I can find happiness," dagdag pa niya.

Napapailing na lang ako at natawa sa dalawang ito. Hindi naman na kami bago sa ganitong eksena, sanay na kami pero hindi naman talaga sila nag-aaway.

Narinig ko ang pagpalakpak ni Chad. Bumaling ako sa kaniya at nakita ko ang malawak niyang ngiti. "Pang-Miss Universe ang mga sagutan," puri nito kay Andrea.

Sumimangot si Melissa at salubong ang kilay na tiningnan si Andrea. "That's the alibi of those woman who's not been courted, Andrea," patuloy ni Melissa.

"Hey!" Lahat kami'y napatingin kay Ate Shai na kanina pa atang nandoon. Seryoso niya kaming tiningnan. "It's time to work at hindi para pagtalunan ang ganiniyang mga bagay. Alam niyo, ang relasyon, minsan kapag hinahanap mo hindi mo talaga matatagpuan pero kapag hinayaan mong ang tadhana ang magtrabaho para sa iyo, sigurado that's the time that you can say, that he's the man I prayed for," saway ni Ate Shai na may paiwan pang payo sa huling mga salita. "Kusa 'yang dumarating kahit hindi mo hanapin. Oh! Siya, sige na at magtrabaho na kayo," dagdag pa niya.

Napanguso si Melissa habang sumeryoso naman si Andrea.

"Ok! then, I'll just wait for my man to come," ani Melissa. Ngumiti pa ito, saka naglakad patungo sa table niya.

Napailing na lang ako. Lumayo na rin sa akin si Andrea at humarap na sa monitor niya. Nagsimula na rin akong magtrabaho habang iniisip ko ang mga sinabi ni Ate Shai.

Kapag tadhana na ba ang kumilos, iyon na ba talaga iyon? Paano kung nilalaro ka lang ng tadhana? Sabi nga nila, hindi lahat ng pinagtagpo, itinadhana. Pwedeng pinagtagpo lang kayo para panandaliang pasayahin ang isa't isa. Pwede ring, pinagtagpo lang kayo para guluhin ang buhay ng isa't isa at ganoon marahil kami ni Zandy. We're destined to ruin each other's happiness.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon