KINAUMAGAHAN, madilim pa lang nang magising na ako sa hindi ko alam na dahilan o baka dahil sa excitement na nararamdaman ko dahil ngayong araw kami aalis ni Zandy patungo ng Quezon Province para magbakasyon doon ng dalawang araw na inihanda sa amin ng pamilya niya. Ayon sa mga ito, ito raw ang honeymoon namin dahil hindi namin iyon nagawa nang ikasal kami ni Zandy.
Ang bilis ng oras at hindi ko namalayang ilang buwan na pala kaming kasal ni Zandy at hindi ko inaasahang dadating kami sa ganitong punto ng pagsasama namin. Malayo ito sa inaasahan kong mangyayari.
Nakangiti akong uminat dahil sa kakaibang sayang nararamdaman ko. Madilim pa sa labas pero gising na gising na ang sistema ko. Saglit akong umupo sa kama habang nakatingin lang sa bintana. Biglang bumalik sa akin ang nangyari no'ng isang araw sa restaurant ni Zandy. Matapos ang pangyayaring iyon, halos hindi na ako makatingin sa kaniya. Naiilang ako kapag kasama ko siya. Tinatanong ko rin ang sarili ko kung bakit pumayag ulit akong halikan niya? At bakit ganoon na lang ang ipinakikita't ipinararamdam sa akin ni Zandy?
Dapat ba akong umasa na baka may nararamdaman na sa akin ni Zandy? Hindi ko maiwasang hindi isipin iyon dahil sa biglang pagbabago niya ng pagtrato sa akin. Mas nakita't nakilala ko ang tunay na malayo sa unang pagkakakilala ko sa kaniya. Aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili kong may kakaiba na akong nararamdaman sa kaniya pero hindi ko masasabing nahulog na ako sa kaniya.
Ilang minuto pa akong nasa ganoong pwesto at iniisip ang kakaibang pagbabago sa amin ni Zandy bago ako nagpasiyang tumayo at lumabas ng silid. Napag-usapan na namin ni Zandy na maaga kaming aalis papuntang Quezon sa isang resort doon na pag-aari raw ng kaibigan ng pamilya ni Zandy. Naisip ko rin na baka kailangan ko ring mag-relax kahit paminsan-minsan.
Hindi pa man ako tuluyang nakakababa ng hagdan nang maamoy ko ang masarap na pagkaing niluluto mula sa kusina. Napangiti ako. Alam kong si Zandy iyon. Ang agap naman niyang magising. Excited din kaya siya sa vacation naming dalawa?
Nang makarating ako sa kusina, nakita ko si Zandy na nakaharap sa stove habang suot ang pink na apron habang may hawak na sandok at abala sa pag-flip ng ham sa kawali. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa nakikita ko. Sa tuwing nakikita ko kasi si Zandy na nagluluto, hindi ko maiwasang hindi humanga sa kaniya. At first, hindi ko in-expect na marunong siyang magluto pero ang totoo pala'y iyon talaga ang gusto niyang gawin.
"Oh! You're awake."
Napakurap ako ng marinig ko ang boses na iyon ni Zandy. Hindi ko namalayang nakaharap na pala siya sa akin. Umiiwas ako sa kaniya ng tingin habang nasa counter ako. Naramdaman ko na naman ang kaba at tensyon. Pakiramdam ko'y umiinit na naman ang pisngi ko.
"Yeah! Naamoy ko kasi 'yong mabangong pagkain kaya ako nagising," nangingiti kong sabi.
Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa labi niya. "It's just a ham, Miles," aniya. "Well, tamang-tama rin ang pagbaba mo, I'm done cooking so, let's eat," aya niya sa akin.
Humarap muli si Zandy sa frying pan at hinango iyon sa stove, saka pinatay iyon. Nagsimula siyang ihanda ang pagkain sa lamesa. Naamoy ko agad ang fried rice na may kung ano'ng nakahalo roon. May gulay ba iyon? Mayroon ding egg at ham sa hapag.
Lumapit ako sa lamesa at umupo roon habang nanatiling nakatingin sa mga pagkain. "Seriously, nilagyan mo ng gulay ang sinangag?" nagtataka kong tanong. May carrots kasi iyon, repolyo at mayroon ding karne.
"Why not? I made it healthy," simpleng sagot niya bago umupo sa katapat kong upuan. "You need to eat healthy food, Miles for your health," dagdag pa niya.
Tumango-tango ako. "Ok," sabi ko at sinimulang maglagay ng pagkain sa pinggan ko.
"By the way, have you finished packing your things?" tanong ni Zandy.
Nag-angat ako sa kaniya ng tingin. "Yeah! Kagabi pa," sabi ko. Hindi naman siguro ako excited, 'no?
"Good. So, finish your food and after a minute, aalis na tayo."
Tumango lang ako at nagsimula nang kumain. Napatango ako habang ninamnam ko ang fried rice na niluto ni Zandy. Ang sarap niyon at hindi lasang typical na fried rice. Nagbigay din kasi ng kakaibang flavor ang mga gulay. Hindi rin iyon mamantika.
"Wow! You really good at cooking, Zandy kaya hindi na ako magtataka na magiging successful ang restaurant na itatayo mo," sabi ko.
Nakita ko ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa labi ni Zandy pero agad din niyang pinawi iyon. "Stop talking, Miles you're eating. Kumain ka muna bago ka magsalita," saway niya sa akin.Napangiti ako. "Sorry," sabi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.
Matapos naming kumain, agad kaming naghanda ni Zandy para ilagay ang mga gamit sa sasakyan niya. Sumikat na ang araw.
"Nandoon na ba ang lahat ng gamit mo?" tanong ni Zandy sa akin.
Ngumiti ako at tumango. "Parang kang lilipat ng bahay, ah?" nangingiting aniya. "You brought a lot of things," komento niya.
Nailang akong napangiti dahil sa sinabi niya. Marami bang akong dala? Isang maleta lang iyon at dalawang backpack. "Babae ako, Zandy at mas maraming kailangan kaysa sa inyong mga lalaki," dahilan ko.
Napailing si Zandy. "Ok, fine," sabi ni Zandy. "Ano, let's go?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti. Nauna na siyang naglakad patungo sa sasakyan niya at sumunod ako. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa sasakyan, nakita ko ang kotseng huminto sa tapat ng bahay. Kumunot ang noo ko at mas nagulat ako ng makita ko si Roven na bumaba mula sa sasakyan.
"Roven? Ano'ng ginagawa mo rito?" gulat na bungad ko sa kaniya ng lumapit siya sa amin.
Bakas ang lungkot sa mukha niya. Malamlam rin ang mga mata niya na tila nangungusap sa akin. Parang sa loob lamang ng ilang araw, ang laki ng ipinagbago ng mukha niya. Medyo namayat iyon at halatang halos hindi siya makatulog dahil sa malalaki niyang eye bag.
"I'm here to talk to you, Miles," malumanay niyang sabi. Nakita ko ang bahagyang gulat sa mukha ni Zandy ng humarap siya kay Roven. "Please, give me a chance, Miles bigyan mo ako ng pagkakataon na muling pumasok sa buhay mo," seryosong dagdag niya.
Hindi ko alam ang ire-react ko sa mga sinabi niya. Sa totoo lang, hindi na ako ganoon kagalit sa kaniya. Willing na akong patawarin siya pero ang pabalikin siya sa buhay ko, hindi ko alam kung kaya ko pa.
"Roven, walang time si Miles para kausapin ka. We're busy, may pupuntahan kami. If you really want to talk to her, hintayin mong makabalik kami," ani Zandy na seryoso lang na nakatingin kay Roven. Bumaling siya sa akin. "Let's go, Miles."
Binuksan ni Zandy ang pinto ng sasakayan aa driver's seat at hinawakan ako sa braso, saka hinila niya papasok ng sasakyan. Muli ko pang tiningnan si Roven at hindi ko maiwasang hindi maawa sa kaniya at may kung ano sa akin ang nagsasabing kausapin ko siya.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...