PATINGIN-TINGIN ako sa wristwatch na suot ko. Hanggang ngayon nandito pa rin ako sa silid ko at nagdadalawang isip kung sisipot ba ako sa date na inihanda nila para sa amin ni Zandy. Alas-sais na ng hapon at ang sabi ni Mama alas-otso raw ang oras ng date namin sa isang kilalang restaurant.
Napapikit ako ng mariin habang nakahiga sa kama ko. Muling bumalik sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina sa mall. Nagmulat ako at tumambad sa paningin ko ang puting kisame.
"Roven," banggit ko sa pangalan niya. Bakit hanggang ngayon may sakit pa rin akong nararamdaman? Pero alam ko ring sa kabila ng sakit, may pananabik at galak na lumitaw sa puso ko. Isang taon na mahigit simula nang huli kong makita si Roven at kanina, nang makita ko siya, hindi ko alam ang mararamdaman ko. Magagalit ba ako o magagalak dahil nakita ko siya.
Ipinilig ko ang ulo ko ng ilang sunod. Muli na namang nagugulo ang isip ko dahil kay Roven. Wala na dapat akong pakialam sa kaniya pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko? Bakit hindi na naman siya maalis sa isip ko?
Hindi ko maitatanggi sa sarili ko, na gusto ko siyang makausap at tanungin ang lahat sa kaniya. Gusto ko ring marinig ang side niya, ang explanation niya. Naiwan akong maraming tanong, eh. Maraming bakit. Ni hindi man lang kasi siya nagpakita sa akin para magpaliwanag simula nang araw na iyon.
"Anak, Miles, lumabas ka na riyan, nandito na si Zandy."
Pumikit ako nang marinig ko ang boses ni Mama. Napabuntong-hininga pa ako. Hindi agad ako kumibo, bahala silang maghintay, sila naman ang may gusto nito.
Napasinghap ako, saka nagmulat ng mga mata. Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko at nilingon ang pinto. "Lalabas na po," walang ganang sagot ko.
"Sige, bilisan mo na riyan."
"Opo."
Umupo muna ako sa gilid ng kama. Nakailang singhap na ba ako? Hindi ko na alam ang iisipin ko. Nagugulo ang utak ko dahil sa biglang pagbalik ni Roven, idagdag pa itong si Zandy na hindi ko maintindihan.
Ilang minuto pa akong umupo, bago nagpasiyang tumayo na at ayusin ang sarili ko. Kahit hindi ko gusto ang dinner date na ito, hindi ko rin naman gustong magmukhang pangit sa harap niya. Nagsuot ako ng isang off shoulder dress na kulay cream na hindi pa umabot sa tuhod ko ang laylayan niyon. Lumabas ang hugis ng katawan ko dahil doon na hindi ko maikakailang may kaliitan iyon. Naglagay din ako ng konting make-up sa mukha ko. Kinuha ko ang clutch purse ko at nilagay doon ang cellphone.
Humarap ako sa salamin sa silid ko. Napangiti ako nang makita ko ang reflection ko sa roon. Ipinusod ko ang buhok ko at nag-iwan ng ilang hibla sa gilid ng aking ulo. Nang ma-satisfied ako sa ayos ko, nagpasiya na akong lumabas ng silid.
Nadatnan ko si Mama at Papa na kausap si Zandy. Agad naagaw niya ang atensyon ko. Simple lang ang suot niya na long-sleeve na kulay white and black habang tinernuhan iyon ng trouser pero bakit ang gwapo pa rin niya? Mukha fresh na fresh at kahit malayo pa ako, naaamoy ko na agad ang mabango niyang amoy na hindi masakit sa ilong. Kitang-kita ko rin ang makakapal niyang pilik mata, ang mga mata niyang tila inaakit akong titigan iyon.
"Mabuti naman at lumabas ka na, hija."
Napakurap ako at mabilis na umiwas ng tingin kay Zandy. Bumaling ako kay Papa na nagsalita. "Yes, 'Pa," sabi ko. Bigla akong na-tense sa 'di ko malamang dahilan.
"Oh! Ano'ng oras na, hindi pa ba kayo aalis?" ani naman ni Mama.
Nakita kong tumayo na si Zandy. Ngumiti pa siya sa mga magulang ko. "Sige po, Tita, Tito aalis na ho kami," paalam pa niya.
Saktong pagtingin ko kay Zandy, nakatingin na rin siya sa akin. Seryoso lang ang mukha niya pero bakit parang may kakaiba sa tingin niya. Umiwas ako sa mga mata niya at bumaling kay Mama at Papa. "Aalis na po kami, 'Ma, 'Pa," paalam ko naman.
"Sige, mag-iingat kayo, huh? Enjoy the night," sambit ni Papa.
Nauna na akong maglakad at binilisan ko iyon para hindi niya ako masabayan.
"You looked prepared. Pinaghandaan mo ata ang date natin."
Huminto ako nang makalabas kami ng bahay. Hinarap ko siya. "Pinaghandaan? Of course not, Zandy hindi naman kasi ikaw ang pinaghandaan ko, sarili ko. Syempre, ayaw ko namang lumabas na hindi ganito kaganda. Bakit, insecure ka? Gusto mo make over kita? Pwede kitang make-up-an at gawing babae," pang-aasar ko sa kaniya at nginitian pa siya.
Lalong sumeryoso ang mukha ni Zandy, kapagkuwa'y ngumisi siya habang nakapamulsa. "Do you want me to kiss you again? Sabihin mo lang, gagawin ko," makahulugang aniya at humakbang palapit sa akin. "Gusto mong ipaalala ko sa iyo ang ginawa natin kagabi?" dagdag pa niyang tanong.
Napaatras ako at nawala ang mapang-asar kong ngiti dahil sa sinabi niya. Ano bang sinasabi niya? Hindi ko alam ang tinutukoy niyang nangyari kagabi? Ang alam ko lang nasukahan ko siya. "A-anong sinasabi mo riyan? Nababaliw ka na ata," sambit ko habang paatras nang paatras dahil sa patuloy niyang paglapit sa akin.
Ngumisi siya at saglit pang nakiling ang ulo. Nakita ko pa ang pagbaba't taas ng adams apple niya dahil sa paglunok. "Hindi mo ba naaalala o you're just pretending that you forgot what happened last night?"
"A-anong nangyari last night? Wait! Stop!" Pumikit ako at iniharang ang kamay ko sa harap ko hanggang sa maramdaman ko ang katawan niyang dumikit sa palad ko. "Hanggang diyan ka na lang, Zandy kung hindi sisigaw ako," banta ko
"I just want you to remember what happened last night, Miles." May tila pang-aasar sa ngiti niya.
"Zandy, stop, ok? Fine, talo na ako," pagsuko ko sa kaniya.
"Sa tingin mo ba nagsisinungalin ako para makipaglaro at makipag-asaran sa 'yo?" Suminghap siya at saglit na lumingon sa gilid. "Hindi mo ba alam ang ginawa mo kagabi sa akin, Miles? You act like a crazy woman and you cried. Alam mo ba kung ano ang nakakainis mong ginawa, sinukahan mo ako," aniya na bakas roon ang inis.
Lalong kumunot ang noo ko, saka ko naalalang nakadikit pala ang palad ko sa matigas niyang dibdib. Dahil sa gulat, mabilis kong binaba iyon. "No, I'm not. I know what I'm doing even I'm drunk, Zandy," dahilan ko.
Tumawa si Zandy sa sinabi ko. Hindi ko alam pero may kakaibang hatid ang tunog nang tawa niya sa pandinig ko. "Bakit hindi mo maalala ang halik?"
"Gusto mong maaalala?" tanong nito at mas lumapit pa sa akin.
"Ano ba?" gulat kong bulalas ng bigla niya akong hapitin palapit sa kaniya na halos magkalapit na ang nga mukga namin. Ramdam ko na rin ang katawan niya na parang napapaso ako. Napalunok ako pero pinilit kong hindi maapektuhan sa ginawa niya. "Bitawan mo nga ako, Zandy," sabi ko at itinulak siya.
Nakawala naman ako sa mga bisig niya habang tumatawa ito ng mahina. "Pinapaalala ko lang sa 'yo ang nangyari kagabi."
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...