Unexpected 31

1.1K 19 0
                                    

HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil tinapos ko ang articles tungkol kay Zandy Saavedra dahil kailangan na iyon ni Sir Troy. Nahirapan pa akong gawin iyon dahil sa maraming bagay na gumugulo sa isip ko habang ginagawa ko iyon. Hanggang ngayon, hindi maalis sa isip ko ang naging sagot ni Zandy sa mga tanong ko. Ibang-ibang Zandy ang humarap sa akin. Napakaseryoso niya at napakatotoo. Pakiramdam ko'y nakilala ko siya sa maikling pagkakataong iyon. Gumugulo rin sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa katotohanang iyon na hindi mo maunawaan.

"Finally, I'm done!" sabi ko at sumandal sa swivel chair at iniunat ang mga kamay. Na-send ko na kasi ang lahat ng artices ko.

"Congrats, Miles another achievement na naman," ani naman ni Chad.

"Buti napapayag mo si Zandy sa interview?" usisa naman ni Andrea.

"Bakit naman hindi, Andrea he's her husband," sagot ni Melissa.

Nagkatinginan kami ni Andrea habang seryoso ang mukha na kami lang ang nagkakaintindihan. Pilit na ngumiti si Andrea sa dalawang kasama namin. "Oo nga pala, asawa nga pala siya ni Miles." Pilit pa siyang tumawa sa sinabi.

Napailing na lang ako at napangiti. Kung alam lang sana nila Chat at Miles ang totoo, baka magtanong din sila.

"Miles, pumunta ka raw sa office ni Sir Troy."

Napalingon ako kay Ate Shai na kapapasok lang ng silid. "Bakit daw po?" tanong ko.

"I don't know, about ata sa photoshoot," sagot niya. "Just go there for you to find out, Miles." Ngumiti siya at pumasok na sa opisina niya.

Nagkatingina kami ni Andrea. Nagtaka rin sila Miles at Chad. "Ano na naman kayang ipapagawa sa iyo ni Sir Troy, Miles?" ani Melissa.

"Lately palagi kang pinapatawag ni Sir Troy, ah," ani naman ni Chad. "Mukhang promotion na sunod niyan, ah," nakangiti pa niyang dagdag.

"Baka dahil sa new project mo?" hula naman ni Andrea.

Kumibit-balikat na lang ako at tumayo na sa pagkakaupo ko. Hindi na ako umimik sa kanila. Tiningnan ko lang sila ng seryoso, bago lumabas ng silid.

Kumatok ako sa pinto ng silid ni Sir Troy nang makarating ako roon. Nang marinig ko ang pahintulot niya, binuksan ko iyon at ganoon na lang ang gulat ko nang makita ko ang pamilyar na bulto na nakaupo sa sofa sa harap ng table nito.

"Oh! Miles you're here," ani Sir Troy.

Humarap sa akin si Zandy na seryoso lang ang mukha. Hindi siya umimik at umiwas ng tingin sa akin.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Zandy?" gulat kong tanong.

"He's here for the photoshoot, Miles at gusto kong samahan mo siya sa studio," saad ni Sir Troy na seryoso ang mukha.

"Huh? Bakit ako, Sir?" hindi makapaniwalang tanong mo.

"Why not? Asawa mo si Zandy at mas mabuting ikaw na ang mag-assist sa kaniya roon," giit nito. "Bakit parang ayaw mo?"

Pilit akong ngumiti. "Hindi naman po, Sir kaya lang hindi naman po ako taga-studio department, eh, isa pa—"

"Ayaw mo bang makita ang asawa mo sa photoshoot, Honey?"

Nanliit ang mata ko sa sinabi ni Zandy, lalo na nang kumindat siya sa akin. Halos mapaatras ako dahil doon. Hindi ko alam pero bahagyang pumitik ang puso ko dahil sa ginawa niya.

"Sige na, Miles dalhin mo siya sa studio A para sa photoshoot, all set na ang team doon," utos ni Sir Troy.

Wala na akong nagawa at pinili ko na lang na huwag nang umimik dahil baka kung ano na naman ang sabihin ni Zandy. Umiral na naman kasi ang kapilyuhan niya.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon