PASADO alas-nuebe na ng gabi nang magpasiyang umuwi sila Andrea, Melissa at Chad habang maaga namang nagpaalam ang mga magulang namin ni Zandy. Hanggang ngayon, binabalot pa rin ako ng labis na ligaya na nagbibigay sa akin ng kontentong pakiramdam. Masaya na ako at pakiramdam ko'y wala na akong mahihiling pa. Nandiyan ang pamilya namin, ang mga kaibigan ko at si Zandy na siyang dahilan ng sayang nararamdaman ko.
Matapos kong linisin ang nagkalat na mga pinggan, bote ng alak at ilang plastik, ngumiti ako habang pinagmamasdan ang paligid. Nakikita ko pa rin doon ang tawanan at kulitan namin kanina kasama ang pamilya at mga kaibigan ko. Sobrang thankful ako na nandiyan sila para kasama kong mag-celebrate ng birthday ko.
"I'm so happy because I know you're happy."
Biglang sumeryoso ang mukha ko at humarap kay Zandy. Nakita ko siyang nakahilig sa pader, sa bukana ng kitchen habang nakangiti sa akin. Kapagkuwa'y, ngumiti ako na bakas doon ang saya. Lumapit ako kay Zandy at pinulupot ko ang braso ko sa baywang niya, saka tumingala. Naamoy ko ang mabango niyang natural na amoy na kahit sinong babae, gugustuhing maamoy iyon.
"Salamat, Honey for making me happy. Salamat sa lahat ng ginagawa mo para mapasaya ako, para maramdaman kong may mga tao sa paligid ko na mahal ako," seryoso kong sabi na bakas doon ang appreciation.
Simpleng ngumiti si Zandy at inilagay ang braso sa likod ko. "No need to thank me, Honey I'm your husband and it's my responsibility, to make you happy. Masaya ako kapag masaya ka and it's enough for me." Mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin. "Kasi mahal kita," sabi pa niya.
Inihilig ko ang ulo ko sa malapad niyang dibdib. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko at ang paghalik niya sa aking ulo. Pumikit ako. Umaapaw na ligaya at saya ang namumutawi sa buo kong sistema at sana hindi na matapos ang ganitong pakiramdam.
"By the way, I have a surprise for you, Honey."
Kumunot ang noo ko. Naalala ko ang sinabi ni Zandy sa akin kanina na may surpresa nga raw siya sa akin. Bigla akong na-excite. Napangiti ako nang tumingala ako sa kaniya. "Hmm! Ano 'yon, Honey?" usisa ko.
"Malalaman mo rin, Honey, just go with me," sabi ni Zandy.
Bumitaw siya sa akin. Kinintalan muna niya ako ng halik sa labi bago hinawakan ang kamay ko at marahan akong hinila patungo sa taas. Kumunot ang noo ko. Ano'ng surprise kaya ang inihanda niya at bakit dito sa taas? Lalong umusbong ang excitement sa puso ko. Hindi ko pa man nakikita ang surpresa niya pero kinikilig na agad ako.
Nang tuluyan kaming makarating sa terrace ng bahay, napahinto ako kasabay nang pag-awang ng bibig ko. Hindi agad ako naka-react dahil sa pagkamangha ko. Kapagkuwa'y, gumuhit ang masayang ngiti sa labi ko.
"Ikaw ang gumawa nito?" hindi makapaniwala kong tanong. Hindi ko inisip na magagawa ni Zandy ang ganito. Inayos niya ang table sa terrace at nilagyan iyon ng table mantle, may kandila sa gitna at may pagkain doon, sa paligid naman ng terrace, may mga petals na nagkalat. Napaka-romantic niyon.
Marahang pinisil ni Zandy ang palad ko. Iniharap niya ako sa kaniya. "Yeah, ginawa ko 'to para magkaroon tayo ng privacy, ng sarili nating celebration ng birthday mo dahil gusto kong ma-solo kita, Honey," malumanay na sambit niya.
Hindi ko na napigilan ang kilig. "Kaya ba pawala-wala ka kanina sa baba dahil dito?"
Tumango si Zandy. "Sana nagustuhan mo, Honey," aniya.
Tumawa ako. "Of course, I loved it, Honey. You really did it well. Sobrang romantic," puri ko. Kapagkuwa'y, sumeryoso ang mukha ko. "Salamat, Honey! I really appreciate all your efforts. I love you, Honey!" Tumingkayad ako para bigyan siya ng matamis na halik na kulang para ipahatid ko ang labis na saya ko na kasama ko siya.
"I should be the one who say thank you, Honey dahil dumating ka sa buhay ko para muling iparamdam sa akin ang pagmamahal, para bigyan ako ng lakas ng loob na gawin ang gusto ko at para maging masaya uli. I love you, Honey!" balik ni Zandy sa akin matapos naming pagsaluhan ang halik na iyon. "So, tara, let's eat," aya niya sa akin.
Marahan niya akong hinila patungo sa bangkong naroon, bahagya pa niya iyong inilayo sa lamesa para makaupo ako.
"Wow! Isa ba 'to sa recipe ng restaurant mo, Honey?" tanong ko nang makaupo si Zandy at makita ko ang beef steak na nasa lamesa.
"Yeah! I hope you like it because that's made with love," nakangiting aniya.
"Kailan ko ba hindi nagustuhan ang niluto mo? All the food you cooked, lahat iyon nagustuhan ko because why not, 'di ba? You're a great chef, Honey," puri ko sa kaniya.
"Bolera ka," sambit ni Zandy. Nagsimula siyang lagyan ng wine ang wine glass naming dalawa. "Cheer." Kasunod ang pagtunog ng mga basong nagbanggaan.
Napatango ako nang malasahan ko ang wine. Ang tamis niyon at nalalasahan ko ang grapes flavor ng alak. Nagsimula kaming kumain ni Zandy. Hindi na ako nagtaka nang malasahan ko ang pagkaing niluto niya, sadyang masarap lahat ng lutuin ng mga kamay ni Zandy.
"Masaya ako na finally, the curse is over," ngumiti si Zandy. "You're now thirty years old and married to Zandy Saavedra."
Natawa ako sa sinabi ni Zandy. "Pati ba ikaw naniniwala sa sumpang iyon? Kahit hindi ako nakasal sa iyo, kung talagang mag-aasawa ako after ko mag-thirty, mag-aasawa ako," paliwanag ko habang naiiling pa.
"Be thankful kasi naniwala ang parents mo sa cursed na 'yon, dahil kung hindi sila naniwala, we're not here now."
Ngumuso ako, saka tumango. "Yeah! You right, Honey. Kung hindi sila naniwala sa sumpa, maybe I'm not married with you at baka single pa rin ako until now," seryosong sabi ko.
"And now, I'm thankful to them dahil pinilit nilang ikasal tayong dalawa, dahil kung hindi, baka hindi ako makakaabante sa nakaraan ko." Tumayo si Zandy sa pagkakaupo niya. Kumunot ang noo ko nang makita kong may dinukot siya sa kaniyang bulsa.
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig nang makita ko ang maliit na kahon na inilabas niya. "And of course, hindi pwedeng wala akong gift for your birthday, Honey." Binuksan niya ang kahon at tumambad sa akin ang gold necklace na may pendant na star. Kinuha niya iyon sa kahon. "Happy birthday, Honey!" bati ulit niya habang nakangiti at nakatingin sa akin. Pumunta siya sa likod ko. Naramdaman ko ang malamig na necklace nang dumapo iyon sa balat ko. "This necklace symbolizes my love and patience for you, Honey."
Nang maisuot iyon ni Zandy sa akin, sinapo ko iyon at ang pendant na star. Hindi ko namalayang tumulo ang luha sa mga mata ko na dulot ng saya at ligayang pinaparamdam sa akin ni Zandy.
"Thank you, Honey!" Tumayo ako sa pagkakaupo at niyakap siya nang mahigpit. Umaapaw na saya at ligaya ang bumabalot sa akin na sana'y hindi na lang matapos. "I love you!"
"Shh! Don't cry, Honey," saway niya sa akin. Hinarap niya ako sa kaniya. "Alam mo ba kung bakit star ang pinili kong pendant? Dahil ikaw ang nagbigay ng liwanag sa buhay ko, Honey. I love you and you deserved to be loved." Sinapo niya ang pisngi ko at marahang pinahid ang luha sa mga mata ko.
Nagtama ang mga mata namin na agad nangusap ang mga iyon. Dahil sa sayang nararamdaman ko, gusto kong maramdaman si Zandy. Gusto kong angkinin siya ngayong gabi. Mabilis akong gumalaw at sinunggaban siya para halikan. Gusto kong iparamdam kay Zandy ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kaniya at kung gaano ako kasaya na nandiyan siya.
Gumanti si Zandy sa bawat halik ko. Ang masuyong halik, mas naging mapusok pa iyon at napuno ng pagnanasang maangkin namin ang bawat isa.
This is the best birthday I've ever had.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...