Unexpected 75

592 7 0
                                    

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang hawak ko ang pregnancy test na binili nila Andrea para malaman ko ang katotohanan sa kabila ng sinasabi nilang weird na nararanasanan ko. Kinabahan akong tinitingnan iyon habang nasa loob ako ng comfort room ng opisina. Ilang minuto na ako rito pero hindi ko pa rin nagagawa ang test.

Hindi ko alam ang magiging reaction ko oras na lumabas ang resulta. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan, dahil ba ayaw ko mabuntis o dahil gusto ko iyon? Hindi ko alam dahil hindi naman namin iyon plinano. Hindi ko rin alam kung ano'ng sasabihin ni Zandy if ever man mag-positive ang resulta.

Pumikit ako ng mariin saka nagpakawala ng malalim na hininga para magkaroon ako ng lakas ng loob na gawin ang test. Inayos ko ang buhok ko na humarang sa aking mukha.

"Kailangan mong gawin ito, Miles para mapanatag ka at malaman mo ang gagawin mo," bulong ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang pregnancy test na binili nila Andrea. Pumwesto na rin ako para kumuha ng urine sample na gagamitin ko para lumabas ang resulta sa test. Nang makakuha ako ng urine sample, inayos ko ang sarili ko saka inalagay iyon sa pregnancy test. Agad kong iyong itinaob para hindi ko makita ang resulta. Mas kinabahan pa ako. Para akong college students na kumuha ng board exam at nag-aabang sa paglabas ng resulta niyon.

Ilang minuto pa ang lumipas. Pumikit ako at dahan-dahang binaliktad ang pregnancy test kung saan nandoon ang resulta. Huminga muna ako ng malalim, saka dahan-dahang binuksan ang mga mata ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang makita ko ang resulta ng test na ginawa ko. Nanlaki at napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kung madidismaya ba ako o matutuwa. Walang naging reaction ang mukha ko pero hindi ko alam pero bakit bigla akong nalungkot sa naging resulta?

Ibinalik ko ang pregnancy test sa plastic na lagayan niyon. Huminga muna ako ng malalim bago nagpasiyang lumabas ng cubicle. Naghihintay naman ang mga kaibigan ko sa labas ng comfort room na mas excited pa sa akin na malaman ang resulta.

"Kumusta? Positive ba?" agad na salubong sa akin ni Andrea. Lahat sila'y nag-aabang sa sasabihin ko. Bakas ang saya at excitement sa kanilang mga mukha.

Ngumuso ako. Tiningnan ko ang hawak kong pregnancy test at dahan-dahan iyong iniabot kay Andrea. Mabilis na kinuha niya iyon. Lumapit si Melissa at Chad kay Andrea. Bakas ang pananabik ni Andrea nang buksan ang plastic.

"Negative!" halos sabay na komento ni Andrea at Melissa.

Malungkot akong tumango dahil sa totoo lang umasa rin ako na positive ang lalabas sa test. Aminin ko man o hindi, alam kong excited din ako kahit mayroon doong pag-aalinlangan.

"Seriously, negative? Hindi kaya may mali sa test? Binasa mo ba ang instructions?" usisa ni Andrea.

"Maybe, false alarm lang talaga 'yong pagkahilo ko at 'yong kakaibang pang-amoy ko. Saka, hindi naman ako bago sa pag-test, 'no? Napanood ko na kung paano mag-pregnancy test," balik ko sa kanila.

Lahat sila'y dismayado sa naging resulta ng test. Nagusot ang mga mukha nila.

"Sayang naman, nag-expect pa naman ako na magiging ninang na ako," malungkot na sambit ni Melissa.

"Baka nga na-false alarm lang tayo," ani naman ni Andrea.

"Maybe this is not the right time for you to have a baby, Miles," segunda naman ni Chad.

Malungkot akong tumango. "Siguro nga. Saka, ok na rin siguro kasi 'di pa naman namin plinano ni Zandy na magka-baby. I know, darating 'yong time na iyon. Medyo nadismaya lang ako dahil nag-expect din ako," pagtatapat ko. No'ng una'y hindi ko alam ang mararamdaman ko pero nang maisip ko ang baby na hinihingi na rin ng pamilya namin, bigla akong na-excite pero ngayo'y nadismaya ako sa resulta.

"Pero weird, eh, nahihilo ka at ayaw mo ng lechong kawali dahil sa amoy niyon, where in fact, wala namang nagbago. Ganoon kasi kapag naglilihi, 'di ba?" pilit ni Andrea na hindi matanggap ang resulta.

Natawa ako. "Ano ka ba, Andrea? It's ok, darating din tayo roon in the right time," sabi ko. "Maybe bigla lang talagang nagbago ang taste ko o dahil nasira ang pang-amoy ko," dagdag na paliwanag ko.

"Tanggapin na lang natin na hindi pa ito 'yong tamang panahon para maging ninang tayo ng anak ni Miles," ani naman ni Melissa. Napangiti ako dahil natutuwa ako sa kanila, sa kagustuhan nilang maging ninang sa anak ko. Kung siguro man na buntis nga ako, siguradong mauuna pa silang matuwa kaysa kay Zandy.

Sa kabila ng disappointment ko sa resulta, may umusbong sa kalooban ko na gusto ko na ring magka-baby. Ang excitement na nararamdaman ko kanina habang ginagawa ko ang test, ang sarap sa pakiramdam. Ganoon siguro kapag piling mo magiging isang ganap ka nang magulang.

NAGTAKA ako nang umuwi ako nang bahay na wala roon pa rin doon si Zandy. Hindi rin niya ako sinundo sa opisina na ginagawa niya sa tuwing uuwi siya galing sa trabaho sa kompanya. Tumingin ako sa malaking wall clock sa sala at mas kumunot ang noo ko nang makitang alas-diyes na ng gabi.

"Hindi kaya hindi pa tapos ang trabaho niya sa kompanya?" mahina kong tanong sa sarili ko. Marahil nga maraming trabaho sa kompanya kaya kailangan niyang mag-overtime.

Pabagsak ako umupo sa sofa at tumingala habang nakasandal doon. Pumikit ako at marahang hinimas ang sentido ko. Ramdam ko ang pagod ng katawan at utak ko dahil sa tambak na trabaho na naiwan ko dahil sa isang araw na pag-absent ko. Mabuti na lang at pinagtakpan ni Ate Shai sila Melissa, Andrea at Chad kay Sir Troy kaya nakaligtas ang mga ito sa galit ni Sir.

Napapitlag ako nang tumunog ang cellphone na nasa bag ko. Nagmulat ako at umayos ng pagkakaupo. Kinuha ko ang bag na inihagis ko kanina sa sofa, saka kinuha roon ang cellphone. Nabasa ko ang pangalan ni Ton na nakarehistro sa screen. Nagtataka man pero sinagot ko iyon.

"Yes," bungad ko.

"Hello, Miles, sorry for the urgent call I know you're now resting pero I need you for the restaurant," paliwanag ni Ton.

Ngumiti ako. "No, it's ok, Ton. What it is?" tanong ko. Nitong mga nakaraang araw, kahit pa paano'y nakatutulong ako kay Ton sa pag-comply ng mga permit na kailangan para sa pagbubukas ng restaurant.

"Finally, all the papers we need are all done. Ang kailangan na lang natin gawin ay preparation for the opening, kung kailan at paano natin iyon gagawin," simula ni Ton. "Since, all the permit we submitted for the operation of the restaurant are all approved, so, we are ready to operate. Kailangan na lang nating magplano for marketing and all," patuloy niya.

Lumawak ang ngiti sa mga labi ko. Agad akong nilukob ng saya dahil sa wakas konting panahon na lang at magbubukas na ang restaurant. "Wow! I don't know how to react, Ton pero I'm so happy right now. Finally, we're on our way to achieve Zandy's dream," paglalahad ko.

"Yeah, and of course you're a part of it, Miles. Thank you for the support and effort," ani Ton sa kabilang linya na kahit hindi ko man siya kita, alam kong masaya siya.

"I'm happy doing this, Ton dahil gusto kong tulungan si Zandy."

"Well, no doubt how lucky he is to have you." Narinig ko pa ang pagtawa niya. "By the way, I'll call you again for the planning, ok? Bye!"

Hindi mapatid ang ngiti sa mga labi ko dahil sa nalaman ko mula kay Ton. Finally, matutupad na ang pangarap ni Zandy na magkaroon ng restaurant. Masaya ako na naging parte ako noon. Makita ko lang na masaya at fulfilled si Zandy sa pangarap niya, masaya na rin ako. I want him to be happy because he deserve it.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon