KINAUMAGAHAN, mas maaga akong nagising sa usual na gising ko sa hindi ko malamang dahilan. Baka marahil dahil sa gusto na ng katawan kong bumangon para mas maagang makapag-prepare sa pagpasok sa trabaho.
Humarap ako sa salamin. Napasimangot ako nang makita ko ang hitsura ko roon. Gulo-gulo ang buhok ko na parang sinabunutan. Kinuha ko ang suklay sa tapat ng salamin at sinimulang suklayin ang gulo-gulo kong buhok. Napapangiwi pa ako dahil sa bahagyang sakit niyon sa anit dahil sa nahihila ko iyon.
Matapos kong mag-ayos ng sarili ko, lumabas na ako ng silid na naka-pajama pa habang nakapusod ang buhok ko sa mismong tuktok ng ulo ko. Nang makalabas ako, ganoon na lang ang gulat ko nang nadatnan ko si Zandy na nandoon habang kausap si Mama at Papa.
"Ano'ng ginagawa mo rito ng ganito kaaga?" seryosong tanong ko na pinipilit iyong maging malamig.
"Maupo ka muna rito, 'nak," alok naman sa akin ni Papa.
"Kakagising ko lang, 'pa nakakahiya naman sa bisita niyo, hindi pa ako naliligo," sarkastiko kong pahayag.
"Dito ka na muna, 'nak isa pa, hindi ka naman aamuyin ni Zandy," natatawang sabi naman ni Mama.
Napanguso na lang ako at pasimpleng napairap, saka tumungo sa bakanteng upan sa tapat ni Zandy. Binalingan ko siya saglit at nakita kong seryoso lang ang mukha niya na palagi kong nakikita sa mukha niya. Hindi ko alam pero sa tuwing tinitingnan ko ang gwapo niyang mukha, may kung ano sa akin na gusto pa siyang makilala. Parang may malalim na pagkatao sa likod ng seryoso niyang mukha. Naku-curious ako sa pagkatao ni Zandy kahit alam kong galit ako sa kaniya.
"Kumusta kayong dalawa?" seryosong tanong ni Papa kasunod ang pagbaling niya sa aming dalawa.
"We're good, tito," simpleng sagot ni Zandy.
Tumango ako para makisakay. "Yeah, ok kami, 'pa," segunda ko.
"Masaya kami na malamang ok kayong dalawa. And since kasal na kayong dalawa ni Zandy, we prepared a dinner date para sa inyong dalawa this coming sunday," tila excited na anunsiyo ni Mama.
"Date?" gulat kong bulalas. Bakit pa kailangan naming mag-date ng baklang ito? Hindi naman talaga kami nagmamahalan para mag-date. Ikinasal lang naman kami dahil sa gusto nila kaya bakit pa kami magde-date?
"Yes! Napag-usapan na namin ito ni Mandy at nakapili na rin kami ng place para sa inyong dalawa. It will be a romantic dinner date," nakangiting sambit ni mama na kita sa mukha niya ang kilig na para pang tunay kaming nagmamahalan ni Zandy.
"Ma, I'm not free on sunday," alibi ko.
"Huh? Pero, 'nak settled na ang lahat kaya hindi ka na pwedeng tumanggi, ok? Saka, ang alam ko day off mo ang sunday, 'di ba?" giit ni mama. "Ikaw, Zandy are you ok with it?" baling naman niya rito.
Ngumiti si Zandy pero napansin kong pilit iyon. Tumango pa siya. "Yes, tita since, I'm free on Sunday," kaswal na sagot nito.
Bumaling siya sa akin na agad kong sinamaan ng tingin para ipahiwatig na sana nagsinungalin na lang siya na busy sa Sunday para sana hindi natuloy ang date na iyon. Ano mang gagawin namin sa date, eh, hindi nga kami magkasundo?
"Good. I'm excited for both of you." Kahit hindi naman sabihin ni mama iyon, halata naman sa kaniya ang galak at excitement na para bang hindi niya alam na kinasal lang kami dahil sa kagustuhan nila at napilitan lang akong sumang-ayon dahil sa sitwasyon.
"By the way, 'nak where's the key that Mandy gave to you?" sabat ni papa.
Kumunot ang noo ko nang balingan ko si papa. Kahit pa paano'y nakaka-recover na rin siya mula sa muntik na niyang heart attack dahil sa akin. Patuloy pa rin ang maintenance niya pero paunti-unti na ring bumabalik ang lakas niya.
Bigla kong naalala ang susi na ibinigay sa akin ni Tita Mandy nang nagdaang araw na sinasabi nitong susi raw ng bahay na titirhan namin ni Zandy. "Nasa akin po, 'pa, bakit po?" tanong ko. Nakaramdam na agad ako ng hinala sa maaring sabihin ni papa sa akin.
"It's been three days simula ng ikasal kayo at siguro naman oras na para simulan ninyo ang pagsasama ni Zandy sa bahay na ibinigay sa inyo ng pamilya Saavedra para mas makilala niyo pa ang isa't isa. Alam naming sa puntong ito, hindi pa kayo magkasundo at magkaunawaan, naiintindihan namin sapagkat alam naming hindi pa ninyo kilala ang bawat isa, kaya para magkaroon kayo ng more time to each other at makilala ang isa't isa, gusto naming lumipat na kayo next week sa bagong tahanan ninyo bilang mag-asawa," mahabang paliwanag ni papa na ikinalaglag ng panga ko.
Nang makabawi ako sa pagkagulat, napalunok ako. "Po? Gusto niyong magsama na kami ni Zandy sa iisang bahay? 'Pa, naman hindi ba pwedeng ganito muna? Masyado naman atang madali dahil kagaya nga ng sabi mo, hindi pa namin kilala ang isa't isa kaya bakit pagsasamahin niyo agad kami? Baka hindi lang kami magkasundo," agad kong protesta habang nakasimangot.
"Tama ang papa mo, 'nak dahil kung ganito ang set up niyo, mahihirapan kayong makilala ang isa't isa. Hindi mo kailangang mag-alala, 'nak dahil katulad nga ng sinabi namin sa inyo, hindi niyo kailangang magmadali sa mga bagay-bagay bilang mag-asawa. Nasa proseso pa kayo at kapag natapos na iyon, saka ninyo simulan ang pamilyang gusto niyong buuin," sagot naman ni mama.
"Pero hindi pa ako ready to live with him. Mahihirapan akong i-adjust ang sarili ko," giit ko.
"That's why we want you to live with him, sa iisang bahay para matutunan mo ang lahat ng bagay bilang asawang babae. Hindi mo matutunan iyon kung hindi kayo magsasama," seryosong usal ni papa.
"Tito's right, Miles it's better for us to be together para makilala natin ang isa't isa," sabat naman ni Zandy.
Seryoso ko siyang tiningnan, saka tumalim iyon nang nagtama ang mga mata namin. Hindi ko maintindihan ang baklang ito, bakit ba hindi man lang siya tumanggi sa gusto nila? Lagi na lang siyang sang-ayon sa gustong gawin ng pamilya namin. Wala ba siyang gustong gawin sa buhay? Bakit ba napaka-wala niyang pakialam sa akin?
"Kumpleto na ang lahat ng gamit sa bahay na iyon dahil inasikaso na namin iyon kaya hindi niyo na kailangang problemahin ang mga gamit na dadalhin doon," seryosong sabi ni papa.
Hindi na lang ako umimik. Bahagya akong yumuko dahil wala na rin naman akong magagawa kahit pa makipagtalo ako sa kanila baka ikapahamak lang iyon ni papa. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.
Hindi ko alam ang gagawin ko pero naiisip ko pa lang na makakasama ko si Zandy sa iisang bahay, nababaliw na ako. Masisiraan ata ako ng ulo sa tuwing gigising akong makikita ko siya at uuwing makikita pa rin siya. Maalala ko lang ang ginawa niya sa akin.
Paano kami magkakasundo kung parehong hindi namin gusto ang kasal na namagitan sa amin? Paano ako makikisama sa kaniya kung sa tuwing nakikita ko siya, naaalala ko lang ang ginawa niya sa akin? Ayaw ko na! Mababaliw na ata ako sa mga nangyayari sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...