Unexpected 85 (Part 2)

1.8K 14 0
                                    

ANNOUNCEMENT: if you guys want to read the completed version of this story you can read it on GoodNovel app. Completed version po ang nandoon with 10+ special Chapters. Salamat po sa suporta at pagmamahal. Enjoy!

PUMIKIT ako ng mariin at pilit kong kinakalma ang sarili para sa batang nasa sinapupunan ko. Muli kong tiningnan si Zandy na bakas ang pagkadismaya at sakit sa mukha ko habang nag-aalala at nababahala ang emosyong nakarehistro sa mukha niya.

Suminghap ako. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, saka umiling bago tuluyang tumalikod at humakbang palayo kahit mabigat ang mga paa ko para ihakbang ang mga iyon. Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa matinding sakit dahil sa pagguho ng pag-asa kong magkakaayos pa kami.

Huli na pala ako. Habang magkalayo kami, nagkaroon na pala ng pagkakataong magkabalikan si Zandy at Beverly. Sobrang sakit dahil kung kailan handa na akong ayusin ang lahat, wala na pala akong pag-asa dahil huli na ang lahat para sa aming dalawa.

"Honey! Stop, I'll explain," narinig kong sigaw ni Zandy. Hindi ko na alintana ang mga customers na nandoon sa loob. Pinilit kong hindi lumingon kahit gusto ng puso kong harapin siya. 'Yong pagtawag niya sa akin ng 'Honey', naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam pero sa dulo niyo'y realization at sakit.

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa gitna ng malawak na restaurant. Hindi ako lumingon sa paligid dahil ayaw kong makita nila ang umiiyak kong mukha.

"Pakinggan mo naman ako, Honey, oh! Please! Hayaan mo akong ayusin 'to para sa atin, para sa magiging anak natin. Give me a chance to be your husband and to be the father of our child."

Pakiramdam ko'y may enerhiyang nagpahinto sa akin para ihakbang ko ang mga paa ko palayo. Hindi ako nakagalaw at nanatiling nakatayo habang pinuproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Zandy. Magiging anak? Paano niya nalaman ang tungkol sa bata? Kayakap niya si Beverly kanina lang tapos sasabihin niya na gusto niyang maging asawa ko at tatay sa magiging anak namin?

"I'm sorry, Honey! I know I was wrong. Nagkamali ako sa nangyari at nasaktan kita even if it wasn't my intention. I'm sorry for everything! I'm sorry sa hindi ko pagpapakita sa 'yo. I'm just giving you the space you want pero hindi ibig sabihin niyon na ayaw ko na. I'm sorry! I'm sorry! Ilang sorry ba ang dapat kong sabihin para patawarin mo ako? Ano'ng dapat kong gawin?" Huminto ng saglit si Zandy sa pagsasalita. Alam kong nasa 'di kalayuan lang siya sa akin. Naramdaman ko rin ang atensyon ng lahat ng Nandoon. Nanatili akong nakatalikod sa kaniya.

"Tiniis kong hindi magpakita sa 'yo dahil alam kong galit ka sa akin. Nagtiis ako kahit sobrang nami-miss na kita. Tiniis ko dahil alam kong hindi ka pa handang kausapin at pakinggan ako para patawarin mo. I was the reason kung bakit muntik mawala ang bata sa sinapupunan mo at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung nangyari iyon. I was guilty kaya hinayaan kong lumayo muna at hindi nagpakita sa 'yo, to give the space you want. Para hindi ka magalit at ma-stress na hindi makabubuti para sa pagbubuntis mo. I tried. Pinipilit ko kahit sobrang miss na kita," huminto siya sa pagsasalita. "I love you so much, Honey!" mahabang dagdag ni Zandy na mababakasan ng sincerity doon.

Narinig ko ang ilang mga tao roon na nagsipagsigawagn dahil sa kilig. Ang ilan pa'y sumisigaw na patawarin ko na si Zandy.

"Miles Virgilio Saavedra, I love you!"

Kasunod ng mga katagang iyon ang pagtulo ng luha sa mga mata ko at bahagyang pagpikit ng mga mata ko. Hindi dahil sa sakit kung 'di dahil sa ligayang nararamdaman ko. Bahagya akong tumingala. Dahan-dahan akong pumihit paharap at tumambad sa akin si Zandy na seryosong nakatingin sa akin. Ngumiti siya. Mayamaya pa'y dumating din ang pamilya niya at pamilya ko, maging si Beverly na nakangiti. Naguguluhan man ako pero dahil sa lahat ng sinabi ni Zandy, naniniwala na ako sa kaniya.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon