LUMAPIT sa akin si papa at mama para sabay nila akong ihatid sa naghihintay na groom na nasa unahan at nag-aabang sa pagdating ko. Walang expression ang gwapong mukha ni Zandy, ni hindi ko alam kung masaya ba siya o isinusumpa rin niya ang araw na ito.
Dapat ko na lang sigurong isipin na ang groom na naghihintay sa akin, ay ang taong mahal ko at hindi si Zandy na umagaw sa boyfriend ko.
"I'm happy for you, 'nak. Finally, nandito na tayo sa pangarap kong eksena sa buhay ko. To lead you to your groom," pabulong na sabi ni papa pero sapat para marinig ko.
"Sobrang masaya kami ng papa mo, 'nak dahil finally mapuputol na ang sumpa sa iyo at magkakaroon ka na ng pamilya," segunda naman ni mama na muntik nang magpasamid sa akin. Gusto ko ring maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano.
Hanggang ngayon ba sumpa pa rin ang iniisip ni mama? Hindi ko alam ang iisipin ko sa kanila sa tuwing binabanggit nila ang sumpang iyon na isa sa naging dahilan kung bakit napilitan akong gawin ang bagay na ito. Naiinis ako at sa totoo lang may sama ako ng loob sa kanila pero dahil kay papa kaya pilit kong tinatanggap ang nangyayari.
Binalingan ko silang dalawa na nasa magkabilang gilid ko at pilit na ngumiti kahit masama talaga ang loob ko sa kanila dahil sa pagpipilit nila sa akin sa ayaw ko. Pero wala naman na akong magagawa dahil nandito na ako at naglalakad papunta sa lalaking akala mo'y tunay, pero ang totoo'y peke pati ang kasariang pinakikita niya sa marami.
"I'm sorry, 'nak kung nandito ka sa kalagayang hindi mo gusto. Pero alam kong maiintindihan mo rin ito pagdating ng panahon," ani papa.
Hindi na lang ako umimik at nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko na marinig ang tugtog dahil sa kabang nararamdaman ko. Napakaingay ng tibok ng puso ko. Nakakaramdam din ako ng hilo sa hindi ko malamang dahilan.
Mayamaya pa'y huminto kami sa paglalakad nang makarating kami sa tapat ni Zandy na tahimik lang na naghihintay sa unahan at sa tabi niya'y nandoon si tita Mandy at tito Wesley na nakangiti sa amin. Bakas ang saya at tuwa sa kanilang mga labi. Kahit pa paano'y gumanti naman ako sa kanilang ng ngiting pilit.
"I'll give you an authority for my daughter, Zandy. Inihahabilin ko sa iyo si Miles para alagaan at mahalin mo. Alam kong ikaw ang tamang lalaki para sa anak ko. Darating ang puntong masasabi niyo sa isa't isa ang mga salitang 'Mahal kita'," ani papa kay Zandy na animo'y sigurado siya sa mga sinabi.
Gusto kong tumutol pero mas pinili kong manahimik. Hindi iyon mangyayari, hindi ko magugustuhan si Zandy at alam kong ganoon din naman siya sa akin.
"Susubukan ko po, tito," prenteng sagot ni Zandy.
Kahit masama ang loob ko at hindi ko gustong magpakasal sa kaniya, hindi nakaligtas sa akin ang taglay na kaguwapuhan ni Zandy na lalong lumabas sa suot niyang white tuxedo at sa simpleng ayos ng buhok niya. Napaka-elegante niyang tingnan at napakabango pa ng gamit niyang perfume. Napaka-manly niyon sa pang-amoy.
"Hijo, Zandy, alagaan mo ang aming unica hija, huh? Mahal na mahal namin si Miles at gusto naming maging masaya siya kasama mo at maramdaman niya mahal siya at appreciated," ani naman ni mama, saka bumaling sa mga magulang ni Zandy at ngumiti.
"Hija, alam naming hindi perpekto si Zandy bilang lalaki pero alam namin ni Wesley na hindi ka sasaktan ng anak namin. Yeah, I admit, minsan pasaway at salbahi iyan pero alam kong alam niya ang prinsipyo ng isang lalaki. Hindi ka niya sasaktan," sambit naman ni tita Mandy. Hinawakan pa niya ako sa kamay. Ngumiti lang ako at hindi na umimik.
Sana'y nga'y alam ni Zandy ang prinsipyo niya bilang lalak.
"I'm sorry," mahina namang sabi ni tito Wesley at tumango sa amin.
"Here's my daughter hand, Zandy hold this and don't let her go," paalala ni papa at ibinigay sa kaniya ang kamay ko. "She's worth more than a diamond, Zandy."
Kumunot ang noo ko nang hindi agad iyon kunin ni Zandy at tiningnan lang. Pero hindi nagtagal, kinuha niya rin iyon. Hindi ko alam pero may kung ano'ng kiliti ang naramdaman ko at bahagya ko pang inatras ang palad mo sa kamay niya pero naramdaman kong bahagya niyang hinigpitan ang pagkakahawak doon.
Nag-angat sa akin nang tingin si Zandy. Wala akong mabasang expression sa mukha niya. Hindi ko alam pero kita ko ang lungkot sa gilid ng mga mata niya. Pakiramdam ko'y pareho kami ng nararamdaman.
Iginiya ako ni Zandy patungo sa harap ng pari. Ramdam ko ang panginginig ng palad ko habang hawak niya. Hindi rin ako mapakali at panay ang lunok ng laway ko dahil sa kabang hindi ko maipaliwanag. Parang may sili ang puwet ko dahil hindi ako mapakali. Gusto ko nang tumayo at tumakbo palayo.
Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa tainga ko. "Don't be nervous, it is just a marriage in a paper and for me it is just a fake marriage," bulong niya.
Nanuot sa tainga ko ang napaka-manly niyang boses na nagpataas ng mga buhok sa batok ko at sa hatid na init niyon na parang dumaloy sa buo kong katawan.
"Today, we gathered here to witness the wedding of Mr. Zandy Saavedra and Miss Miles Virgilio. All of us are witness for this sacred rituals at saksi rin tayo sa kanilang pagmamahalan na pag-iisahan ng Dios sa araw na ito," simula ng pari. Nagpalakpakan naman ang naroon sa loob at ang ilan ay sumigaw pa, narinig ko pa ang boses ni Andrea sa mga iyon. "Before we start the ceremony, may tutol ba sa kasalang ito? May hindi ba pabor sa dalawang nasa unahan?" tanong pa ng pari.
Huminto ako sa paghinga at humiling na sana bigla na lang may lumitaw na tao sa kung saan at magsasabing tutol siya sa kasal. Grabi na ang panginginig ng mga kamay at tuhod ko dahil sa kaba.
"Kung wala—"
"Tumututol ako! Itigil ang kasal!"
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...