Unexpected 78

702 8 1
                                    

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko pero agad din akong napapikit nang maramdaman ko ang pagkirot ng ulo ko. Nasapo ko pa iyon. Mabigat din ang pakiramdam ko. 

Mahina akong napaungol.

"A-anak! Gising ka na!" narinig kong sabi ni Mama na bakas doon ang saya at pagkagulat. Gumalaw ako sa pagkakahiga at nang akmang tatayo ako nang pigilan niya ako. "Don't move too much, anak, kailangan mong magpahinga."

Nang imulat ko ang mga mata ko, tumambad sa akin ang maputing paligid at ang kakaibang amoy. Kumunot ang noo ko nang mapagtantong nasa hospital ako. Pilit kong inalala ang huling nangyari at nang maalala ko iyon, napahawak ako sa kumot na nasa katawan ko. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa pwedeng nangyari at sa dahilan niyon. Nasapo ko ang tiyan ko habang nagtataka.

"A-anong nangyari, 'Ma?" usisa ko habang seryosong nakatingin sa kaniya.

Bumuntong-hininga si Mama at Bahagyang yumuko. Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko. Marahan niya iyong pinisil.

"Last night, umuwi ka sa bahay na umiiyak. Niyakap mo kami ng Papa mo habang sinasabi mong nasaktan ka. I'm sorry, 'nak if you're in this situation dahil sa amin," simula ni Mama. "Alam kong nahirapan ka sa ginawa namin sa iyo na ipakasal kay Zandy at ngayong nasaktan ka niya, nasasaktan din ako. Nasasaktan ako sa tuwing umiiyak ka, anak. I'm sorry." Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Mama. Pinahid niya iyon.

Walang emosyong rumehistro sa mukha ko habang inaalala ko ang nangyari. Biglang bumalik lahat ng nangyari sa restaurant na iyon kung saan nakita ko si Zandy na kahalikan si Beverly at ang kwentas na binigay niya sa akin at sa babaeng iyon. Muling bumalik lahat ng sakit na parang kanina lang nangyari. Hindi ako umimik.

Saglit na pumikit at tumingala si Mama. "Pero alam mo, anak sa kabila ng sakit na nararamdaman mo, may maganda pa ring nangyari. May dapat pa rin tayong ipagpasalamat dahil hindi nawala ang bata sa sinapupunan mo, anak." Kahit umiiyak nagawa pa rin ni Mamang ngumiti pero muli siyang umiyak.

Parang nabingi ako sa narinig ko mula kay Mama. Bata sa sinapupunan ko? Ano'ng ibig niyang sabihin, buntis ako? "A-anong sabi mo, 'Ma? Pa-paanong—"

Tumango si Mama. "Tama ang narinig mo, 'nak, you're pregnant," diretsong sagot ni Mama.

Hindi agad ako nakasagot. Natulala ako dahil hindi ko alam ang ire-react at mararamdaman ko. Paanong buntis ako, gayong nag-pregnancy test ako pero negative ang lumabas doon? Napasinghap ako kasabay nang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

Bumaling ako sa tiyan ko at bahagya iyong hinimas. Sumilakbo ang matinding ligaya at saya sa puso ko dahil sa batang nasa tiyan ko na lumaban at kumapit sa akin. Naging malinaw sa akin ang nararamdaman kong saya dahil sa batang ito. Sa kabila ng nangyari sa amin ni Zandy, masaya ako at isang blessing ang batang nasa tiyan ko.

"Dahil sa stress na naramdaman mo kaya sumakit ang tiyan mo pero pasalamat tayo dahil walang nangyaring masama sa bata. Ok lang ang bata," paliwanag ni Mama.

Bumaling ako kay Mama habang nakangiti at umiiyak. Hindi ko ma-explain ang saya at excitement na nararamdaman ko para sa baby. Hindi man ito nakaplano pero ito ang isa sa pangarap ko at ng pamilya namin.

"Salamat, 'Ma," sabi ko at saka niyakap siya ng mahigpit.

"Alam ko at naiintindihan ko ang nararamdaman mo, 'nak pero for now, huwag mo munang isipin ang mga bagay na iyon. Hindi ka dapat ma-stress at mapagod. Pagtuunan mo ng pansin ang baby mo," payo niya habang hinihimas ang likod ko. Tumango-tango ako.

Pinahid ko ang luha sa mga mata ko nang maghiwalay kami ni Mama. Bumuntong-hininga ako. "'Ma, kung maaari huwag niyo po munang ipaalam kay Zandy ang tungkol sa bata," sambit ko na nakikiusap.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon