Unexpected 55 (Part 2)

981 20 2
                                    

Tumango si Zandy at ngumiti. "Yeah," pakli niya. Humarap siya sa mga kasama ko. "Nice to see you again, guys! Hiramin ko muna si Miles sa inyo," paalam pa niya, saka hinawakan ang braso ko na ikinagulat ko. Parang may enerhiyang gumapang sa katawan ko dahil doon. May init akong naramdaman na lalong nagpapula sa pisngi ko. Mabuti na lang at gabi ngayon.

Lalong lumapad ang mga ngiti nila habang kinikilig na nakatingin sa amin.

"Ok lang Zandy, 'no ka ba! She's your wife and you own her," ani Andrea.

"Sige, ingat kayo. Ninang ako, huh?" pagbibiro naman ni Melissa.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Melissa. "B-baliw!" sabi ko na lang na nahihiya. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Zandy na ang sarap sa pangdinig.

"Sure, Melissa. I'll announce if we make it," pagbibiro naman ni Zandy.

Sa gulat ko, nakurot ko siya sa tagiliran kaya agad siyang napaigtad habang rinig ko ang pagtawa niya. "Baliw ka na ba, Zandy?" pakli ko. Sapo niya ang tagiliran habang nanatili ang ngiti sa mga labi niya na napakagwapong tingnan.

"Bakit? We are family, right? Natural na magkaka-baby tayo," patuloy niya.

"Zandy, alam mong hindi tayo nag—"

"It doesn't matter, Miles ang importante, kasal tayo. Mag-asawa pa rin tayo sa mata ng lahat," giit niya na seryoso na ang mukha 

Sumeryoso ako. Totoo na ba ang sinasabi niya o nagpapanggap pa rin siya hanggang ngayon? Tama, inaasar niya lang ako sa harap ng mga katrabaho ko.

"Ayieh! Sige na, umalis na nga kayo. Respeto sa single dito," natatawang pagtataboy ni Melissa.

"Eh, 'di tayo na lang." Nagulat naman kaming lahat sa sinabi ni Chad at kita kong nanlaki ang mga mata ni Melissa at hindi agad nakasagot. "I mean, tayo na lang ang umalis para makaalis na rin sila," sabay bawi ni Chad sa sinabi.

Napanguso si Andrea. "Torpe!" aniya at umirap.

"Mauna na kami sa inyo, see you next time!" ani Zandy at marahan akong hinila patungo sa sasakyan niya. Seryoso ko lang siyang pinagmasdan hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya at makasakay doon.

Umiwas ako sa kaniya ng tingin at ibinaling iyon sa unahan. Katahimikan ang namayani sa amin hanggang sa umandar ang sasakyan patungo sa kung saan. Para akong nabibingi sa katahimikan habang naririnig ko ang pagtibok ng puso ko na alam kong hindi normal.

Bakit ganoon na lang kung itrato ako ni Zandy maging sa harap ng mga katrabaho ko. Alam niyang alam nila ang sitwasyon namin at hindi niya kailangang magpanggap sa harap nila para paniwalain silang nagmamahalan talaga kami.

Bumuntong-hininga ako. Hindi ko na kaya ang katahimikang namamayani sa aming dalawa. "Zandy," tawag ko sa pangalan niya. "Saan ba tayo pupunta?" Saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin.

"Malalaman mo rin, Miles kapag nandoon na tayo. I want you to bring to the place where I feel the happiness and freedom," seryosong aniya. Saglit lang din siyang lumingon sa akin.

Kumunot ang noo ko. Sa lugar kung saan siya nakakaramdam ng happiness at freedom? Napatanong ako sa sarili ko at may ideya pumasok sa isip ko kung saan. Sa kitchen lang naman iyon nararamdaman ni Zandy, kapag nagluluto siya.

Mayamaya pa'y huminto ang sasakyan. Bumaba si Zandy at pinagbuksan ako ng pinto. Saglit muna akong hindi gumalaw bago nagpasiyang bumaba. Tumambad sa akin ang maliwanag na gilid ng kalsada at ilang taong naglalakad sa daan.

"Let's go, Miles," ani Zandy. Nauna na siyang naglakad at sumunod ako.

Pumunta siya sa isang malaking gusali na may dalawang palapag. Tumingala pa ako para tingnan iyon. Glass wall iyon at base sa nakikita ko, restaurant ang style niyon dahil sa mga table and chairs sa loob na nakikita ko dahil sinag iyon sa salamin. Ito ba ang tinatayong restaurant ni Zandy? 

Binuksan ni Zandy ang pinto ng gusali at nauna siyang pumasok. Sumunod ako sa kaniya. Binuhay niya ang ilaw kaya mas lumiwanag ang paligid. Hindi ko maiwasang mamangha sa design niyon. Napaka-refreshing ng ambiance. Brown and vintage ang theme niyon na ang sarap sa mata. Napakahusay din ng interior design ng restaurant.

"Gusto kong ipakita sa 'yo ang lugar kung saan palagi akong masaya and I feel like I'm free to do what I love without pressure," sabi ni Zandy habang abala ako sa pagtingin sa paligid niyon.

"Wow! You made it, Zandy and I'm happy for you." Hindi ko alam pero binalot ako ng saya at ligaya para sa kaniya. Nararamdaman ko 'yong satisfaction na mayroon si Zandy. Humarap ako sa kaniya at hindi ko napigilan ang sarili ko. Nagulat na lang din ako ng bigla ko siyang yakapin. "You really made it. Ito na 'yong pangarap mo," sabi ko pa habang yakap siya at alam kong nagulat din siya sa ginawa ko.

"M-Miles," tanging sabi niya.

Saka ko lang napagtanto ang ginawa ko kaya mabilis akong humiwalay sa kaniya na para akong napaso. Nadala ako ng saya at emosyon ko para kay Zandy. Alam kong ito ang gusto niyang gawin at ngayong matutupad na niya ito, sobrang saya ko para sa kaniya.

"I-I'm sorry," sabi ko na hindi makatingin sa kaniya ng diretso.

"No, it's ok, Miles," sambit ni Zandy at kita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya. Napakamot siya sa noo. Saglit din siyang hindi umimik. Bumaling siya sa paligid ng restaurant at ngumiti.

"Honestly, it wasn't easy to build your own business without your parents support. I graduated in a field of businesses dahil iyon ang gusto ng family ko kahit alam ko sa sarili kong pagluluto ang gusto kong gawin. Sinunod ko sila sa gusto nila pero sa loob ko gusto kong magluto at ayaw ko sa kompanya. I don't know about gaming industry at alam kong hindi ko kayang patakbuhin ang kompanya. And I was in the point of my life na nagwawala 'yong passion ko sa cooking and Ton offered me a helped para magawa ko ito. And, yeah, I did." Gumuhit ang masayang ngiti sa mga labi ni Zandy at kita ko sa mukha niya ang pinagdaanan niya para matupad ito na ngayo'y napalitan ng kaligayahan dahil sa wakas, nandito na siya sa gusto niyang gawin.

"You deserved this, Zandy. Kita ko ang pagmamahal mo sa pagluluto at nalalasahan ko iyon sa bawat pagkaing niluluto mo. I'm happy for you, Zandy at susuportahan kita sa gusto mong gawin," balik ko sa kaniya na puno ng sincerity.

"You're a part of it, Miles. Parte ka ng lahat ng ito. Thank you for your support at sa pag-unawa mo sa bagay na gusto kong gawin. You gave me strength to do more," puno ng emosyong aniya. "That's why, I brought you here. Bukod kay Ton, ikaw pa lang ang dinala ko sa lugar na ito, 'cause why not? Gusto kong maging parte ka pa ng maraming parte ng buhay ko, Miles."

Nagtama ang mga mata namin at walang gustong tumikal. Nararamdaman ko na naman ang mabilis na tibok ng puso ko na ayaw magpaawat kasabay ng ligayang bumabalot sa akin.

"Zandy," tanging banggit ko sa pangalan niya.

Namalayan ko na lang ang sarili kong hawak na ni Zandy ang baywang ko at magkalapit na kami sa isa't isa. "Paano kong ayaw ko ng makipaghiwalay, Miles?" mahinang sabi ni Zandy. Nanunuot sa tainga ko ang baritono niyang boses na nagdala sa akin ng kakaibang pakiramdam. Nagsitaasan ang balahibo ko sa katawan dahil doon.
 
"What do you mean—"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng bigla na lang akong halikan ni Zandy. Hindi ako nakagalaw at walang nagawa. Namalayan ko na lang na naipikit ko na ang mga mata ko habang ninamnam ang halik ni Zandy kasabay ng pagganti ko sa bawat halik na ginagawad niya sa akin.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon