Unexpected 4

2.3K 46 0
                                    

TAMA BA ang mga binitawang salita ng mga bibig ko? Nawindang ako nang mabalik sa normal ang pag-iisip ko at maalala ang lahat ng sinabi ko habang papunta kami sa hospital. Kasalukuyan nasa emergency room pa si Papa at ini-examine ng mga doctor.

Naihilamos ko ang mga palad ko sa sarili kong mukha. Hanggang ngayon sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari kay Papa. Kung hindi ko lang sana siya sinagot ng ganoon, baka hindi humantong sa ganito ang lahat. Puno ng kaba at takot ang puso ko ngayon dahil sa pwedeng mangyari kay Papa at patuloy kong sisisihin ang sarili ko kung may mangyayaring masama sa kaniya.

Naramdaman ko si Mama sa tabi ko. Marahan nitong tinapik ang balikat ko at niyakap ako. "Anak, hindi mo kasalanan ang nangyari sa Papa mo. Don't blame yourself," mahinahon pa ring ani Mama.

Hinarap ko siya. "'Ma, I can't help but to blame myself. Kasalanan ko 'to, 'Ma kung pumayag lang sana ako sa gusto ni Papa, eh, 'di sana maayos ang lahat ngayon," umiiyak kong sagot.

"Hija, hindi mo kasalanan ang nangyari kay Wesley," ani naman ni Tita Mandy. Naramdaman ko pa ang marahan niyang pagtapik sa balikat ko.

Habang nakaupo ako sa waiting area, nakita ko naman si Zandy na tahimik lang habang nakahalulipkip at nakasandal sa wall. Seryoso lang ang mukha niya na tila nakikiramdam lang sa paligid. Si Tito Andrew naman ay mababakasan ng kaba at takot habang nasa tabi ni Tita Mandy.

Mayamaya pa'y bumukas na ang emergency room at iniluwa niyon ang lalaking doctor na nag-asikaso kay Papa. Mabilis akong tumayo at lumapit dito, kasunod si Mama, Tita Mandy at Tito Andrew.

"K-kumusta po si Papa, Doc?" kinakabahan kong tanong. Lahat kami'y naghihintay sa isasagot ng doctor sa amin.

Bumuntong-hininga ang manggagamot at kumurap. "You don't need to worry about him, Ma'am. He's already fine. Tumaas lang ang kaniyang blood pressure dahil sa stress na naramdaman niya." Lahat kami'y nakahinga ng maluwag dahil sa sinabi ng doctor sa amin.

"Salamat po, Doc," ani Mama na animo'y nabunutan ng tinik sa lalamunan.

Bumaling ito kay Mama. "Pero hindi lang basta pagtaas ng dugo ang nangyari sa inyong asawa, Miss. He's almost into heart attack dahil sa sobrang stress. Muntik na hong mapahamak ang inyong Misters dahil sa stress mabuti na lang po at naagapan ninyo. Pero, as of now he's fine. Hintayin na lang natin siyang magising at ang maipapayo ko lang sa inyo, iwasan niyong ma-stress ang inyong asawa dahil delikado ang pwedeng kahinatnat niyon," mahabang paliwanag ng manggamot. Ngumiti ito, saka nagpaalam at iniwan kami.

Pakiramdam ko'y lumuwag ang dibdib ko dahil sa mga narinig ko mula sa doctor. Kahit pa paano'y, nabawasan ang kaba at takot ko nang malamang okay na si Papa. Pero base sa sinabi ng doctor, hindi pwedeng ma-stress si Papa at baka mas maging malala pa ang mangyari rito.

HANGGANG ngayo'y hindi pa rin umuuwi ang pamilya Saavedra hanggang sa mailipat na sa isang private room si Papa. Nandoon pa rin ang mga ito at abala sa pakikipag-usap kay Mama. Habang si Zandy naman ay tumangging pumasok ng silid.

Kahit pa paano'y pasalamat pa rin ako sa pamilya Saavedra, higit kay Zandy dahil siya ang tumulong sa amin para maidala si Papa sa hospital ng mas mabilis. Napabuntong-hininga ako ng maalala ko ang ginawa ni Zandy nang mawalan si Papa ng malay. Binuhat niya ito palabas ng bahay at dinala sa sasakyan niya. Animo'y naging isang tunay na lalaki ito nang mga oras na iyon.

Sumandal ako sa sofa na naroon sa silid. Dapat ko bang pasalamatan ang lalaking iyon o hayaan na lang siya? Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya. Nahihiya rin akong harapin siya dahil sa hindi ko malamang dahilan. Marahas na lang akong napailing at napasinghap dahil sa mga iniisip ko.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon