Unexpected 19

1.1K 16 0
                                    

HINDI MAALIS sa isip ko ang naging pagtatalo namin ni Zandy nang nagdaang gabi. Hindi pa rin mawala ang inis at galit ko sa kaniya.

"Miles, mukhang masyado kang tahimik?" narinig kong sabi ni Melissa na nakalapit na pala sa akin. "'Yong article mo, oh, kinakausapa ka, hindi mo pinapansin," pagbibiro pa nito.

"Oo nga, kanina pa kitang nakitang ganiyan. Ano'ng nangyari? Nag-away ba kayo ng asawa mo?" tanong naman ni Andrea na pinaandar ang swivel chair palapit sa akin.

Seryoso ko silang tiningnan. "Wala, may naisip lang ako," dahilan ko. "Sige na, bumalik na kayo sa trabaho ni'yo," pagtataboy ko sa kanila, saka muling humarap sa monitor ko.

"Gusto mo inom uli tayo mamaya?" pang-aakit ni Melissa.

Hinarap ko siya at kinunutan ng ulo. Hindi na uli ako iinom dahil naaalala ko lang ang nangyari nang gabing iyon. Baka sa susunod na malasing ako, mas higit pa sa halik ang mangyari. "No thanks, Melissa I'm busy. Marami pa akong tatapusing article," dahilan ko.

"Ok, fine, sabi mo, eh," pagpayag ni Melissa at pinaandar ang swivel chair nito patungo sa tapat ng monitor nito.

Ilang beses ko nang sinubukang mag-concentrate sa pagtatrabaho pero hindi ko alam kung bakit parang hindi gumagana ang utak ko para mag-isip ng isusulat. Okupado ang isip ko nang naging pagtatalo namin ni Zandy at ang seryoso niyang mukha na wari'y seryoso sa mga sinabi nito. Nagpapikit ako ng mariin at tumingala ng saglit. Hindi ko na alam ang susunod na salitang isusulat ko.

Napangiwi na lang ako at parang lantang gulay na lumaylay ang balikat. Nang akmang, haharap at titipa na sana uli ako ng bigla na lang may tumawag sa pangalan ko at agad akong humarap.

"Miles." Humarap ako at nakita ko si ate Shai, seryoso lang ang mukha niya. Bigla tuloy akong kinabahan, mukhang may hindi magandang mangyayari. "Come here," aniya pa at kinumpas ang kamay para palapitin ako.

Nagtataka man, tumayo ako at lumapit sa kaniya. "Bakit, ate Shai?" usisa ko.

"Pinapatawag ka ni Sir Troy, now na," sagot ni ate Shai.

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa gulat. "Si sir Troy? Bakit daw po, ate Shai?" Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan. May mali ba akong naisulat? May mali bang impormasyon sa nga articles ko?

"I don't know, he was just told it to me," kaswal na sagot ni ate Shai. "Sige na, pumunta ka na roon bago pa magalit iyon," ani ate Shai.

Napalingon ako sa mga kasama ko na nakatingin na rin sa akin na nagtataka at kinakabahan na rin. Pero ngumiti rin sila para palakasin ang loob ko. Bihira lang kasi magpatawag si Sir Troy, maliban kung may bagong project para sa magazine.

Lumabas ako ng silid ng department at pumunta sa opisina ni sir Troy. Siya kasi ang project manager ng magazine at bukod doon isa rin siyang senior editor kaya halos lahat ng utos na natatanggap namin galing sa kaniya.

Nang marating ko ang pinto ng opisina ni sir Troy, bumuntong-hininga ako ng ilang ulit at inayos muna ang sarili ko. Humugot ako ng lakas ng loob at alam kong kailangan ko ring ihanda ang sarili ko. Kilala ko na si sir Troy at kahit alam kong may pagtingin siya sa akin, labas iyon sa trabaho at kung may kasalanan ako, ginagalitan pa rin ako nito.

Kumatok muna ako sa pinto para malaman niyang nandoon na ako. "Come in," permiso niya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sa akin si Sir Troy na nakaharap sa monitor. Nakasuot siya ng salamin. Hindi naman maikakailang gwapo siya. Bilugan ang mukha niya, may medyo maliit na mga mata, pointed na ilong at medyo manipis na mga labi. Kung mahilig nga lang ako sa gwapo katulad ni Melissa baka nagustuhan ko na siya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at saglit akong tinitigan. Hindi ko alam pero may kakaibang emosyon akong nakita sa mga mata niya. "Have a seat, Miles," anyaya niya.

Ngumiti ako at umupo sa upuang nasa harap ng table niya. Sumandal siya swivel chair at pinagsalikop ang mga kamay. "Pinatawag niyo raw po ako, Sir?" tanong ko.

Tumango si Sir Troy. Lumayo siya sa sandalan at ipinatong ang mga braso sa lamesa habang nakatingin sa akin. "Yes, pinatawag kita to discuss your new project for our magazine. You need to research and interview our new business tycoon that will be featured on April issue," simula niya.

"A new business tycoon?" tanong ko. Bigla akong nakaramdam ng kaba't panghihina para sa bagong proyekto ko. Ganito na palagi ang nararamdaman ko every time na nalalaman kong may bagong tao akong makikilala para i-feature sa magazine. "Is she or he?"

Hindi agad siya umimik. "I thought it would be easy for you, Miles to do this project. Yes, he's a businessman and soon to be the CEO of the most popular gaming company in the Philippines," paliwanag niya.

Gaming company? Ang kabang kaninang naramdaman ko, mas dumoble iyon ng agad pumasok sa isip ko ang kompanya nila Zandy. No! Baka nagkakamali lang ako ng iniisip! "A soon to be CEO of gaming company?" ulit ko. Mas lumakas ang kutob ko na si Zandy iyon dahil sa sinabi niya.

"Yes. And the person you need to know is none other than, Mister Zandy Saavedra, your husband. And since, he's your husband it would be easy for you to do this, right? Sigurado namang magpapa-interview siya sa 'yo," ani Sir Troy. Hindi rin naman lingid sa kaalaman niya na kasal na ako dahil kumalat na iyon maging sa ibang department.

Nalaglag ang panga ko sa mga narinig ko at natulala. Lahat ng kaba ko, nagsamasama na dahil sa taong kailangan kong interview-hin. Para akong sinabuyan ng malamig na tubig. Paanong magiging madali para sa akin na interview-hin siya, eh, hindi nga kami magkasundo. And besides, galit ako sa kaniya at kung pwede nga lang na hindi ko siya makita, mas pipiliin ko 'yon.

"Sir, bakit niyo naman po sa akin ibinigay ang asawa ko? Marami namang ibang pwedeng kumuha ng project na ito, bakit ako?" pangangatuwiran ko.

"Why not, Miles? He's your husband at mas magiging madali ito para sa iyo," giit nito.

"Pero, Sir—"

"No buts, Miles and besides walang ibang pwedeng kumuha ng project na ito, this is your line, your profession," aniya pa.

Bumuntong-hininga ako at hindi ko naiwasang sumimangot. Paano ko haharapin si Zandy para interview-hin? Eh, ayaw ko nga siyang makita.

"I'll give you one week to do this project, Miles."

Nanlaki ang mata ko. "One week, Sir? Sir naman, baka naman pwede mong habaan. Hindi porket asawa ko si Zandy madali ko siyang mai-interview, he's such a busy businessman," dahilan ko.

"No, Miles nakalimutan mo bang malapit na ang April? We need to release the April issue."

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon