"Zandy?!" Napako ang tingin ko sa kaniya. Hindi ako nakagalaw. Kahit gusto kong umiwas ng tingin sa kaniya, hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili kong nananabik na akong makita siya. Mayroon sa loob ko na gustong tumakbo para lapitan siya at yakapin.
"H-honey," masuyo at narahang saad ni Zandy habang direktang nakatingin sa akin. Ni hindi kumukurap ang mga mata niya. Hindi ko alam pero nababanaag ko sa mukha niya ang pananabik. "C-can we talk?" aniya. Humakbang siya ng ilang beses palapit sa akin.
Nang makabawi ako sa gulat at kabang nararamdaman ko, pinilit kong umiwas ng tingin sa kaniya dahil kung titingin pa ako sa kaniya, baka hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko.
"Why are you here? Ilang araw na ako sa hospital, Zandy pero hindi mo man lang ako nagawang puntahan. Ay! Oo nga pala, you're busy with the company kaya wala kang time para sa akin," makahulugan at sarkastiko kong sambit. Sa bawat katagang binibitawan ko, pakiramdam ko'y pinipiga ang puso ko. Mas nare-realize ko lang kung ano lang ako kay Zandy.
"That's why I'm here, Honey, to talk. Para pag-usapan natin ang nangyari." Bumuntong-hininga siya. "I'm worried, nag-alala ako nang nalaman kong nasa hospital ka pero I choose to keep my distance dahil alam kong hindi mo pa ako kayang pakinggan. Ngayon, umaasa akong handa ka na para marinig ang panig ko," dagdag pa niya.
Nang akmang lalapit siya sa akin, itinaas ko ang kamay ko para pigilan siya. "Huwag kang lalapit sa akin, diyan ka lang," utos ko sa kaniya. Bakas ang kirot sa mukha ni Zandy pero sinunod niya ang gusto ko.
"Honey, please let me explain. Ayusin natin 'to," pagmamakaawa ni Zandy.
"Can you please stop calling me Honey? Paano mo ako natatawag ng ganiyan habang alam mo sa sarili mong hindi mo pa nakakalimutan si Beverly?" puno ng galit at hinanakit kong sabi. Bahagyang napataas na rin ang boses ko habang pinipigilan ko ang luhang gusto nang pumatak.
Halatang pinipigilan ni Zandy ang sarili dahil sa pagbuga niya ng hangin. Bahagya pa siyang kumiling. "I'm sorry, Honey! I'm sorry kung nasaktan ka. I'm sorry kung nararamdaman mong ginawa kitang panakip butas. I'm sorry kung nararamdaman mong niloku kita. I'm sorry kung akala mo hindi kita mahal. I'm sorry!" seryosong aniya na bakas doon ang labis na lungkot. "Kung kailangan kong humingi ng tawad sa lahat ng iyon, gagawin ko huwag ka lang mawala sa akin."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa narinig ko pero dahil sa nararamdaman kong sakit, nagawa kong lagyan ng harang ang sarili ko sa lahat ng sasabihin ni Zandy.
Sarkastikong napangiti ako. "Zandy, please, kahit ngayon lang magpakatotoo ka naman sa sarili mo para hindi tayo pareho naghihirap at nasasaktan ng ganito. I give my all to you, Zandy. Inayos ko muna ang sarili ko dahil ayaw kong ibigay iyon ng hindi buo. Pinilit kong ayusin lahat, para masabi kong totoo kitang mahal. Ang unfair mo kasi, Zandy, eh, tinanggap mo ako habang hindi ka pa buo, habang hindi ka pa tuluyang magaling mula sa nakaraan mo!" puno ng hinanakit kong sambit.
Nasuklay ni Zandy ang sarili niyang buhok gamit ang mga daliri niya. Napakiling pa siya at binasa ng laway ang mga labi niya. Malungkot siyang ngumiti. "At sa tingin mo nagpapanggap lang ako sa lahat ng pinakita at pinararamdam ko sa iyo? Kaya nga nandito ako sa harap mo kasi nagpapakatoo ako sa sarili ko," balik niya na puno ng emosyon doon. Bumuntong-hininga siya. "Ok, fine. Naiintindihan kita kung ano'ng nararamdaman mo ngayon. Alam kong nasaktan ka at hindi kita masisisi sa bagay na iniisip mo tungkol sa akin. Pero sana naman, huwag mo hayaang masira tayo dahil kay Beverly. Alam mong plano niya ang lahat ng ito," dagdag pa niya.
Ngumisi ako. Hindi ko na kinayang pigilan ang luha sa mga mata ko. Sabay-sabay iyong tumulo. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga sinabi ni Zandy. May bumubulong sa akin na patawarin siya sa nangyari alang-alang sa batang nasa sinapupunan ko.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...