HINDI ko inakala na may ibang tao pa pala sa buhay ni Zandy bukod sa pamilya niya at sa kaibigang si Ton. Wala rin naman kasi akong ibang alam tungkol sa buhay niya. Ang alam ko lang, naging introvert ang isang Zandy Saavedra dahil sa hiniwalayan siya ni Beverly.
Marami akong nalaman tungkol kay Zandy dahil sa mga kwento ni Chef Jr tungkol sa kaniya, kung gaano kasipag at kahusay si Zandy sa bagay na gusto niyang gawin. Nalaman ko rin na nakilala niya si Chef Jr sa isang pinasukan niyang cooking class kung saan naimbitahan ito na magturo ng isang local na putahe na matatagpuan sa Quezon at doon nagsimula ang pagkakaibigan ni Zandy at Chef Jr.
"I didn't expect na mayroon pa palang ibang tao sa paligid mo bukod sa alam ko na mga tao sa buhay mo," basag ko sa katahimikan habang naglalakad kami sa isang kalsada malapit sa dagat kung saan kita namin ang papalubog na araw. Kumalat ang kulay kahel sa kalangitan at ang sarap pagmasdan ng araw na lumulubog.Sa restaurant na kami kumain at matapos no'n nagpaalam kami kay Chef Jr at dinala ako ni Zandy sa lugar na ito.
"Iilan lang ang taong pinagkakatiwalaan ko, Miles at lahat ng nanatili sa tabi ko, sila 'yong totoo kaibigan at nagmamalasakit sa akin," kaswal na sagot ni Zandy. Saglit niya ako nilingon at simpleng ngumiti, saka bumaling muli sa araw. Nakapamulsa siya habang mabagal na naglalakad."Naalala ko when Tita Mandy told me that you're once an introvert simula nang...simula nang iwan ka ni Beverly," sabi ko. Nilakasan ko na ang loob ko na isatinig iyon.
Kinabahan ako ng huminto si Zandy at dahan-dahang humarap sa akin. Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko dahil sa walang emosyon niyang mukha. Ilang saglit pa niya ako tiningnan, bago umiwas sa akin ng tingin. Akala ko'y magagalit siya sa akin sa pagbanggit ko sa ex niya.
"Tama ka, pinili kong maging introvert no'ng mga panahong iyon. I was disappointed, down, unloved kasi ginawa ko namang lahat para hindi ako iwan ng babaeng mahal ko pero parang hindi iyon sapat para hindi niya ako iwan," puno ng sakit na pahayag niya. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. Hinarap niya muli ako. "Katulad mo, iniwan ako at tinanong ko rin ang sarili ko kung saan ako nagkulang at ano'ng kasalanan ko para iwan ako."
Pati ako'y nakaramdam ng lungkot para sa kaniya. Naalala ko rin ang nakaraan ko kung saan iniwan ako at nasaktan.
"I'm sorry, Zandy for asking you a personal question," paghingi ko ng paumanhin.
"No, it's ok, Miles gusto ko ring ibukas ang sarili ko, ang buhay ko para sa 'yo. Gusto kong makilala mo pa ako kasama ang nakaraan ko," seryosong sagot niya.
Hindi agad ako nakaimik habang nakatingin lang sa gwapo niyang mukha. Naramdaman ko pa ang ihip ng malamig na hangin sa balat ko pero hindi ko na iyon pinansin.
"And I want to know you more, Zandy," sabi ko naman na huli na para bawiin ko. Nagulat na lang ako nang makita ko si Zandy na nakatingin na sa mga mata ko.
"Thank you, Miles."Nagulat na lang ako nang hapitin ni Zandy ang baywang ko palapit sa kaniya. Para akong napaso nang magdikit ang katawan namin. Nanghihina ako kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko.
"Z-Zandy," tanging binuka ng bibig.
"Gusto kong palagi kang malapit sa akin, Miles," pabulong na sabi ni Zandy habang halos ilang inches na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Nanuot sa tainga ko ang baritono niyang boses. "I always want you beside me at palagi kitang pipiliin," dagdag pa niya.
Natulala ako at hindi nakagalaw. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong makapang pagtutol dahil alam kong naghuhumiyaw ang puso ko sa kilig.
Napakapit ako sa balikat niya dahil pakiramdam ko'y nanghihina ang tuhod ko dahil sa kakaibang pinaparamdam sa akin ni Zandy. Nawawalan ako ng lakas.
"G-gusto ko palaging nasa tabi mo, Zandy pero hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako mananatili dahil ang lahat sa atin ay 'di sigurado," malungkot kong sambit habang nangungusap ang mga mata ko.
Nanatili ang mga mata naming nag-uusap habang ramdam ko ang tibok ng puso ko na may saya at lungkot doon.
"Don't think for what could happen tomorrow, ang isipin natin 'yong ngayon, 'yong mayroon tayo," malumanay na balik ni Zandy.
Bahagya akong yumuko. Hindi ko alam ang iisipin ko pero alam kong may takot sa akin na baka ang mangyayari bukas maging dahilan ng bagong sakit sa puso ko.Kahit alam kong gusto ko ang ginagawa niya, ang posisyon namin, pinilit kong humiwalay sa kaniya. Niyakap ko ang sarili ko at humarap sa dagat kung saan kita ang araw na palubog na. "Bakit parang ang dali lang ng lahat sa 'yo, Zandy? Parang ang simple lang sa 'yo ng gusto mong gawin na manatili ako sa tabi mo at pagkatapos niyon, tapos na. Na para bang sigurado ka sa pwedeng mangyari habang alam mo sa sarili mo na hindi ka sigurado sa nararamdaman mo sa akin. Dahil ba nahanap mo 'yong support, 'yong motivation, 'yong pagtanggap mula sa akin?" seryoso kong sambit na bakas doon ang lungkot. "Kasi sa akin, hindi madali ang lahat lalo't ang puso ko ang nakataya. Hanggang kailan? Hanggang kailan tayo ganito?"
Naramdaman kong lumapit siya sa akin. Hindi na ako nagulat sa ginawa niya at hindi na rin ako gumalaw. Niyakap niya ako mula sa likod ko at ipinatong ang baba sa balikat ko. Napapikit ako. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot dahil alam kong may hangganan ito.
"I'm sorry, Miles kung selfish ako sa tingin mo. Hindi ko alam ang pwedeng mangyari pero I know this moment, na gusto kita makasama. Na ikaw ang pipiliin ko. Hindi ko rin alam kung hanggang kailan...kung hanggang kailan tayo ganito pero I wanna spend time with you and treasure every moment. I'm sorry," marahan niyang sabi. Nanunuot sa tainga ko ang maganda niyang boses na naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam.
"Natatakot lang ako, Zandy na baka kapag pinili kong manatili ikaw naman ang lumayo," saad ko.
Bahagya pang hinigpitan ni Zandy ang pagkakayakap sa akin. May comfort na dala ang yakap niya at gusto ko iyon. Gusto ko iyon na palaging maramdaman mula sa kaniya.
Bumitaw si Zandy sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko at marahang hinarap sa kaniya. "Tumingin ka sa akin, Miles," aniya. Dahan-dahan akong tumingin sa mga mata niya at bakas doon ang samu't saring emosyon. "Kaya mo ba akong pagkatiwalaan? Kaya mo bang ipagkatiwala sa akin ang puso mo?" direktang tanong niya na nangungusap ang mga mata.
"Z-Zandy," tanging nasabi ko.
"I want you to trust me, Miles."
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...