Unexpected 83

729 6 0
                                    

"KUMUSTA ka na, hija?" puno ng pag-aalalang tanong ni Tita Mandy sa akin. Kanina pa silang nandito sa bahay para dalawin ako at kamustahin. Abala naman sa pag-uusap si Papa at Tito Andrew sa sala habang nagluluto si Mama sa kusina.

Pilit akong ngumiti habang nakaupo sa kama ko. Kinuha ni Tita Mandy ang kamay ko at marahan iyong pinisil. "I mean, kumusta na ang puso mo?" Simple siyang ngumiti.

Hindi agad ako nakaimik. Seryoso lang akong nakatingin kay Tita Mandy. Kumusta nga ba ang puso ko? Sa sarili ko'y alam kong hindi ok. Ngumiti ako. "Magsisinungalin po ako, 'Mama kung sasabihin kong ok ang puso ko...kasi ang totoo po...h-hindi ako ok. I'm trying to be ok kasi alam kong may bata sa sinapupunan ko pero everytime na naiisip kong magkakaanak ako, naiisip ko rin si Zandy." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "It's been a week since we last talked at nami-miss ko na siya. Sa maikling panahon na naghiwalay kami para sa space na hinihingi ko, marami akong na-realize. Alam ko, 'Ma na kailangan ko si Zandy dahil magkakaanak na kami. Alam kong kailangan siya ng bata," malungkot kong sabi. Hindi ko namalayan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko.

Sa maikling panahon para sa space na hiningi ko kay Zandy, marami akong naintindihan at naunawaan. Mga pagkakamali ko na hindi ko inisip dahil sa nararamdaman ko. Baka mali ako na hindi siya pinaniwalaan no'ng una at itinaboy siya. Baka nagkamali ako sa space na hiningi ko dahil baka dahil doon, tuluyan siyang mawala sa akin. Baka sa pagkakataong pinalaya ko siya ng maikling panahon, baka iyon ang hinihintay na pagkakataon ni Beverly para makuha si Zandy. Natatakot ako pero mayroon sa isip ko na patuloy na naghihintay kay Zandy.

Bumuntong-hininga si Tita Mandy. Ngumiti siya na hindi lumabas ang mga ngipin. Ipinatong pa niya ang mga palad ko sa binti niya habang nakaupo siya sa gilid ng kama ko. "Alam mo ba kung bakit sinuportahan kita sa desisyon mo na saglit na bitawan si Zandy?" Nagtataka akong tumingin kay Tita Mandy na nagtatanong. "Dahil gusto kong ma-realize ni Zandy ang halaga mo. No'ng una, alam ko kung paano ka niya itrato bilang asawa at alam ko rin ang pagbabago naganap sa kaniya. Naiintindihan ko ang nararamdaman at gusto mong mangyari, Miles. Valid ang rason mo para masaktan at hingin ang space na gusto mo. Babae ka at naramdaman mong nawalan ng oras sa 'yo si Zandy pero nagawa niyang puntahan si Beverly." Gumuhit ang pait sa mukha niya. "And I won't tolerate that, hija. Pero alam ko rin na naniniwala kang mahal ka ni Zandy at hindi ka niya niloku."

Saglit akong yumuko. Hinayaan kong tumulo ang luha sa mga mata ko dahil sa lungkot na nararamdaman ko.

"Alam mo ba, hija, simula nang bata pa si Zandy, we control him sa lahat ng gusto naming mangyari para sa kaniya. Na-realize ko kung paano namin siya ginawang robot dahil akala namin, iyon ang makabubuti para sa kaniya. We thought what we do to him, would benefits him more pero hindi pala. You, ikaw, hija ang nagpa-realize sa amin ng mga bagay na iyon. You keep on supporting Zandy to his dream. Sa pangarap niyang restaurant. Sa lahat dahil mahal mo siya and you want him to be happy and fullfill na hindi namin nagawa. And you know why I'm telling you this? Dahil sa pagkakataon ito, hindi namin kinontrol ang nararamdaman ni Zandy para sa iyo." Ngumiti si Tita Mandy na mababakas ang luha sa mga mata. "Sarili niya ang kusang nakaramdam ng pagmamahal na ibinigay sa 'yo ni Zandy at hindi namin sinabing mahalin ka niya. At ngayon, kailangan niyang kumilos para sa sarili niya. Hindi na namin pakikialaman ang mga bagay na gusto niyang gawin." Tumango pa siya kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya.

Hindi agad ako naka-react sa mga narinig ko pero nang tuluyan kong maintindihan ang sinabi ni Tita Mandy, napaawang ang bibig ko kasunod ng pagngiti ko dahil sa ligaya at sayang nararamdaman ko para kay Zandy at sa pamilya niya.

"Mama," tanging nasambit ko habang lumuluha. Hindi ko maiwasang maramdaman ang ligaya at saya.

Tumango si Tita Mandy at saglit na pumikit. "Tama ka, hija, dapat naming suportahan si Zandy sa gusto niya and be proud for him. Salamat, Miles for making us realize kung gaano kaimportante ang sariling kagustuhan ni Zandy. Thank you!"

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon