Unexpected 53 (Part 2)

944 15 0
                                    

"I LOVE you, Miles at gagawin ko ang lahat para mahalin mo ulit ako," ani Roven na ramdam doon ang senseridad at determinasyon.

"What are you doing, Roven?" 

Nagulat na lang ako ng marinig ko ang boses ni Zandy at ang paghawak niya sa braso ko, kasunod ang paghila sa akin. Inilagay niya ako sa likod niya. Napatingin ako kay Zandy, ano'ng ginagawa niya rito? May kakaibang naramdaman ang puso ko kasunod ang pagtibok niyon.

Nakita kong napangisi si Roven sa ginawa ni Zandy at sa pagdating nito. "You're acting like a real husband, huh?" anito na hindi natuwa sa ginawa ni Zandy. "Zandy, come on, huwag kang umakto na parang asawa dahil unang-una, alam mong hindi mo mahal si Miles. Kinasal lang naman kayo because of you and Miles parents, right? Kaya please, huwag mo ng panghimasukan ang buhay ni Miles na para bang hindi ka parte ng masakit niyang nakaraan," litanya ni Roven na halata ang inis doon.

Nabuo ang tensyon sa pagitan ng dalawa. Ramdam ko rin ang inis ni Zandy sa mga sinabi ni Roven. Ngumisi pa siya habang hawak ang braso ko. "As I remember, Roven you're just an ex and you don't have a right for her. Nagkakamali ka ring isipin na hindi ako asawa ni Miles, I'm her husband because we got married and here's the proof." Itinaas ni Zandy ang kanang kamay niya at ipinakita ang singsing na isinuot ko sa kaniya nang ikasal kami.

Parang may humipo sa puso ko dahil doon. Akala ko'y hindi pahahalagahan ni Zandy ang singsing na iyon pero suot pala niya iyon at ipinagmalaki pa kay Roven. Parang hinipo ang bahagi ng puso ko.

Kumiling ng bahagya si Roven. Marahas nitong pinahid ang luha sa nga pisngi, saka ngumisi uli. "Masyado kang pumapapel kay Miles, Zandy, kahit alam mong hindi mo siya mahal. Hindi ba't si Beverly ang mahal mo and you're still waiting on her kaya please, let her decide whether she would give me another chance or not at atupagin mo na lang ang pagbabalik ni Beverly. Mind your own, Zandy," giit ni Roven.

Naguguluhan na ako sa mga naririnig ko. Gaano ba nila kakilala ang isa't isa? Bakit pumayag si Zandy sa plano ni Roven noon at bakit kilala ni Roven si Beverly at ang nararamdaman ni Zandy para rito. Kanina'y napuno ng saya ang puso ko pero sa mga narinig ko, may kung ano'ng kirot at pagkadismaya sa puso ko. Naramdaman ko rin ang bahagyang pagluwag ni Zandy sa braso ko. Hindi rin agad siya nakaimik.

"Tama ka ng narinig, Zandy nagbalik na si Beverly sa Pilipinas at pwede mo na uli siyang mahalin kaya hayaan mo na si Miles, palayain mo na siya," dagdag pa ni Roven.

Saglit pang katahimikan ang namayani. "What if I don't, Roven? Paano kung ayaw kong palayain si Miles?" Napatulala ako kay Zandy. Naramdaman ko pa ang muling paghigpit ng hawak niya sa braso ko. "You left her without your explanation and you used me with your plans to hurt her para iwan ka tapos babalik ka para sabihing mahal mo pa si Miles at pinagsisihan mo ang ginawa mo? The damage has been done, Roven and you wouldn't make it healed just because you're saying sorry," patuloy pa ni Zandy.

Naramdaman ko ang panunubig ng gilid ng mga mata ko. Lumitaw ang saya sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Zandy na parang niyakap niya ako para ipagtanggol at ipaglaban.

"That's why I'm here, Zandy explaining everything to her," giit naman ni Roven. "Alam kong nasaktan ko si Miles at alam ko rin na hindi madali para sa kaniya na patawarin ako pero nandito ako, willing to do anything for her."

Ngumisi si Zandy. "Sige, ipaliwanag mo ang dahilan mo kung bakit ginawa mo ang bagay na iyon?"

Bumaling si Roven sa akin. Malamlam ang mga mata niya na marahil dahil sa tama ng alak pero tila nabawasan iyon dahil sa nangyayari. Nangungusap ang mga mata nito. "Miles, kilala mo ako at ang pamilya ko. Isa akong breadwinner sa pamilya at kailangan kong magtrabaho para sa kanilang lahat na umaasa sa akin. Ang mga magulang ko, kapatid ko, pamilya ng mga kapatid ko, maging mga pamangkin ko, lahat nakaasa sa akin. You know everything about me and my family, Miles at ilang beses natin iyong pinag-awayan. Alam ko rin na nahihirapan ka sa sitwasyon, na nakikihati ka sa oras ko sa kanila. Hindi ko sila kayang pabayaan at makitang nagugutom that's why I tried to broke up with you pero hindi ko magawa dahil mahal kita kaya naisip ko ang planong iyon para magalit ka sa akin at iwan mo ako para sa pagkakataong iyon, maibigay ko ang lahat ng oras ko sa pamilya ko," mahabang paliwanag ni Roven na bakas sa mukha ang lungkot at pagsisisi.

"Pero mali pala ako, mali ako na ginawa ko ang bagay na iyon habang kaya ko naman palang isama ka sa pangarap ko," dagdag pa ni Roven. Nakita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata niya.

Sunod-sunod na pumatak ang luha sa mga mata ko. Bumalik sa alaala ko ang lahat ng nakaraan namin ni Roven. Nakilala ko na siya na may malaking pamilya, lahat na lang ng kapatid niya na may pamilya, sa kaniya umaasa kahit malalakas pa naman ang mga ito. Ilang beses namin iyong pinagtalunan dahil ulti mo bagay na ibinibigay sa akin ni Roven, sinisilip ng pamilya niya. Hindi rin naging maganda ang trato ng pamilya niya sa akin dahil daw nahahati ang atensyon ng anak nila. Tiniis ko iyon, kasi mahal ko si Roven noon kaya iniintindi ko lahat kahit masakit at mahirap.

"Sa tingin mo, Roven, valid ang rason mo para saktan ako? Pilit kitang iniintindi pati ang magulo mong pamilya, kasi mahal kita at hindi ko deserve ang dahilan mo para saktan ako." Binawi ko ang kamay ko kay Zandy at mabilis na naglakad patungo sa sasakyan ko. Sumakay ako roon. Pinahid ko ang luha sa mga mata ko bago iyon pinaandar. 

Bakit nasasaktan pa rin ako? Sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa amin ni Roven noon, nandito pa rin ang sakit. Mahal ko pa ba siya o sadyang hindi ko lang kayang tanggapin ang dahilan niya para saktan ako?

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon