Unexpected 62

926 12 2
                                    

HINDI na ako nagulat nang pumasok ako sa trabaho kinaumagahan, katulad ng inaasahan ko, inulan ako ng maraming tanong at intriga ni Melissa at Andrea. Gusto ko nang takpan ang magkabilang tainga ko para hindi marinig ang sunod-sunod nilang tanong tungkol sa nangyari sa amin ni Zandy sa bakasyon. 

"Ano na nga, Miles? May nangyari ba sa inyo—I mean, ano'ng ganap sa bakasyon ninyo?" excited na tanong ni Melissa.

"Oo nga, Miles chika naman diyan kahit konti lang," segunda naman ni Andrea.

Kakaupo ko lang sa upuan ko pero 'yong tanong nila hindi ko mabilang. Mabuti't maaga pa at hindi pa oras ng trabaho. Kumunot ang noo ko at mariing pumikit. "Wait!" sabi ko kasabay nang pagtaas ng dalawang palad ko na nakabuka, senyales na pinapahinto silang dalawa. "Paano ako makakasagot, eh, sunod-sunod ang tanong ninyong dalawa. Pwede isa-isa lang?" seryoso kong pigil sa kaniya.

Natigilan naman ang dalawa. Bahagya pa silang lumayo sa akin at humalukipkip. 

"Eh, ano ngang nangyari?" tanong ni Melissa na seryoso na ang mukha pero hindi pa rin maikakaila ang excitement sa mukha nito.

"Nagbakasyon kami, we enjoy at nag-relax, that's it," simpleng sagot ko pero halata sa mukha nila na hindi sila satisfied sa sagot ko.

"Paanong enjoy at relax ang ginawa ninyo roon. I mean, ano'ng progress sa inyong dalawa? Tuluyan na ba kayong nagkamabutihan? Close na ba kayo?" sunod-sunod naman na tanong ni Andrea.

Pinanliitan ko si Andrea ng mata. "Nag-enjoy kami sa lugar at nag-relax dahil sa magandang ambiance ng lugar. Kumain. Nag-swimming. Uminom. Natulog," paliwanag ko na sana maintindihan na nila. 

"Eh, kayo ni Zandy, kumusta? What's new between you and him?"

Lahat kami'y napatingin kay Chad na kadarating lang na hindi namin namalayan. Dumeretso ito sa lamesa niya. Nakita ko namang saglit lang na nilingon ni Melissa ang binata at hindi na umimik. Bahagya akong nagtaka.

Hindi agad ako umimik. "W-we're good," pakli ko para safe ang sagot.

"Paanong good? Ano, official na kayo? Totohanan na ba ang lahat?" Hindi na naitago ang excitement ni Andrea.

Kumunot ang noo ko. "Basta we're good right now, Andrea," giit ko. Umiwas ako sa kanila ng tingin para hindi nila mabasa ang mga mata ko. Humarap ako sa monitor ko. Naalala ko lang si Zandy pero napapangiti na ang mga labi ko.

"Kung ako sa 'yo, Miles totohanin ko na 'yang si Zandy. Ikaw rin, baka biglang may bumalik at agawin sa iyo ang asawa mo," saad ni Melissa. "Ikaw na rin ang nagsabi na pareho kayong may nakaraan at ikaw na rin ang nagsabi na ok na kayo," dagdag pa niya.

Hindi agad ako nakaimik. Natigilan ako sa narinig ko mula kay Melissa at namuo ang takot at kaba sa puso ko. Paano nga kung may bumalik para agawin si Zandy?

"Eh, ang tanong, ano na bang nararamdaman mo para kay Zandy? This past few days, napapansin kong ibang-iba na ang reaction mo every time na pinag-uusapan natin si Zandy. There's something in your eyes na para bang kumikislap," patuloy naman ni Andrea.

"Well, ikaw rin naman ang makakasagot sa tanong na iyan, Miles. We're just here to support you at kapag may kailangan ka, sabihin mo lang sa amin. Hindi mo ata alam na love adviser ako," natatawang sabi ni Melissa. "Marami na akong napayuhan at ngayon ayon, puro sila brokenhearted." Natawa na lang si Andrea sa sinabi ni Melissa at ako'y napangiti na rin.

"Magtrabaho na nga kayong dalawa, kaaga-aga puro kayo marites," saway ko sa kanila. "Hindi naman ako ang feature sa magazine niyo para interview-hin," dagdag ko at natawa dahil sa sinabi ko.

"Na-miss ka lang niyang dalawa 'yan, Miles. Inggit na inggit 'yan sa 'yo, eh, dahil ikaw raw nasa bakasyon habang sila kahit nasa bahay may trabaho," nangingiting sabat ni Chad na nakatingin sa gawi namin.
 
"Of course na-miss namin si Miles pero ikaw, Chad, mawala ka man ng isang taon o mawala ka man sa mundo, 'di ka namin mami-miss," sabi ni Melissa at ngumuso pa.

"Hindi ba talaga, Melissa? Eh, nitong nakaraan lang may balita akong lumabas daw kayo nitong si Chad," pang-aalaska ni Andrea habang natatawa.

Nanlaki ang mga mata ni Melissa. "Hoy! Saan mo nasagap ang balitang 'yan? Nagkita lang kami sa mall that time," paliwanag ni Melissa. 

Natawa na lang ako at napailing dahil sa kanila. Nakaka-miss makita ang kakulitan nila. Kahit ilang araw pa lang akong nawala, na-miss ko agad sila at ang sayang dala nila.

Ilang sandali pa at pumasok si Ate Shai. Agad bumagsak sa akin ang mga mata niya. "Miles, pumunta ka sa office ni Sir Troy, now. He wants to talk to you," sambit niya at umalis na rin sa harap namin.

Nagkatinginan kaming tatlo. Kakabalik ko lang sa bakasyon may patawag agad. Kumibit-balikat lang ang dalawa na wala ring ideya kung bakit pinatawag ako ni Sir Troy.

Wala naman akong magagawa kung 'di pumunta sa opisina ni Sir Troy kahit kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan.

Lumabas ako ng opisina at tahimik na naglakad patungo sa opisina ni Sir Troy. Kumatok muna ako roon at nang marinig ko ang pahintulot niya, binuksan ko iyon at pumasok.

Natigilan ako nang makita ko ang isang babaeng nakaupo sa isa sa mga upuan sa tapat ng table ni Sir Troy. Kumunot ang noo ko dahil pamilyar siya sa akin.

"Have a sit, Miss Virgilio," kaswal na sambit ni Sir Troy. Umupo ako sa katapat na upuan ng babae na ngayo'y nakatingin sa akin na animo'y sinusuri ako sa isang kasalanan. Mas lalo ko siyang nakilala nang malapit na ako sa kaniya at halos manlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Siya ang babaeng nakasabay ko sa elevator at ang sinabi nila Andrea na Beverly ang pangalan, isang sikat na modelo sa Paris at nandito sa kompanya para i-feature sa magazine.

Hindi ko maalis ang tingin ko sa babae sa harap ko. Biglang kumabog ng malakas ang puso ko sa kaba. Sana lang hindi siya ang Beverly na hinihintay ni Zandy na bumalik. Sa totoo lang, napakaganda niyang babae. Napakatangkad niya, hindi maikakaila ang kurba ng katawan niya. Bilugan ang hugis ng mukha niya. Matangos ang ilong at may makinis na kutis.

Kumurap ako at umiwas ng tingin sa babae na ayaw akong hiwatan ng titig. Hindi ko alam kung ano'ng iniisip niya sa akin. "Bakit niyo po ako pinatawag, Sir?" tanong ko kay Sir Troy nang bumaling ako sa kaniya. Pinilit kong kalmahin ang sarili ko dahil sa nakaka-intimidate na tingin ng babae.

Saglit na nilingon ni Sir Troy ang babae sa katapat ko. "I'll give you another project, Miles," simula ni Sir Troy. "She's Beverly Montecillo, a famous model in Paris and now she's starting her career in the Philippines and she's your next project, Miles for this month's issue."

Parang pumantig ang tainga ko sa narinig kong pangalan. Beverly Montecillo? A famous model in Paris. Nilingon ko ang magandang babae. Napaka-elagante ng postura nito. So, siya nga! Siya si Bevery, ang ex ni Zandy at nagbabalik siya.

"Hi, Miles, right? Miles Saavedra?" simula ng babae at ngumiti pa. "Nice to meet you. I heard a lot about you, and they say you're a good journalist and I'm excited to work with you," magiliw na sambit ni Beverly.

Hindi agad ako nakasagot habang seryosong nakatingin lang sa maganda niyang mukha. Hindi ko alam kung ano'ng mararamdaman ko nang banggitin niya ang last name ni Zandy. Kapagkuwa'y, kumurap ako at saglit na yumuko. Nginitian ko si Beverly. "H-hi, Beverly nice meeting you," balik ko at alangang ngumiti sa kaniya.

Sinalakay ako ng kaba para sa proyektong ito. Paano ko siya haharapin at pakikitunguhan. Ex siya ni Zandy at hindi ko alam ang iniisip niya tungkol sa akin lalo't alam kong alam niya na kasal na kami ni Zandy. At bakit sa akin binigay ang proyektong ito?

"I'm excited to share with you, to everyone the reason why I choose to come back here to the Philippines. May tao akong naiwan na gusto kong balikan."

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa narinig ko. Hindi ako nakaimik at hindi ko rin alam ang ire-react ko. Sino'ng gusto niyang balikan? Si Zandy ba? Sinalakay ako ng kaba at takot. Paano kung magkita sila ni Zandy at ma-realize nitong mahal pa nito si Beverly? Ano'ng laban ko sa nakaraan niya?

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon