AGAD akong hinapit ni Zandy palapit sa kaniya nang makarating kami sa silid niya. Animo'y sabik siya sa akin dahil pagkababa namin ng sasakyan, agad niyang hinawakan ang braso ko at hinila patungo sa silid niya. Nagpatianod na lang ako dahil alam ko sa sarili kong gusto ko rin naman ang mangyayari.
"Ano ba, Zandy?" Napatili pa ako ng mahina nang halikan niya ako sa leeg. "Nakikiliti ako," sambit ko. Pakiramdam ko'y nagsitaasan ang balahibo ko sa batok dahil sa ginawa niya.
"What did you say? Zandy? Hindi ba't I told you that if you call me, Zandy I'll kiss you," sabi niya nang huminto sa paghalik sa leeg ko. "Call me Honey, kahit saan at kahit ano'ng panahon, ok?"
"Ok, fine, I'm sorry," natatawa kong sabi.
"At bilang parusa, lagot ka sa akin. I'll kiss you 'till the night end," banta niya na tila nangislap ang mga mata. Mas hinapit pa niya ako at ramdam ko sa baywang ko ang braso niya.
"That's the punishment I want from you, Honey," balik ko. Itinaas ko ang mga braso ko at pinulupot iyon sa leeg niya habang nakatingala ako sa kaniya. Simple akong ngumiti. "I'm willing to take the punishment hanggang kasama kita, Honey," sabi ko. Tinitigan ko ang kabuuan ng gwapo niyang mukha na hindi ko pagsasawaang pagmasdan.
Sumeryoso ang mukha ni Zandy. "For the last time, gusto kitang tanungin, are you ready for this, Honey? If you don't want, hindi kita pipilitin. Kaya kong magtiis," masuyo niyang pahayag.
Ngumiti ako. Ngayon pa ba ako hindi magiging ready? Nagawa na namin ito ng isang beses at isa pa, pareho na naming mahal ang isa't isa at willing na akong ibigay ang sarili ko sa kaniya.
Tumango ako at saglit na yumuko. "I love you, Honey at kasal tayo, kaya there's nothing wrong if we make love in bed, right?"
Ngumiti si Zandy. "So, you're giving me a permission to do this?" paglilinaw niya.
Tumango ako habang nakangiti. "Of course, you're my husband at ikaw lang naman ang may karapatan sa akin."
"Thank you, Honey!" Mabilis akong niyakap ni Zandy at ramdam ko ang pag-ibig at ligayang nararamdaman niya na katulad ko'y nararamdaman din iyon. Humiwalay siya sa akin at humarap sa mukha ko. Nakangiti niyang pinasadahan ang mukha ko. Ilang inches lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. "I love you, Honey at gusto ko ring malaman mo na you own me. Ikaw lang ang may karapatan sa akin," dagdag pa niya.
Ngumiti ako at tumango. Hindi ko maikakaila ang labis na ligaya at sayang bumabalot sa puso ko habang tumitibok iyon at isinisigaw ang pangalan ni Zandy.
"Dapat lang, Honey dahil kaya ko nang ipaglaban ang pagmamahal at karapatan ko bilang asawa mo," matapang kong sabi. Tiningnan ko pa siya ng makahulugan.
"That's my wife, matapang at handang lumaban. Pero sa akin kaya, lalaban ka ngayong gabi?" natatawang sabi ni Zandy. Nasa ganoong posisyon pa rin kami.
Ngumuso ako at pinanliitan siya ng mga mata. "Hinahamon mo ba ako, Honey? Do you think I won't fight in bed?" panghahamon ko.
Natawa si Zandy sa sinabi ko na tila hindi makapaniwala. "Wow! Palaban na ata ang Honey ko, ah?"
Natawa ako pero agad ding sumeryoso. "I'm happy right now, I mean I'm happy everytime I'm with you, Zandy. Masaya ako sa resulta ng unexpected marriage nating dalawa. Hindi man tayo nagkasundo noon, pero ngayon, mahal na natin ang isa't isa," sambit ko habang inaalala ko ang nangyari sa amin noon. Nang panahong hindi pa namin gusto ang isa't isa.
"I'm more than happy, Honey. You inspired me to do more, to pursue what I loved. Nagdala ka ng saya at ligaya sa puso ko na hindi ko maramdaman sa mga tao sa paligid ko. Binigyan mo ako ng dahilan para maging masaya uli, para gawin ang gusto ko at para magmahal ulit. Salamat, Honey!" Seryoso niya akong tiningnan at saka simpleng ngumiti. "I'm sure now, sigurado na akong mahal kita hindi lang dahil sa mga sinabi ko, pero dahil iyon ang nararamdaman ko."
Hinawakan ni Zandy ang ulo ko at marahan niyang hinalikan ang noo ko. Hindi ko alam pero naiiyak ako sa mga sinabi ni Zandy. Hindi ko inaasahan na maririnig ko ulit ang ganoong mga salita at muli kong mararamdaman ang saya at pag-ibig mula sa ibang tao. Napuno ng ligaya at saya ang puso ko na sana manatili roon. Niyakap niya ako matapos niyang halikan ang noo ko.
Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa mga mata ko dahil sa labis na ligayang bumabalot sa akin dahil sa pagmamahal ni Zandy.
"Oh! Why are you crying, Honey?" nag-aalalang tanong ni Zandy nang makita niyang umiiyak ako.
Bahagya akong yumuko. "Ikaw kasi, eh, pinaiyak mo ako," parang bata kong sabi. Hinawakan niya ang baba ko at marahan iyong inangat para iharap sa kaniya. "Masaya lang ako kaya ako umiiyak. Masaya ako dahil mahal mo ako."
Ngumiti si Zandy. Marahan niyang pinahid ang luha sa pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. "I love you, Honey!" sabi niya.
Nagtama ang mga paningin namin at nagsimulang mangusap ang mga iyon na tila ba ayaw nang maghiwalay. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Kita ko ang bawat parte ng mukha niya at lahat doon, gusto kong titigan. Napalunok ako nang sunod-sunod dahil sa paglapit ng mukha namin sa isa't isa. Nagsimula na ring mag-init ang palagid kahit aircon naman sa silid ni Zandy. Alam kong may kakaiba akong nararamdaman ngayon at si Zandy lang ang makakapawi niyon.
Hanggang sa tuluyang naglapat ang mga labi namin. Pumikit ako para maramdaman ko ang pagmamahal doon. Marahang gumalaw si Zandy at ginantihan ko iyon kasama ng pagmamahal ko sa kaniya. Hindi ko maipaliwanag ang sayang bumabalot sa akin, ang alam ko lang, palagi kong gustong kasama si Zandy at umaapaw ang ligaya sa puso ko.
Hinapit ako ni Zandy para isiksik ang katawan namin sa isa't isa. Ramdam ko ang init ng bawat halik niya. Nagsimula siyang halikan ako ng mas malalim at marubdob. Naramdaman kong tila nanghihina na ang tuhod ko dahil sa kakaibang pinaparamdam ng bawat halik ni Zandy. Dulot ng kakaibang init na nararamdaman ko.
Marahan akong umatras palapit sa kama habang hindi napapatid ang halik namin ni Zandy. Hindi ko na alam ang nangyari, namalayan ko na lang na narating na namin ni Zandy ang kama at marahan niya akong inihiga roon. Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa malambot na kama.
Pumaibabaw sa akin si Zandy at muli akong hinalikan sa labi na animo'y sabik na sabik. Ramdam ko ang kagustuhan niyang maangkin ako na alam ko sa sarili kong hindi ako tututol.
Hindi ako pumayag na hindi niya maramdaman ang pagmamahal ko, gumanti ako sa bawat paghalik niya. Sinakbit ko pa ang braso ko sa leeg niya habang nasa ganoon kaming posiyon. Mas naging mainit ang paligid. Mas tumindi ang nararamdaman kong init sa loob ko na tila ba may gustong sumabog doon. Rinig na rinig ang tunog ng bawat halik ng mga labi namin.
Nagsimulang gumalaw ang mga kamay namin para alisin ang saplot ng bawat isa. Bakas sa mukha ni Zandy ang labis na pagnanasa sa akin na halos magmadali siyang alisin ang saplot para muli akong pupugin ng halik sa mga labi.
"Hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko, Honey. Everytime na magkasama tayo sa bahay, pinipigilan ko ang sarili ko, pero this time, I can't," pabulong na sambit ni Zandy na halos mahingal na. Ramdam ko rin ang mainit niyang hininga na nararamdaman ko sa mukha ko na lalong nagpapatindi ng nararamdaman kong init.
"The permission is yours, Honey. I'm yours tonight," sambit ko na halos maputol ang hininga ko dahil sa kakaibang nararamdaman ko na kung pipigilan ko, baka mabaliw ako.
Ngumiti si Zandy sa akin. Muli niya akong hinalikan sa labi habang nasa ibabaw ko pa rin siya. Mas naging mapusok ang bawat halik at galaw ni Zandy na lalong nagpasabik sa akin.
"I love you, Honey!"
"I love you!"
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...