Unexpected 45

1K 16 0
                                    

HINDI KO na hinintay pa si Sir Troy nang makalabas ako ng silid na iyon kung saan kasama ko si Roven. Lumabas ako ng gusali at sumakay sa Taxi patungo sa lugar kung saan kailangan kong mailabas ang nararamdaman kong sakit ng nakaraan. Hindi ko pa rin magawang alisin ang sakit kahit gusto kong piliting kalimutan iyon.

Bakit kailangan pa niyang bumalik para guluhin muli ang puso at isip ko? Bakit kung kailan utay-utay ko nang natatanggap ang nakaraan saka siya babalik sa buhay ko para ipaalala ulit iyon.

Bumaba ako sa isang Bar malapit sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Tiningnan ko ang wristwatch na suot ko at napagtantong pasado alas-diyes na pala ng gabi at wala akong pakialam sa oras, basta ang alam ko kailangan kong uminom para kahit pa paano makalimutan ko ang sakit at malibang ang sarili ko.

Pumasok ako sa maingay na silid. Nanunuot sa tainga ko ang malakas na tugtog na nagiging dahilan para mapapikit ako. Kita ko rin sa paligid ang maraming taong nagsasaya roon na para bang iyon ang lugar para sa kasiyahang kailangan nila. Tumungo ako sa counter at umupo roon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Andrea para puntahan ako roon, naisipan ko ring i-text si Melissa para ayaing uminom. Pakiramdam ko kasi kailangan ko sila, kailangan ko ng ingay at presensiya nila para kahit pa paano gumaan ang pakiramdam ko.

Habang naghihintay ako, um-order na ako sa bartender na nasa harap ko. In fairness, gwapo siya pero wala ako sa mood para bigyan ng pansin ito. Kailangan ko ng alak na magbibigay ng comfort sa akin. Pakiramdam ko, ang bigat-bigat na ng loob ko. Nahihirapan ako sa sitwasyon ko dahil alam kong sa puso ko, nandoon pa rin si Roven pero palaging nangunguna ang galit ko sa ginawa niya sa akin noon.

Naramdaman ko pa ang mainit na alak sa lalamunan ko hanggang sa sikmura ko nang inumin ko iyon  Napangiwi pa ako dahil doon.

Mayamaya pa'y nakita ko na si Andrea at Melissa na palapit sa akin. "Hey! Ok ka lang ba, Miles? Are you aware what time it is now? It's already Ten and you texted me to go here for a drink?" narinig kong malakas na sabi ni Melissa.

Tiningnan naman ako ni Andrea na para bang sinusukat ang pagkatao ko. "You dressed up like that to go here, Miles? What's the problem?" ani Andrea.

Lumapit sila sa akin at umupo sa magkabilang upuan at pinagitnaan nila ako. Mapait akong ngumiti. "I just want to drink, Andrea at gusto kong kasama kayo," sabi ko sa kanila.

"Drink? Bakit hindi ang asawa mo ang inaya mo? Bakit kami? Hmm!" Makahulugan akong tiningnan ni Melissa. "Nag-away ba kayo ng asawa mo? Naku, Miles tandaan mo kapag mag-asawa na, hindi na nag-aaway yan emotionally and physically, ang away ng mag-asawa sa kama," seryosong sabi ni Melissa. Gusto ko na sana siyang batukan kung hindi lang ako seryoso.

"Yeah! May punto ka naman, Melissa. I like your brain," natatawang sang-ayon naman ni Andrea.

"Tigilan niyo nga ako! Hindi kami nag-away ni Zandy, ok? I just wanted to drink kasi pakiramdam ko kailangan kong uminom. That's it, ok? Samahan niyo na lang ako," saway ko sa kanila. Bumaling ako sa gwapong bartender. "Kuya, may jowa ka?" tanong ko. Nagulat ang lalaki. Ngumiti ako habang nagtatakang tumingin sa akin ang dalawang kasama ko. "I mean, alak nga para sa aming tatlo 'yong katamtaman ang tama, sapat para makalimutan ang sakit ng nakaraan," makahulugan kong sabi.

"Miles, ok ka lang ba talaga?" tanong ni Melissa na bakas ang pagtataka.

"Ikaw pa ba 'yan? You look strange and crazy,"  segunda naman ni Andrea.

Ngumiti ako kahit hindi iyon umabot sa tainga ko. "Ok lang ako, ano ba kayo! Kasi nga baka wala pang jowa si Kuya, ibebenta ko sana si Melissa since she's single and ready to mingle, 'di ba?" sagot ko.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon