Unexpected 76

590 7 0
                                    

BUMAKAS ANG lungkot sa mukha ko nang madatnan kong wala pa si Zandy sa bahay. Ilang araw na siyang late kung umuwi dahil sa trabaho sa opisina. Magla-launch kasi ng bagong games ang kompanya kaya palagi siyang nag-o-overtime. Naiintindihan ko naman si Zandy kaya lang hindi ko maiwasang hindi malungkot. Nami-miss ko na agad siya kahit umuuwi naman siya ng bahay.

Dumeretso ako sa kwarto namin ni Zandy. Inihagis ko sa sofa ang bag ko at pabagsak na humiga sa kama. Naramdaman ko ang pagod ng katawan at utak ko kaya hinahanap na niyon ang pahinga. Pumikit ako. Nakaramdam ako ng bahagyang ginhawa ng maramdaman ko ang malambot na kama. Kinuha ko ang unan at niyakap iyon.

Dahil sa pagod, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Nagising na lang ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin. Gumalaw ako at pagmulat ng mga mata ko nakita ko si Zandy.

"I'm sorry, Honey hindi na kita nasundo and late ako umuwi. I have a lot of works to do in the company at hindi ko kayang tapusin iyon ng maaga para makauwi at masundo ka," paliwanag niya na bakas ang lungkot doon at pagpapaumanhin.

Hinarap ko siya at niyakap. Simpleng ngumiti ako na nagpapahiwatig na naiintindihan ko siya. "Naiintindihan ko, Honey at alam kong kailangan mong magtrabaho para sa kompanya ninyo," sambit ko. "Oo, nalulungkot ako kasi nabawasan 'yong oras natin sa isa't isa. Nami-miss agad kita every minutes na hindi kita kasama pero naiintindihan kita, kailangan kitang intindihin kasi para naman sa atin ang ginagawa mo." Niyakap ko pa siya ng mahigpit at isiniksik ang ulo ko sa malapad niyang dibdib.

"Thank you, Honey. I'm lucky to have an understanding wife like you," pahayag niya, saka hinalikan ako sa ulo.

"Kailangan nating intindihin ang isa't isa, Honey dahil mag-asawa tayo at kailangan natin ng tiwala."

"Hayaan mo, Honey, babawi ako," masuyong pangako ni Zandy.

Nginitian ko siya. "I love you, Honey!" puno ng damdamin kong saad at mas dinama pa ang yakap ni Zandy.

"I love you, Honey!" balik niya.

Alam kong kailangan kong intindihin si Zandy sa anumang bagay na ginagawa niya na alam kong para rin sa akin, sa pamilyang bobouin namin. Kailangan naming intindihin ang isa't isa dahil iyon ang kailangan namin bilang mag-asawa para hindi masira ang relasyong mayroon kami.

Susuportahan ko siya sa lahat ng ginagawa niya dahil mahal ko siya. Isa pa, naniniwala naman ako na babawiin niya lahat ng oras na hindi kami magkasama.

KINAUMAGAHAN, nagising ako sa sikat ng araw na tumama sa mga mata ko. Napapikit pa ako at umiwas doon. Humikab ako kasabay ng pag-inat ng mga braso ko. Kumunot ang noo ko at nagtaka nang ma-realize kong wala na si Zandy sa tabi ko. Bumaling ako sa oras na nasa wall at nakita kong pasado alas-otso na ng umaga. Mabilis akong bumalikwas at bumangon sa pagkakahiga ko.

Nabahala ako na baka ma-late na naman ako sa trabaho ko at pag nagkataon hindi na iyon makakalampas kay Sir Troy. Mabilis kong inasikaso ang sarili ko. Pumasok ako ng bathroom at naligo roon. Nawala ang antok na natitira sa katawan ko.

Matapos kong maligo at magbihis, lumabas ako ng bathroom. Bumagsak ang mga mata ko sa side table at nakita ko ang isang pink sticky note roon. Kumunot ang noo ko at dahan-dahang lumapit doon. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat.

"Honey, I'm sorry hindi na kita ginising kasi alam kong kailangan mo pa ng tulog. I cooked for you, just go to the kitchen and don't forget to eat, ok?" Mayroon pang smiley face na naka-drawing doon.

Namalayan ko na lang ang sarili ko na nangingiti dahil doon. Sa simpleng effort at pag-aalala ni Zandy sa akin, nararamdaman ko ang pagmamahal at pag-aalaga niya sa akin sa kabila ng nagkukulang niyang oras para sa aming dalawa.

Hindi ko maikakaila ang katangian iyon na isa sa dahilan kung bakit ko siya minahal. Sa kahit anumang paraan, ipinaparamdam sa akin ni Zandy ang pagmamahal niya at effective iyon sa akin. Busy man siya sa trabaho, nagawa pa rin niyang pangitiin ako at iparamdam ang pag-aalaga't pagmamahal niya.

Nakangitinga lumabas ako ng silid para tumungo sa kusina. Napangiti ako nang madatnan ko ang tortang may shredded chicken sa ibabaw niyon. Napangiti ako. Umupo ako sa lamesa at nagsimulang kumain pero bigla rin akong napahinto nang maamoy ko ang sukang naroon sa lamesa na malapit sa akin. Napakunot ang noo ko at agad nagusot ang mukha.

"What's that smell?" tanong ko. Napangiwi ako at mabilis na inilayo ang suka sa akin. Napakatapang ng amoy niyon na hindi ko gusto dahil nakakasuka iyon. Nagsimula akong kumain matapos kong ilayo ang suka. Bumalik ang ngiti sa labi ko nang malasahan ko ang pagkain na hindi ko pagsasawaan. Napakasarap niyon at walang duda iyon kapag si Zandy ang nagluto.

Matapos kong kumain, nagpasiya na akong pumasok ng opisina. Ginamit ko ang sasakyan ko dahil alam kong hindi naman ako masusundo ni Zandy dahil abala siya sa tambak na trabaho.

Nang makarating ako sa kompanya, mabilis akong bumaba ng sasakyan. Binilisan ko ang paglakad ko papasok hanggang makarating ako sa elevator. Hindi pa man iyon bumubukas nang may magsalita sa tabi ko.

"Are you ok, Miles?"

Bumaling ako kay Beverly na seryosong nakatingin sa akin pero agad ding umiwas. Katulad ng palagi niyang suot, napakasopistikada niya at talaga namang napakaganda. Naka-pink sleeveless dress siya na nagpalabas sa hugis ng katawan niya.

Kumunot ang noo ko. "Of course, I'm ok," sagot ko.

"Sigurado ka ba, Miles? I'm want to remind you, prepare yourself dahil katulad ng sinabi ko, madaling magsawa si Zandy." Ngumiti pa si Beverly na para bang sigurado siya roon. "It's easy for her to get a new girl to spend his time para pagsawaan."

Nanliit ang mga mata ko. Ngumisi ako. "Do you think, tanga ako para paniwalaan ka, Beverly? Maayos kami ni Zandy, ok? He's still the same Zandy I've fallen in love with at walang nagbago. So, if you're trying to mess our relationship, sisiguraduhin kong hindi ka magtatagumpay," balik ko sa kaniya para ipaalam na hindi ako basta madadala ng mga sinasabi niya.

"Oh! Do you think I'm still in love with Zandy? Of course not, Miles I'm just here to remind you dahil babae rin ako at ayaw kong masaktan ka. Matagal ko nang tinanggap na hindi na ako ang mahal ni Zandy dahil nagsawa na rin siyang maghintay sa akin. Isa pa, hindi ko pinaghirapan ang image kong ito ngayon para lang maghabol sa lalaki," mahabang sambit niya.

Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam pero parang nagsasabi siya ng totoo. "Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo?" tanong ko kahit mayroon sa isip ko na nagsasabing baka nagsasabi si Beverly ng totoo.

"Fine, if you don't want to believe me, ok bahala ka. Basta I'm happy with my life now. Basta nagpaalala ako." Ngumiti siya saka naglakad papasok sa elevator. Naiwan akong tulala. "Hindi ka pa ba sasakay, Miles?" pukaw niya.

Kumurap ako at bumaling sa kaniya na naghihintay sa loob ng elevator. Ngumiti pa siya. Dahan-dahan akong naglakad papasok at hindi na umimik.

Dapat ba akong maniwala kay Beverly? Bakit mayroon sa isip ko na nasasabing baka nga totoo ang mga sinabi ni Beverly. Baka ito na iyong panahon para ayusin ang lahat sa pagitan namin. Baka nga nagbago na siya at natanggap na ang katotohanang hindi na siya mahal ni Zandy.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon