NAKITA KO ang lungkot sa mukha ni Papa at Mama habang nakatingin sa akin, bitbit ang maleta na naglalaman ng mga gamit ko at ang back pack na nakasabit sa likod ko. Ito na kasi ang araw na lilipat kami sa bahay na binili ng mga Zaavedra para sa amin ni Zandy. Kahit mabigat ang loob ko, wala na akong magagawa.
Bumaling ang mga ito kay Zandy na bakas doon ang lungkot. "Zandy, please take care our daughter, ok? This would be the first time na malalayo sa amin si Miles at hindi siya sanay na wala kami para mag-alaga sa kaniya," simula ni Mama na bakas agad ang pangungulila sa boses nito.
Kanina pang nandito si Zandy para sunduin ako at alam kong napipilitan lang din siya sa gagawin. Nandoon pa rin ang kakaibang emosyon sa mukha niya. Hindi ko rin madalas makita ang ngiti sa mga labi niya, at kung sumilay man iyon, mababakasan iyon ng lungkot.
Kumunot ang noo ko. "'Ma, para namang sinasabi ninyong hanggang ngayon alagain pa rin ako. I'm not a kid anymore, kaya ko na rin ang sarili ko para alagaan," protesta ko agad.
"We are just sad na kailangan mo nang humiwalay sa amin, anak pero wala naman kaming magagawa dahil you have your own family now. It's time for you to learn to be a wife and soon a mother," ani naman ni Papa na halatang pinipigilan ang emosyon.
Anak agad? Ni hindi ko nga alam kung paano ko pakikisamahan si Zandy sa iisang bahay o kung dapat ko pa ba siyang pakisamahan.
"Hindi ko po maipapangako sa inyo ang maraming bagay pero susubukan ko pong pakisamahan si Miles," seryosong sambit ni Zandy. Pasimple naman akong umirap sa sagot niya.
"Naiintindihan kita, hijo dahil alam ko namang hindi pa ninyo kilala ang isa't isa. Trust the process at alam kong darating sa point na makikilala niyo rin ang bawat isa," nakangiting tugon ni Papa.
"And it's the time for both of you to get to know each other. Dadalaw-dalaw rin naman kami roon para bisitahin kayo," baling sa akin ni Mama.
Ngumiti ako ng pilit sa kanila. Kahit pa paano'y nakaramdam ako ng lungkot na aalis ako sa bahay na ito na buong buhay kong tinirhan. Hindi ko rin pwedeng ikaila na mami-miss ko ang pag-aalaga nila Mama at Papa sa akin at sigurado akong pananabikan ko rin sila kahit pa may sama ako ng loob sa ginawa nila sa akin.
Lumapit sa akin si Mama at seryoso akong tiningnan. Ngumiti pa siya pero bakas pa rin ang lungkot. "I'm happy for you, 'nak at mami-miss ka namin. It's the beginning of your new life as a married woman at sana magkasundo na kayo ni Zandy bilang isang pamilya. I'm also sad sa pag-alis mo. Hindi ako sanay na wala ka pero kailangan kong sanayin ang sarili ko dahil alam kong may sarili kang buhay at ito na iyon kasama si Zandy," litanya ni Mama. Tinitigan muna ako niya sa mukha, saka mahigpit akong niyakap. Ramdam ko ang lungkot niya. Gumanti naman ako sa yakap ni Mama sa akin. Hinalikan pa niya ako sa noo, saka humiwalay sa akin.
"And I want to tell you, hija na you have your responsibilities to Zandy as a wife, at ganoon din siya sa 'yo. May sinumpaan kayo sa harap ng Dios na dapat niyong tuparin," segunda naman ni Papa na para bang lahat ng sinumpaan namin sa simbahan ay totoo.
"Sige po, 'Ma, 'Pa aalis na po kami," paalam ko.
Lumapit sa akin si Papa at saglit akong niyakap. Marahan pa niyang tinapik ang likod ko. "I'm sorry, 'nak pero alam kong para sa iyo 'to," anito pa na hindi ko maintindihan kung paano naging para sa akin ang pagdedesisyon nila sa buhay ko. Kahit na masama ang loob ko, gumanti ako ng yakap dahil mami-miss ko rin sila.
"Sige po, aalis na po kami," paalam naman ni Zandy. Prente pa siyang ngumiti sa mga magulang ko.
Lumapit naman si Papa kay Zandy. "You're now responsible for my daughter, hijo at hindi ko gustong masaktan siya," tila may paalalang ani ni Papa at tinapik pa si Zandy sa balikat. Ngumiti lang si Zandy at tumango. Bakit palagi na lang sumasang-ayon si Zandy kahit sarili niya ang nakataya.
Lumapit sa akin si Zandy. "Akin na 'yan." Hindi na siya naghintay na magsalita ako at kinuha na ang maleta ko. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng bahay. Muli naman akong nagpaalam sa mga magulang ko bago sumunod kay Zandy.
Nadatnan ko siyang inaayos ang mga gamit ko sa likod ng kotse niya. Matapos niya iyong ayusin, humarap siya sa akin na seryoso lang ang mukha. Hindi rin siya umimik at sumakay na sasakyan niya.
Napairap na lang ako ng patago at tahimik na sumakay sa sasakyan niya hanggang sa umandar iyon. Katahimikan ang namayani sa pagitan namin na parang walang gustong magsalita. Napahalukipkip ako habang salubong ang kilay na nakatingin kay Zandy. Hindi ko alam pero parang nagi-guilty pa rin ako sa mga sinabi ko sa kaniya nang ihatid niya ako mula sa bahay ng mga Zaavedra. Parang may kasalanan ako sa kaniya pero dahil sa inis at galit ko pakiramdam ko'y hindi na ako dapat pa mag-sorry.
"Hindi mo man lang ba kayang ipaglaban ang sarili mong desisyon, Zandy?" basag ko sa katahimikan. Bakit kasi palagi na lang siyang pumapayag sa gusto ng mga magulang niya. "Hindi ka dapat pumayag sa gusto nila na magsama tayo sa iisang bahay," inis ko pang dagdag.
"Bakit ikaw, may nagawa ka ba, Miles para pigilan sila? Pareho lang tayo ng sitwasyon so don't blame all of this for me. Sa tingin mo gusto kitang makasama habang paulit-ulit mo akong sinusumbatan? Miles, don't act like you're the the only who suffer from their decision," balik niya sa akin.
Hindi ako nakaimik dahil alam kong may punto siya sa mga sinabi. Kung ako nga walang nagawa, maaring ganoon din siya dahil pareho lang kami ng sitwasyon.
"Don't worry, Miles dahil hindi ko rin ito gusto and I'll do anything to disappoint them. Hindi mangyayari ang gusto nilang mangyari," madiim niyang sabi na bakas pa rin ang inis.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...