LUMIPAS ang mga oras na hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Zandy matapos nang nangyari sa amin kanina sa dagat. Mas lalo akong nailang sa kaniya at alam kong ganoon din siya sa akin. Matapos kasi naming maligo, nasa loob lang siya ng villa at hanggang ngayon hindi pa siya lumalabas.
Niyakap ko ang sarili ko habang nakaharap ako sa palubog na araw. Nagkulay kahel ang kalangitan at nagsisimula na ring kumalat ang dilim. Hindi pa rin maalis sa isip ko si Zandy at kapag naiiisip kong bukas ay babalik na kami ng Manila, hindi ko maiwasang malungkot dahil gusto ko pang makasama si Zandy ng mas matagal sa ganitong lugar. 'Yong wala kaming kailangan isipin at intindihin kung 'di ang mga-enjoy at mag-relax.
Umihip ang malamig na hangin. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa sarili ko. Saglit akong yumuko. Nandito ako malapit sa dagat habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw.
Hindi ko inakala ang lahat ng nangyayari sa amin ni Zandy at ang mga salitang sinasabi niya sa akin. Gusto niyang magtiwala ako sa kaniya na hindi niya ako sasaktan pero alam ko rin sa sarili kong may takot ako. Lalo't hindi pa niya sinasabi ng direkta sa akin na mahal niya ako. Pero ako sa sarili ko, alam kong may nararamdaman na ako para sa kaniya at natatakot din akong aminin iyon sa sarili ko. Hindi ko alam ang gagawin ko pero may bumubulong sa aking hayaan ko ang puso kong muling sumaya.
"Mukhang malalim ang iniisip mo, ah?"
Bahagya akong nagulat nang marinig ko ang boses ni Zandy. Napapitlag pa ako sa sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako mula sa likod ko. Hindi ako nakagalaw at wala rin sa isip ko na kumawala sa yakap niya dahil alam kong gusto ko rin iyon.
"I never thought we would get to this point na hahayaan kitang yakapin at halikan ako. Ang bilis ng lahat, Zandy at lahat ng ito'y wala sa plano natin. Nagsimula sa galit at mauuwi ba sa pagmamahalan? Hindi ko alam, kasi hindi tayo sigurado," sambit ko habang nakatingin sa dumidilim na paligid.
"Wala namang sigurado, Miles kung hindi mo susubukan, 'di ba? Tama ka, lahat ng nangyayari wala sa plano ko. I agreed to marry you because I have my own intentions, ang ipamukha sa pamilya ko na hindi lahat ng gusto nila tama at mangyayari para sa akin. All my life, diniktahan nila ako hanggang sa sarili kong kaligayahan. I never thought that I would come to this point na magugustuhan ko ang nangyari kahit no'ng una'y ayaw ko rin nito," litanya ni Zandy na hindi na bago sa akin. Iyon rin naman ang gusto kong mangyari, ang ipamukhang mali sila na ipinakasal kami.
"Hindi madaling sumubok, Zandy lalo't minsan ka nang nasaktan. Mahirap ibigay 'yong tiwala, 'yong pagmamahal," marahan kong dahilan. Bumuntong-hininga ako. "Pero ang totoo, gusto ko lahat ng ginagawa mo sa akin. Gusto ko palagi kang makita at makasama. Masaya ako...I'm happy everytime I'm with you kasi alam kong...alam kong gusto kita, Zandy. Gusto kita," pag-amin ko kasabay ng kakaibang pakiramdam na bumalot sa puso ko.
Wala na akong pakialam sa pwedeng mangyari. Natural na lumabas sa bibig ko ang mga salitang iyon. Binalot ako ng kaba.
Saglit na natahimik si Zandy. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin mula sa likod ko. Marahan niya akong iniharap sa kaniya. Tuluyan nang lumubog ang araw at nilamon ng dilim ang paligid tanging ang ilaw sa paligid ang tanglaw doon.
"Then, what's the problem? Ikaw na rin ang nagsabi na gusto mo ako and I feel the same, Miles. Hindi ko pwedeng itanggi sa sarili ko na may nararamdaman ako para sa iyo dahil kung ano'ng nararamdaman mo, iyon din ang nararamdaman ko and I want it to be more, Miles." Hindi ko magawang kumawala sa mga titig niya sa akin dahil animo'y nangungusap ang mga mata niya.
Kumurap ako para ilayo ang distraction ng mga tingin niya. "Ano'ng problema? The problem is our past, Zandy. I can't give my all to you at alam kong ganoon ka rin dahil sa nakaraan mo. Nahihirapan akong magtiwala, ibigay 'yong puso ko dahil sa pwedeng mangyari. I'm not your past at kapag bumalik ba ang nakaraan mo, ako pa rin ang pipiliin mo?" malungkot kong sambit, kasunod ang pagkirot sa puso ko dahil sa mga iniiisip ko.
Suminghap si Zandy. "How many times do I need to tell you, Miles na ikaw ang pipiliin ko. I always choose you kasi ikaw 'yong kasalukuyan ko. Yes, you're not my past but your my present and I want you to be my future," seryosong aniya na puno ng damdamin.
Natigilan ako. Ang sarap sa tainga ng mga katagang iyon na nanunuot sa puso ko na naghatid doon ng ligaya at kilig na palagi kong gustong maramdaman.
Bahagya akong yumuko. Pinagsalikop ko ang mga palad ko. "I don't know, Zandy. Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko para sa iyo pero hindi ko alam kung paano dahil hanggang ngayon, natatakot pa rin akong ibigay 'yong puso ko. I need more time to think about it at sa ngayon, gusto ko munang ganito tayo. Masaya sa bawat isa."
Bumuntong-hininga si Zandy. "Ok, if that's what you want, I respect your decision, Miles pero hindi ako titigil hanggat kaya mo nang i ibigay ang puso mo sa akin," seryoso at puno ng didikasyong aniya.
"Salamat, Zandy for making me happy again," sabi ko na bakas doon ang saya at pagpapasalamat.
"No, I'm the one who need to thank you, dahil pinasaya mo ako, Miles," balik niya.
Bahagya akong nagulat nang hilahin niya ako palapit sa kaniya at niyakap ako. Hindi ako kumibo at hinayaan kong maramdaman ang ligaya ng yakap na iyon na palagi kong gustong maramdaman.
"Gusto ko palagi tayong ganito, Zandy hanggang sa sigurado na tayo sa isa't isa at kaya ko nang ibigay ng buo ang sarili ko," marahan kong sambit. Niyakap ko siya pabalik.
Hindi nakaligtas sa akin ang mabango niyang amoy na mula sa perfume na gamit niya. Hindi iyon matapang at masakit sa ilong pero nanunuot ang manly na amoy niyon na gusto ko palaging maamoy.
Napuno ng ligaya ang puso ko kasabay ng kakaibang kiliti roon. Kung pwede lang sanan na palagi ko 'yong maramdaman. I want to spend more time with Zandy at palaging maramdamang malapit siya sa akin.
"Hinihintay lang kita, Miles na maging handa para mahalin ako. Ayaw ko ring maging-unfair sa iyo kaya pagbalik natin sa Manila, haharapin ko ang nakaraan ko para buo kong maibigay ang sarili ko sa 'yo," saad niya at bakas doon ang kagustuhan niyang ipakita sa akin na wala na sa kaniya ang nakaraan niya. "Alam kong iyon lang din ang ikakapanatag ng loob mo," dagdag pa niya.
Hindi ko naiwasang mapangiti. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakayakap ko sa kaniya. Mas lalo akong humanga sa katauhan ni Zandy na ibang iba sa unang Zandy na nakilala ko noon.
Mayamaya pa'y kumawala sa akin si Zandy at kinulong ang mukha ko sa mga palad niya habang nakatingin ng seryoso sa mga mata ko. "Thank you for being my wife, Miles, for your support and care. I want more for us, Miles. Gusto kong maging totoo ang lahat sa atin." Ngumiti siya na lalong nagpalabas sa kaguwapuhan niyang taglay.
Nagkatitigan ang mga mata namin na animo'y nangungusap. Naramdaman ko na lang ang paglapit ng mukha ni Zandy sa akin, kasunod ang paglapat ng labi niya. Napapikit ako at hinayaan kong halikan niya ako. Namalayan ko na lang buong pusong pagganti ko kasabay ng kakaibang saya at kilig na namutawi sa puso ko. Ayaw ko nang matapos pa ang tagpong ito.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...