ILANG oras na byahe bago kami tuluyang nakarating ng bahay. Ramdam ko ang pagod at ngalay ng katawan ko sa kakaupo sa sasakyan. Hindi na rin ako nakaidlip dahil sa magulong isip ko dahil sa nangyari sa amin ni Zandy. Hindi ko na alam kung paano siya haharapin at kakausapin pagkatapos nang nangyari sa amin nang nagdaang gabi. Nahihiya ako.
Huminto ang sasakyan sa loob ng garage ng bahay. Hindi ko na hinayaang pagbuksan pa ako ni Zandy kaya nauna na akong bumaba sa kaniya. Kinuha ko ang backpack ko sa passenger seat pero nang akmang kukunin ko na ang maleta ko nang unahan ako ni Zandy.
"I'll handle this, Miles," kaswal na aniya sa likod ko. Nagdikit ang katawan namin na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam. Naamoy ko na rin ang mabango niyang amoy na ang sarap sa ilong.
Hindi na lang ako umimik. Saglit ko lang siyang nilingon, saka naglakad patungo sa main door. Inilabas ko ang susing dala ko at binuksan iyon. Diretso na akong pumasok sa sala, ibinaba ko ang backpack ko at pabagsak na umupo sa sofa. Sumandal ako roon at pumikit. Ilang saglit pa'y naramdaman ko si Zandy na dumating na rin.
"Go, take a rest, Miles I'll prepare food for us," marahang sabi niya. Nagmulat ako ng mata at nakita ko si Zandy na nakatayo. Inilagay niya doon ang maleta at backpack, saka tumalikod at naglakad patungo sa kitchen. Tiningnan ko na lang siya palayo.
—
MATAPOS kong ayusin ang mga gamit ko, saglit lang akong nagpahinga. Hindi rin ako makapagpahinga ng maayos dahil sa maraming isipin na gumugulo sa isip ko. Lumabas ako ng silid at bumaba ng sala. Naaamoy ko agad ang mabangong niluluto ni Zandy sa kusina.
"Wait the food, Miles it's almost done," sabi ni Zandy nang maramdaman niyang nandoon na ako sa likod niya. Bumaling ako sa lamesa at nakita ko roon ang mga pagkaing niluto ni Zandy na sa amoy pa lang ay nakakatakam na.
Ilang sandali pa'y natapos na ni Zandy ang pagluluto. Umupo ako sa lamesa habang naghahanda si Zandy ng inumin.
"Let's eat, alam kong gutom ka na," sambit ni Zandy at umupo sa katapat kong upuan. Seryoso lang ang mukha niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Ang gwapo pa rin niya kahit napakaseryoso ng mukha niya. Pakiramdam ko'y sa pagbabalik namin dito, magbabago na rin ang samahan namin ni Zandy. Nakaramdam ako ng lungkot.
"Pagkatapos mong kumain, magpahinga ka muna alam kong pagod ka," sambit pa ni Zandy.
"Thank you, Zandy," sabi ko at yumuko. Nagsimula akong kumuha ng pagkain. Ang sarap niyon tiningnan na para bang serving sa isang restaurant.
"Miles, can I ask a favor?" tanong niya.
Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "A-ano 'yon?"
"I want you to treat me as your husband, Miles. I want to be your husband, 'yong totoong asawa. After what had happened, I realized something," seryosong sambit niya habang nakatingin lang sa mga mata ko. Nangungusap ang mga iyon. "I realized what you really mean to me, Miles."
Nagsimulang magwala ang puso ko dahil sa mga sinabi ni Zandy. Pakiramdam ko'y tumigil ang paligid habang walang patid ang pagtitig namin sa isa't isa. Napalunok ako dahil sa mga labi niya na nagpapaalala sa akin ng mga halik ni Zandy.
Kumurap ako. Pinilit kong umiwas ng tingin sa kaniya. Gusto kong itrato siya bilang totoong asawa pero hindi ko alam kung paano. Mayroon pa ring takot sa puso ko pero sa kaibuturan niyo'y gusto kong maging totoo ang lahat sa amin.
"Gusto ko, Zandy. Gusto kong maging totoo ang lahat sa atin pero wala pang kasiguraduhan ang lahat. Hindi ko rin alam kung paano umaktong asawa mo at kung ano'ng dapat kong gawin to treat you bilang asawa ko na hindi pinagkasundo." Saglit akong huminto sa pagsasalita. "Susubukan ko, Zandy."
"Naiintindihan ko, Miles pero I want you to stay no matter what will happen, bumalik man ang nakaraan ko, please stay and trust me."
Natigilan ako at hindi agad nakaimik. Hindi ko alam ang isasagot ko pero sa loob ko'y gusto kong magtiwala sa kaniya.
Tumango ako. "Pagtitiwalaan kita, Zandy."
—
KINAUMAGAHAN, nagulat na lang ako nang biglang dumating sa bahay si Mama at Tita Mandy na tila excited na makita kami roon. Nagulat na lang ako nang bigla nila akong yakapin na animo'y may good news na ibabalita.
Umupo kami sa sofa. Nasa taas pa si Zandy. Nakita ko siya sa terrace kanina habang kaharap ang laptop niya.
"Kumusta, anak?" tanong agad ni Mama nang makaupo kami sa sofa.
"How was the vacation, hija?" segunda naman ni Tita Mandy. Nagkatinginan pa ang dalawa.
Naiilang akong ngumiti. Naalala ko ang nangyari sa amin ni Zandy at sigurado akong kung totoo man ang sinabi ni Zandy, alam ni Tita Mandy iyon. "We enjoyed the vacation, Tita," sagot ko.
"Nasaan si Zandy, anak?" Luminga pa si Mama sa paligid para hanapin si Zandy.
"He's—"
"Hi, Tita," putol ni Zandy sa sasabihin ko sana.Kapwa kami'y napalingon kay Zandy na kadarating lang. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Nagkatinginan na naman ang dalawang kaharap namin na parang may alam sa nangyari. Lalo akong nakaramdam ng hiya. Ni hindi ako makatingin sa kanila ng diretso.
"Bakit po kayo naparito?" seryosong tanong ni Zandy.
"Para kumustahin ang bakasyon ninyo. We prepared for this, hijo para mag-enjoy kayo together at para naman magkakilala pa kayo ng lubos," pakli ni Tita Mandy.
"Iyon lang ba talaga, Ma?" makahulugang balik ni Zandy.
Kumunot ang noo ni Tita Mandy. "Of course, hijo," agad na sabi niya.
"Tama si Mandy, hijo we want you to enjoy with each other para naman magkaroon kayo ng more time at mag-bonding," segunda naman ni Mama.
"'Ma, you don't need to do anything para lang magkalapit kami ni Miles. I'm into her, she's my wife already at ako na ang bahala. We're ok." Bakas sa mukha ni Zandy ang inis na para bang gusto niyang siya na ang bahala sa amin at hindi na nila kailangang makialam sa aming dalawa. "Hindi niyo na kailangang pakialaman ang buhay namin."
Imbis na mainis si Tita Mandy sa sagot ni Zandy, lumawak pa ang ngiti nito na parang natuwa pa. "Talaga, hijo? So, are we expecting a little Zandy or a little Miles?" masayang tanong pa nito.
Nanlaki ang mga mata ko. Napakunot naman ang noo ni Zandy habang hindi maikakaila ang excitement sa mukha ni Mama.
Agad akong umiling. "W-wala po, Tita," agad kong protesta. "We're ok pero wala pa po kami sa puntong iyon," paliwanag ko.
"I'll announce if we did it, Ma pero hindi pa kami ready for that. Huwag kayong magmadali to have a grandson," ani Zandy.
"Bakit hindi? Sabi mo, ok na kayo, 'di ba? I'm getting older, ganoon din ang Papa mo at ang parents ni Miles, we're excited to have a grandson habang malakas pa kami. Gusto rin naming alagaan ang magiging apo namin," giit ni Tita Mandy.
"Mandy's right, hijo and sorry if napi-pressure kayo sa gusto namin. Huwag kayong mag-alala, malaman lang namin na okay na kayo, we're happy. Hihintayin na lang namin ang susunod na mangyayari at ang little Zandy at little Miles na bobouin ninyo," segunda naman ni Mama.
Napasinghap si Zandy. Bumaling siya sa akin na seryoso lang ang mukha saka bumaling sa kaharap namin. "Naiintindihan ko, Tita pero this time, gusto ko kami muna ni Miles. Aayusin namin ang lahat ng kami lang."
Nanatili ang mga mata ko kay Zandy habang nagsisimula tumibok ng mabilis ang puso ko. Kitang-kita ko ang senseridad sa mukha niya.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...