Unexpected 60

1.1K 15 0
                                    

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang maliwanag na paligid. Napangiwi ako nang may maramdaman akong mahapdi sa parteng gitna ng hita ko. Kumunot ang noo ko. Agad akong nabahala nang maramdaman ko ang matigas na bisig na inuunanan ko at ang lalaking nakayakap sa akin.

Kumurap ako nang paulit-ulit. Lumunok ako ng laway habang sinasalakay ng kaba. No! Biglang bumalik ang lahat nang nangyari nang nagdaang gabi. Ang kakaibang pakiramdam ko, ang init at pagnanasa. Nanlaki ang mga mata ko at nasapo ang bibig ko, ng paulit-ulit na bumalik sa isip ko ang marubdob na halik ni Zandy sa akin at ang buong nangyari sa amin nang nangdaang gabi.

No! Hindi pwedeng mangyari ito. Bumaling ako sa nakayakap sa akin at nakita ko si Zandy na mahimbing na natutulog habang yakap ako. Lantad din ang malaki niyang katawan. Bahagya pa siyang gumalaw at umungol.

"Ano ba 'tong ginawa mo, Miles?" tanong ko sa isip ko. Ngayon ko lang napagtanto ang nangyari. Ibinigay ko ang sarili ko kay Zandy ng walang pag-aalinlangan. Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay ni Zandy na nakayakap sa akin pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa akin at bahagyang napaungol.

Napapikit ako ng mariin. Ano'ng gagawin ko? Wala akong mukhang maihaharap kay Zandy nito. Nakakahiya! Naging marupok ako dahil sa kakaibang nararamdaman kong iyon.

Muli akong gumalaw. Sinubukan ko uling alisin ang kamay ni Zandy sa katawan ko na nagawa ko naman. Dahan-dahan kong binalot ang kumot sa katawan ko. Umupo ako sa kama pero nang akmang tatayo na ako nang yakapin uli ako ni Zandy.

"Just stay here for a while, Miles," pabulong na sambit ni Zandy na hindi iminumulat ang mga mata. Bigla akong sinalakay ng kakaibang pakiramdam na parang may kung ano sa tiyan ko na nagwala roon kasunod ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Niyakap niya ako at hindi na gumalaw. "Ganito muna tayo kahit sandali lang."

Hindi ako nakagalaw. Ramdam ko ang katawan niya sa akin na naghahatid sa akin ng kakaibang pakiramdam. Hindi na lang ako gumalaw at hinayaan siyang yakapin ako. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang ligaya't sayang namumutawi sa puso ko dahil sa mga sinabi ni Zandy at sa ginagawa niya. Aminin ko man o hindi, para akong teenager na kinikilig. Nahihiya ako sa kaniya pero gusto ko rin na ganito kami.

Dahan-dahan akong humarap kay Zandy. Tumambad sa akin ang seryoso niyang mukha habang nakapikit pero alam kong gising siya. Naalala ko ang mga sinabi niya na pananagutan niya anumang mangyari at siya ang may responsibilidad sa nangyari sa amin.

Hindi ko naiwasang mapatitig sa kaniya at pagmasdan ang gwapo niyang mukha na hindi ko pagsasawaang tingnan. "Gusto ko 'yong ganito, Zandy na sa pagmulat ng mga mata ko, ikaw ang unang makikita ko," mahinang sabi ko, saka ngumiti.

Dahan-dahan iminulat ni Zandy ang mga mata niya at direktang tumingin sa akin, seryoso lang ang mukha niya. "Are you willing to see me everytime you open your eyes in the morning?" tanong niya.

Bahagyang sumilay ang gulat sa mukha ko. Hindi ako nakasagot. Handa na ba ako? Umiwas ako sa kaniya ng tingin dahil sa totoo lang natatakot pa rin akong masanay na palaging ganito kami ni Zandy dahil baka dumating ang puntong ma-realize ni Zandy na kailangan niya lang ako at hindi mahal.

Naramdaman ko ang pagluwag ng pagkakayakap ni Zandy sa akin. Umiwas siya sa akin ng tingin at umupo sa kama, saka tumayo. Nakita kong naglakad siya patungo sa kitchen na suot lang ang boxer. Uminom siya ng tubig doon.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil agad akong nakaramdam ng guilt dahil pakiramdam ko, nasaktan siya sa hindi ko pagsagot. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kumot na nakabalot sa katawan ko.

Mahal ko na si Zandy pero hindi pa ako handang ipaglaban iyon dahil sa takot na nararamdaman ko sa pwedeng mangyari. Masaya na ako sa ganitong set up naming dalawa.

-

WALANG ganang inimpake ko ang mga gamit na dala ko. Ang bigat ng pakiramdam ko lalo't hindi ako iniimikan ni Zandy dahil marahil sa nangyari kanina. Hindi ko rin magawang tumingin sa kaniya ng diretso dahil sa kahihiyan ko sa nangyari sa aming dalawa nang nagdaang gabi.

Nauna nang lumabas si Zandy sa Villa. Sumunod ako sa kaniya at bahagya akong nagulat nang makita ko siya sa labas ng pinto ng Villa na naghihintay sa akin. Walang imik na kinuha niya ang maleta ko at nauna nang naglakad. Napabuntong-hininga na lang ako at laylay ang balikat na sumunod sa kaniya.

"Thank you, Mr and Mrs, Saavedra!" ani Mila na bakas ang lungkot sa mukha habang nagpapalaam sa amin. "We will miss you!"

Ngumiti ako kay Mila habang abala si Zandy sa pag-aayos ng mga gamit namin sa sasakyan niya. "Salamat din, Mila sa pag-aalaga sa amin habang nasa Villa kami." Ngumiti ako. Nagpaalam din si Ted.

Matapos naming magpaalam sa mga staff ng resort, sumakay na rin kami ng sasakyan at pinatakbo na iyon ni Zandy. Tahimik lang siya at walang imik pero ramdam ko ang kakaibang nararamdaman niya.

Humugot ako ng lakas para magsalita. Alam kong may dapat akong sabihin sa kaniya kaya nararamdaman ko ang guilt na ito. "I-I'm sorry, Zandy," lakas-loob na sabi ko.

"For what?" malamig na tanong niya na hindi man lang ako nilingon.

"I'm sorry for always answering you a silence everytime na tinatanong mo ako sa bagay na iyon," malungkot kong sabi.

Saglit na tumahimik si Zandy. "Naiintindihan ko, Miles I just can't help but to feel mad kasi pakiramdam ko hindi pa rin ako sapat para pagkatiwalaan mo ng sarili mo," marahang sagot niya.

"Hindi naman sa ganoon, Zandy kaya lang hindi mo ako masisisi na matakot sa pwedeng mangyari. I have my past at ganoon ka rin. Sa totoo lang, I really appreciate your efforts, lahat ng ginagawa mo gusto ko 'yon pero hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko pa kayang ibigay ng buo ang sarili ko," paliwanag ko na puno ng emosyon. "I'm sorry, Zandy pero masaya na ako sa kung ano'ng mayroon tayo ngayon. I'm not ready pero pinipilit ko pa ring maging handa para sa 'yo."

Saglit akong tiningnan ni Zandy. "If that's what you want, then wala na akong magagawa. I'll give you a time to think," seryosong sambit niya.

Katahimikan muli ang namayani sa pagitan namin habang patuloy na umaandar ang sasakyan. Panaka-naka ko siyang tinatapunan ng tingin habang nakatutok lang siya sa kalsada.

"M-Miles," pagputol ni Zandy sa katahimikan. "About what happened last night, I'm sorry," paghingi niya ng paumanhin. "I know there's something happened."

Nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Naalala ko ang nangyari sa amin ni Zandy at nadala ako sa kakaibang nararamdaman kong iyon. Umiwas ako sa kaniya ng tingin. "Ano'ng ibig mong sabihing may nangyari?" curious kong tanong.

Suminghap si Zandy. "Alam kong naramdaman mo rin ang nararamdaman ko nang gabi iyon matapos nating kumain ng dinner. We felt the heat after the dinner." Saglit na tumahimik si Zandy. "But I won't regret what had happened between us, Miles," dagdag niya.

Napayuko ako nang bumaling siya sa akin. Nahihiya pa rin ako kay Zandy kapag naalala ko iyon. Kumunot ang noo ko at inisip ang nangyari bago ang gabi iyon. Matapos naming kumain, may iniabot na buko juice sa amin si Mila at ilang sandali pa, naramdaman ko na ang kakaibang init at kakaibang pakiramdam na iyon. Kaya pala ganoon na lang ang init na nararamdaman ko at ang pagnanasa ko kay Zandy nang gabing iyon.

Hindi agad ako umimik. "Ibig mo bang sabihin na may inilagay sila sa pagkain natin para maramdaman natin iyon?"

"I don't know what it was pero sigurado akong may nilagay sila sa pagkain o sa inumin para maramdaman natin ang init ng ating katawan. There's only one person I know na pwedeng gumawa nito...si Mama," seryosong sambit niya na hindi na nagtaka sa pangalang binanggit.

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Si Tita Mandy? Hindi na nakakapagtaka na siya ang may plano niyon dahil alam namin ni Zandy kung gaano niya kagustong magkatuluyan kami ni Zandy pero hindi ko pa rin maiwasang hindi magulat dahil sa ginawa nito. Hindi ko alam na aabot sa ganito at hindi ko rin alam ang mararamdaman ko pero sa sarili ko, hindi ko maramdaman ang pagsisisi dahil binigay ko ang pagkakabae ko kay Zandy.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon