Unexpected 12

1.5K 26 0
                                    

"HOY! Ok ka lang? Kanina ka pang tulala riyan? Simula nang bumalik ka galing sa kung saang lugar kasama ang Zandy na iyon, para kang na-engkanto. Ano bang nangyari?"

Napakurap ako at dahan-dahang humarap kay Andrea. Kanina pa akong hindi umiimik dahil hindi maalis sa isip ko ang ginawa ni Zandy sa akin sa bahay na iyon kung saan daw kami titira. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero kinabahan ako at nanghina ang tuhod ko nang naramdaman kong malapit na ang mukha niya sa akin. Akala ko nga'y mahihimatay uli ako at sana nga nangyari na lang iyon.

"Huwag mo akong hahamunin, Miles dahil kaya kong gawin ang inaakala mong hindi ko kaya." Hindi ko mabakasan ng pagbibiro sa boses niya. "I can kiss you if I wanted too, Miles. Hindi ako ang inaakala mo. Hindi mo pa ako kilala."

Napalunok ako nang makita nang malapitan ang makinis na mukha ni Zandy. Hindi ako makagalaw at wala rin akong lakas para itulak siya. Nakakulong ako ngayon sa mga bisig niya habang nakasandal ako sa matigas na pader.

"H-huwag mo-mong susubukan, Zandy," kinakabahan kong pigil sa kaniya.

"Bakit, kinakabahan ka ba, Miles? Are you affected?" nakangising hamon niya.

"B-bakit akong kakabahan? B-baka ikaw, kabahan kasi babae ako," balik ko sa kaniya. "Don't force yourself to do this, Zandy. Mandidiri ka lang," dagdag ko pa.

Muling ngumisi si Zandy. "Sinusubukan mo ba talaga ako, Miles? Sinong nagsabing hindi ko kayang gawin?" Mas lumapit pa ang mukha niya sa akin. Ramdam ko na ang hininga niya. Kita ko na rin ang paglunok niya dahil sa pagbaba't pagtaas ng adams apple niya.

Para akong babagsak dahil tila nawala ang lakas ko para pigilan si Zandy sa gusto niyang gawin. Seryoso ba siya? Sinalakay ako ng kaba ng mas lumapit pa ang mukha niya sa akin. Dahil sa tensyon, mariin akong napapikit ng hindi ko inaasahan.

"Akala ko ba hindi ka affected? Why you're trembling?"

Doon ako napamulat ng mata. Wala na si Zandy sa harap ko at nakita ko pa ang pagngiti niya. Bigla akong nagulat at nakaramdam ng hiya ng mapagtanto ko ang ginawa ko. No! Bakit ba ako pumikit na parang naghihintay na halikan niya? Yumuko ako. Hindi ko kayang tumingin kay Zandy.

"I'll do it next time, so prepare yourself."

"Huh? He kissed you?" gulat na bulalas ni Andrea nang ikuwento ko sa kaniya ang nangyari sa bahay na pinuntahan namin. Mabilis ko namang tinakpan ang bibig niya at lumingon sa mga katrabaho namin na tahimik na nagtatrabaho. Napalingon pa sila pero agad akong humingi ng paumanhin sa expression ng mukha ko.

"Ano ka ba, ang ingay mo! Hindi ako hinalikan ni Zandy, ok?" pagkaklaro ko sa kaniya. "He obviously just teasing me," dagdag ko pa.

"Eh, kung ganoon, bakit naman parang ang sama ng loob mo na hindi natuloy ang halik?" natatawang tanong ni Andrea.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Of course not, Andrea naiinis lang ako sa baklang iyon. For sure he was just doing that para sabihing hindi siya bakla," kongklusyon ko.

"Bakla nga ba si Zandy, Miles? Kasi ako, nagdududa ako na isang bakla ang katulad niya. He's obviously handsome, hunk and hot kaya parang ang hirap paniwalaang he's gay," sambit ni Andrea na parang natuwa pa at kinilig. "At kung totoo mang bakla siya at ayawan mo, sa akin na lang. Willing akong tanggapin kung sino siya. Ang gwapo niya kaya!" dagdag pa niya na may paghimas pa sa pisngi.

"Baliw! Basta gwapo talaga, eh, 'no gusto mo," diretso ko sa kaniya. Sumeryoso rin ako ng mukha. "Sigurado ako, Miles na bakla si Zandy. Kitang-kita ko noon, na kahalikan niya si Roven. Maybe he was just hiding it to anyone even to his parents and friends dahil siguro nahihiya siya dahil kilala ang pamilya nila," opinyon ko naman.

"Well, kung ano man ang totoo niyang kasarian, willing pa rin akong tanggapin siya kapag inayawan mo," natatawang ani uli ni Andrea na parang desido talaga sa sinabi.

"Baliw! Magtarabaho ka na nga ulit," pagtataboy ko sa kaniya. "Baka biglang pumasok si Sir Troy at masermunan ka pa."

"Ok, fine!" Sabay lumayo na sa akin si Andrea, pinaandar niya ang swivel chair patungo sa table niya. Napailing na lang ako at muling humarap sa monitor para muling magtrabaho.

SAPO ko ang balikat ko habang papasok sa loob ng bahay. Pakiramdam ko kasi, ngalay na ngalay ang balikat ko dahil sa maghapon na nakaupo at nakaharap sa monitor. Medyo, ginalaw ko pa ang leeg ko, pakanan at pakaliwa para kahit pa paano'y mabawasan ang ngalay niyon.

"Anak, come here nandito ang Tita Mandy mo."

Nagulat ako at napa-angat ng tingin kay mama nang tuluyan akong makapasok ng bahay. Nakita ko si Tita Mandy na nakaupo sa sofa. Ngumiti agad siya sa akin.

Naglakad ako at umupo sa bakanteng sofa. "Good evening po, Tita," magalang kong bati sa kaniya.

"Good evening din, hija. Kumusta ka?" tanong ni Tita Mandy.

"I'm good po, Tita medyo busy sa trabaho. Kayo po?" balik ko.

Simpleng ngumiti si Tita Mandy. Napakaganda niya kahit sabihing may edad na. Hindi niyon naitago ang simpleng gandang mayroon siya. Medyo hawig nga niya si Zandy, eh.

"I'm good hija, katulad mo busy sa business pero hindi ko naman pwedeng  hindi kumustahin ang daughter in law ko, 'di ba?" nakangiting ani Tita Mandy. "And also, I'm sorry dahil alam kong nahihirapan ka ngayon sa set up ninyo ni Zandy. Kaya napag-usapan na namin na pagsamahin na kayo sa iisang bahay para mas makilala niyo pa ang isa't isa at mas mapalapit kayo bilang mag-asawa. Naayos na rin naman ang bahay na titirhan ninyo at pinaglagyan na ng mga gamit," litanya ni Tita Mandy.

Hindi na ako nagulat sa narinig mula sa ina ni Zandy. Wala na talaga akong magagawa kung 'di pumayag  sa gusto nila na tumira kami ni Zandy sa iisang bahay kahit alam kong hindi naman kami magkakasundo ng baklang iyon kahit kailan.

"Hindi po ba masyadong madali?" tanong ko kay Tita Mandy. Nakaramdam ako ng hiya sa naging tanong ko.

"Nak, this is the right time para makilala mo si Zandy at makilala ka niya. Mahihirapan lang kayo sa ganitong set up," sabat naman Mama.

"Tama si Emma, hija mas makikilala ninyo ng anak ko ang isa't isa kapag magkasama kayo sa iisang bahay. But it doesn't mean na pinipilit namin kayong gawin ang mga bagay na hindi niyo pa kayang gawin. We don't force you, Miles maging si Zandy. Naiintindihan namin ang sitwasyon ninyo kaya nga we want you to live with him para makilala mo siya at ganoon din ang anak ko," pagsang-ayon naman ni Tita Mandy kay Mama.

Bahagya akong yumuko. Ano pa nga bang ikakatuwiran ko sa kanila? Kahit ano namang sabihin ko, sila pa rin ang masusunod. Nag-angat ako ng tingin sa kanila at tumango. "Sige po," pagpayag ko dahil wala naman akong magagawa pa.

Bumakas naman ang ngiti sa labi ng dalawang nasa harap ko dahil sa pagpayag ko na para bang gusto ko talaga ang gusto nila. Kung ibang lalaki siguro, baka gustuhin ko pa pero si Zandy ang makakasama ko sa iisang bahay. Ang umagaw sa boyfriend ko at naging dahilan kung bakit iniwan ako ni Roven.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon