HABANG abala ako sa pagtipa sa monitor ko, bahagya akong nagulat nang lumapit sa akin si Melissa at Andrea. Napakunot ang noo ko.
"Hindi ba kayo busy?" tanong ko dahil para bang wala silang ginagawa at may oras pang makipagkwentuhan sa akin.
"Alam mo bang nag-effort si Zandy na sunduin ka sa bar nang nagdaang gabi?" agad na sabi ni Melissa. "Nagtataka lang ako kung bakit parang sobrang concern niya sa 'yo that time," mahinang aniya.
Kumunot ang noo ko. So, si Zandy pala ang nag-uwi sa akin nang nagdaang gabi. Hindi ko alam pero may kung anong lumitaw sa loob ko dahil sa narinig ko.
"May nararamdaman akong kakaiba kay Zandy ng gabing iyon. Sobrang nag-aalala siya sa iyo na para bang tunay na asawa," segunda naman ni Andrea.
Nagkunyari akong hindi apektado sa sinasabi nila. Humarap muli ako sa monitor at nagsimulang magtipa. "Ano ba kayo, he was just concerned kasi nga magkasama kami sa iisang bubong and if something happen to me, malalagot siya sa pamilya ko. Katulad no'ng ginawa niya sa akin sa studio," paliwanag ko.
"I disagree, Miles alam kong buo ang puso niya no'ng iligtas ka niya sa studio," protesta agad ni Melissa. "Hindi niya gagawin 'yon kung wala siyang pakialam sa 'yo," dagdag pa nito.
"Melissa's right, Miles hindi magbubuwis ng buhay si Zandy just because takot siya sa pamilya mo if something happen to you," patuloy ni Andrea. "Ginawa niya 'yon for you, kasi kahit pa paano, concerned 'yong tao sa iyo."
Hinarap ko silang dalawa. "Wait, nga! Bakit ba pinag-uusapan natin si Zandy, huh? Iniisip niyo bang gusto niya ako dahil sa ginagawa niya sa akin?" Bumuntong-hininga ako at umiling. "Malabong mangyari iyon, mas malabo pa sa adobong pusit," seryoso kong sabi.
Nagkatinginan ang dalawang katabi ko. "Grabi naman sa labo niyon, Miles hindi ba pwedeng blurred lang?" sambit ni Melissa.
"Basta! Hindi iyon mangyayari, ok?" patuloy na pagtutol ko.
"Ano'ng hindi mangyayari ang pinag-uusapan ni'yo?"
Lahat kami'y napatingin kay Chad na kararating lang mula sa opisina ni Sir Troy, pinatawag kasi ito para sa layout ng magazine design.
"Hindi ka kasali sa usapan, Chad so stop asking," masungit na sabi agad ni Melissa.
Ngumuso si Chad at umupo sa upuan, sa harap ng table nito. "Ok, fine," aniya. "By the way, nakita ni'yo na ba 'yong magandang babae na nasa building? She's one of those model from Paris na ipi-feature ng magazine. Grabi! Napaka-hot at napaka-sexy niya. She's so prescious and stunning," puno ng papuring sabi ni Chad na bakas ang pagnanasa sa sinabisabi nitong babae.
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay ni Melissa. Kulang na lang umusok ang tainga nito. "Eh, 'di doon ka na sa model na 'yon. Palibhasa, nabubuhay ka na lang sa pagpapantasya ng magaganda't sexy na babae," inis na sambit nito. "Do you think mapapansin ka ng isang model from Paris?"
"Ouch! Grabi ka naman sa akin, Melissa ano'ng tingin mo sa akin, ikaw lang nakakapansin? Oy! For your information, I have an ex-girlfriend na isang fashion model," pagyayabang nito, na siya namang totoo. Narinig na rin kasi namin ang balitang iyon.
"At sino'ng nagsabing, napapansin kita?" balik ni Melissa.
"Eh, bakit galit ka? Nagseselos ka, 'no? Gusto mo ikaw sabihan ko ng maganda, sexy at hot," natatawang saad ni Chad.
Napasinghap si Melissa habang nagmamasid lang kami ni Andrea sa dalawang nag-aaway sa harap namin. Napapailing na lang kami.
"Yuck! Madiri ka naman sa sinasabi mo, Chad. Why would I feel jealous? You're not my type. You're aint handsome," direktang wika ni Melissa.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
عاطفيةSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...