"THANK YOU, Ton for coming," seryosong sabi ko nang dumating siya sa sinabi kong restaurant kung saan kami magkikita. Kinuha ko ang number niya kay Zandy at tinawagan siya para kausapin tungkol sa restaurant na itatayo nila ni Zandy.
Katulad nang sinabi ko kay Zandy, gusto ko siyang tulungan sa kaya kong gawin. Hindi ko rin alam ang maitutulong ko pero susubukan ko para matupad ang matagal na niyang pangarap at gusto kong kasama niya ako sa tagumpay na iyon.
Ngumiti si Ton sa akin, saka umupo sa katapat na upuan kung saan ako nakaupo. "I didn't expect you to call me, Miles. So, ano'ng pag-uusapan natin?" direktang tanong ni Ton. "Hindi naman siguro tungkol sa iniisip mong relasyon namin ni Zandy, 'di ba?" Tumawa pa ito at saglit na napayuko.
Bigla akong nakaramdam ng hiya at pagkailang dahil sa huling sinabi ni Ton. Nahiya ako dahil pinag-isipan ko si Ton at Zandy ng ganoong mga bagay. Hindi rin naman kasi nagpaliwanag si Zandy noon.
Alangan akong ngumiti at nahihiyang tiningnan si Ton. "I'm sorry... I'm sorry, Ton kung pinag-isipan kita ng masama." Umiwas ako sa kaniya ng tingin dahil sa hiyang nararamdaman ko.
Ngumiti si Ton at bahagya pang napakiling. "No, it's ok, Miles. Hindi kita masisisi kung pinag-isipan mo kami ni Zandy ng ganoong bahay dahil at first naman, gusto rin ni Zandy na isipin mo iyon. But now, look, hindi ko inaasahan na sasabihin sa akin ng mokong na iyon na mahal ka na niya at handang totohanin ang lahat sa inyo." Bumukas ang saya sa mukha ni Ton, napailing pa siya.
Lalo akong nahiyang tumingin kay Ton dahil alam na rin pala nito ang relasyon namin ni Zandy.
"But don't worry, Miles suportado ko si Zandy sa desisyon niya at nandito lang ako para sa inyong dalawa. The fact is, I'm happy for both of you, specially for Zandy. Sa wakas pinalaya na niya ang sarili sa nakaraan, sa paghihintay sa taong iniwan siya. Natuto ulit siyang magmahal at nagkaroon ng lakas para ipagpatuloy ang gusto niyang gawin and all of those is because of you, Miles." Kaswal na ngumiti si Ton na bakas doon ang paghanga at pagsuporta.
Ngumiti ako. Utay-utay nawala ang pagkailang at hiya ko dahil ramdam ko ang pagiging malapit ni Ton kay Zandy na tila ba ganoon din ito sa akin. Masaya ako para kay Zandy dahil mayroon siyang tunay na kaibigan na handang tumulong at sumuporta sa kaniya.
"Thank you, Ton. Salamat dahil nandiyan ka para kay Zandy. Thank you!" puno ng appreciation na sambit ko.
Hindi agad umimik si Ton, tiningnan lang niya ako na seryoso ang mukha. "I saw in your eyes how much you love Zandy, Miles and I'm happy," pagtatapat niya.
Ngumiti ako at umiwas sa kaniya ng tingin. "Hindi naman kasi mahirap mahalin si Zandy, Ton. Kung ikaw nga minahal mo siya bilang kaibigan, 'di ba?" wika ko. Nakita kong tumango-tango naman si Ton. "Tama na nga 'tong usapan na 'to, let's order foods dahil gutom na rin ako," natatawa kong pagbabago sa usapan.
Natawa rin si Ton. Bumaling ako sa waitress at um-order ng pagkain namin ni Ton habang nag-uusap kami tungkol sa restaurant.
"By the way, bakit mo nga ba ako gustong makausap, Miles?" kapagkuwa'y tanong ni Ton nang nagsisimula na kaming kumain.
Bumaling ako sa kaniya at huminto sa pagkain. "I asked you to talk para mag-offer ng tulong sa pag-aasikaso ng restaurant na itatayo ninyo ni Zandy," pagtatapat ko sa kaniya.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ton habang nakatingin lang sa akin. "You mean, tutulong ka sa pagbubukas ng restaurant?" paglilinaw ni Ton.
Tumango ako. "Alam nating pareho na hindi magagawa ni Zandy na tumulong pa sa pagbubukas ng restaurant dahil nasa kompanya siya ng kaniyang pamilya. I don't want him to feel sad, ayaw kong isuko niya ang restaurant. Ayaw kong isipin niyang hindi na niya maitatayo ang restaurant dahil sa kompanya ng pamilya niya kaya gusto kong tumulong. Hindi ko alam ang maitutulong ko pero gusto ko pa ring tumulong," seryoso kong sambit kay Ton.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...