MATAPOS ang kasal na iyon o tama ko sigurong sabihing kasal-kasalan, nagbago na ang lahat. Ang tahimik kong mundo, nagulo. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ang bigat ng bawat galaw ng katawan ko. Pakiramdam ko nawawalan ako ng gana sa lahat ng bagay dahil sa frustration ko sa nangyayari at sa hindi mawala sa isip ko ang pwedeng mangyari sa amin ni Zandy. Iniisip ko pa lang na magsasama kami sa iisang bubong, nababaliw na ako.
Nagkaroon lang ng konting salo-salo ang ilan sa mga bisita nila Mama at ng pamilya Saavedra na hindi ko nadaluhan dahil nga nawalan ako ng malay dahil sa pagod at puyat na pinagpasalamat ko na rin dahil hindi ko na kailangang humarap sa mga tao at magpanggap.
Napabuntong-hininga ako matapos kong magbihis. Natapos na ang leave ko at simula na muli ng trabaho pero sa totoo lang wala akong ganang magtrabaho. Gusto ko sana munang magliwaliw at kahit pa paano mapanatag ang utak ko at mawala ang lahat lahat ng nasa isip ko na nakakapagpa-stress sa akin.
Laking pasasalamat ko naman dahil kahit kasal na kami ni Zandy, hindi pa rin kami pinilit ng mga magulang namin na magsama sa iisang silid katulad ng ginagawa ng mga bagong kasal na nagmamahalan. Well, hindi naman kasi kami nagmamahalan ni Zandy.
Dumako ang paningin ko sa susing ibinigay sa akin ni tita Mandy, susi raw iyon sa bahay na binili nila para tirhan namin. Pinag-iisipan ko pa kung papayag ako roon dahil baka hindi lang kami magkasundo ni Zandy kung titira kaming magkasama.
Inayos ko muli ang suot ko at lumabas na ng silid bitbit ang shoulder bag ko. Nadatnan ko sina Mama at Papa sa silid pero mas nagulat ako nang makita ko roon si Zandy na kausap silang dalawa. Seryoso lang sila na animo'y may pinag-uusapang mahalagang bagay.
"Oh, nandiyan ka na pala, 'nak. Papasok ka na?" ani Mama nang mapansin niya akong nakatayo roon.
Sumeryoso ako ng mukha. "Opo, 'Ma. Sige po, aalis na po ako," paalam ko. Lumapit pa ako at hinalikan si Mama at Papa.
"Aalis kang mag-isa, 'nak? Zandy's here to pick you up," anunsiyo naman ni Papa.
"I have my own car, 'Pa kaya hindi na ako kailangang ihatid ni Zandy," diretso kong sambit. Ayaw kong mas masira ang araw ko dahil sa inis ko sa kaniya.
"Nagmamagandang loob lang sa 'yo ang asawa mo, 'nak," nangingiti namang ani Mama na akala mo'y totoo ang lahat para sa amin.
Gusto kong masuka sa narinig ko. Asawa? Hindi ko iyon tanggap. Kinasal man kami kahapon pero para sa akin hindi kami kasal at higit lalo hindi kami mag-asawa.
"'Ma, I don't want to argue with you again, male-late na ako," kunot ang noo kong sabi para hindi na sila makipatalo pa sa akin. "Baka ma-late ako sa trabaho. Don't worry, I can handle myself at hindi ko kailangan ng driver. Matagal na akong pumapasok sa trabaho ng ako lang," sambit ko pa na bahagyang tiningnan si Zandy para iparinig talaga iyon sa kaniya.
Tumalikod na ako sa kanila at naglakad palabas ng bahay. Sigurado akong inutusan na naman si Zandy ni tita at tito para sunduin ako. Napasinghap na lang ako at napasimangot.
Nang marating ko ang sasakyan ko, kinuha ko sa ang susi niyon sa shoulder bag na suot ko at nang akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan, may humawak sa kamay ko para pigilan iyon. Bumakas ang gulat sa mukha ko.
"I'll drive for you," seryosong sabi ni Zandy. Napatulala ako dahil sa ginawa niya pero agad din akong nakabawi.
"No! Marunong ako mag-drive, ok? Hindi kita kailangan to drive my car," giit ko.
"I know, but I insist," aniya. Nagulat na lang ako nang kunin niya ang susi sa kamay ko. Wala na akong nagawa nang buksan niya ang sasakyan at pumasok sa driver's seat.
Napaismid ako at napairap dahil sa kapangahasan ni Zandy. Ano bang nasa isip niya? Nababaliw na ba siya?
"Can you please get out in my car? Zandy, wala akong oras makipaglaro, ok? May trabaho ako at male-late na ako," bulyaw ko na bakas ang inis sa mukha at boses.
"Iyon naman pala, eh, may trabaho ka at male-late ka na, why don't you just get in," giit naman niya.
Mariin akong napapikit at napasuklay sa buhok ko. Gusto kong sapakin ang nasa harap ko para matauhan siya. "Ipinanganak ka bang matigas ang ulo at hindi marunong umintindi? I said, I don't need a driver kasi kaya kong magmaneho!" Mataas na ang boses ko dahil sa inis sa kaniya.
Ngumiti si Zandy ng bahagya pero lumabas na ang taglay niyang kagwapuhan. "Naiintindihan ko, Miles kaya nga ihahatid na kita, para hindi ka ma-late."
"Nag-aasar ka ba, Zandy? Pwes! You won! Naasar ako! Ano, masaya ka na? Get out!"
"Yes, nang-aasar ako, Miles. Gusto kong maasar ka pero dahil mabait ako, I'll gonna drive your car," sabay sambit niya. Tumingin siya sa wristwatch na suot, saka nag-angat ng tingin sa akin. "Male-late ka kung hindi ka pa sasakay."
Napabuga ako ng hangin dahil sa sobrang inis. Gusto ko siyang sapakin pero alam kong walang sense kung gagawin ko 'yon. Muli kong naisuklay ang daliri ko sa medyo kulot kong buhok. Napaismid pa ako.
Matalim ang matang tiningnan ko si Zandy na parang hindi apektado sa akin at parang natutuwa pang makita akong naaasar at naiinis sa kaniya. "Haist!"
Padabog kong binuksan ang pinto sa passenger seat at inis na pumasok doon. Halos masira pa ang pinto ng sasakyan ng isara ko iyon na naging dahilan ng malakas na lagabog niyon. Humalukipkip ako habang matalim pa rin na nakatingin kay Zandy.
Tumahimik na lang ako dahil sa inis ko. Na-realize ko rin na walang patutunguhan kung makikipagtalo pa ako sa kaniya. Male-late lang ako sa trabaho at mapapagalitan ng mga seniors at head ng department.
Naramdaman kong umandar na ang sasakyan. Sumandal na lang ako at pumikit habang nagngingitngit ang kalooban ko dahil sa inis ko kay Zandy.
"It's Life changing experience." Nang marinig ko iyon, nagmulat ako ng mga mata at tiningnan siya ng seryoso. Ano bang tinutukoy ng baklang ito? "I didn't expect it to happened at alam kong ganoon ka rin. Sa isang iglap kinasal tayong dalawa dahil sa mga magulang natin," paliwanag niya.
"Ano'ng gusto mong sabihin?"
"I just can't believe this is happening. Asawa na kita ngayon, ang ex boyfriend ni Roven," sagot niya.
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya at agad kong naramdaman ang inis at galit. "Proud ka? Masaya ka na inagaw mo ang boyfriend ko at ngayon asawa mo na ang dating ex boyfriend ni Roven?" Napasinghap ako sa inis.
"Sa tingin mo ganoon ako kababaw, Miles? I'm not that kind of people, hindi mo lang alam ang katotohanan," makahulugang aniya.
"Ano'ng katotohanan ang sinasabi mo? Ang alam ko lang nakita kitang kahalikan ni Roven nang araw na iyon. It was an evidence that you stole my ex-boyfriend," giit ko.
"Fine, believe what you want to believe. Sa tingin ko naman hindi ako ang dapat magpaliwanag ng bagay na iyon," seryosong aniya.
Hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Zandy na animo'y may alam siya na hindi ko nalalaman. Kumunot ang noo ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?"
"Never mind."
Nanatili ang curiosity sa isip ko dahil sa sinabi niya na hindi ko maunawaan. Sinong magsasabi ng anong bagay? Lalo lamang kumunot ang noo ko pero mas pinili kong huwag na lang magtanong sa kaniya at manahimik na lang.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...