Unexpected 82

679 7 1
                                    

ILANG araw na akong nasa loob lang ng bahay dahil hindi pa rin ako pinapayagan ng pamilya ko at pamilya ni Zandy na bumalik sa publication. Kailangan ko raw muna magpahinga ng mabuti para sa bata bago ako bumalik sa trabaho. Iyon din naman ang payo ng doctor sa akin kaya wala akong ibang choice kung 'di ang sundin sila para na rin sa kaligtasan ko at ng bata.

Araw-araw dumadalaw si Tita Mandy at Tito Andrew sa bahay para kamustahin ang kalagayan ko. Palagi rin silang may dalang mga pagkain at iba pang pangangailangan ko. Nakikita ko ang labis na galak at excitement nila para sa magiging apo nila.

Bumuntong-hininga ako habang nakatayo at nakahalukipkip sa tapat ng bintana ng silid ko at pinagmamasdan ang maaliwas na paligid. Pahapon na rin kaya makikita ang paglubog ng araw mula roon.

Ilang araw ko nang hindi nakikita si Zandy at aminin ko man o hindi, labis akong nananabik sa kaniya. Pakiramdam ko, isang buwan na kaming malayo sa isa't isa. Gusto ko siyang yakapin at halikan pero alam kong sa pagkakataong ito, hindi ko iyon magagawa. Araw-araw akong umaasa na isang araw makikita ko siya sa harap ko pero mukhang nagsawa na siya sa akin o sinusunod lang niya ang hinihingi kong space para sa aming dalawa.

Marahil tama nga ang desisyon ko na bigyan ng space ang sarili namin dahil sa konting panahon na magkahiwalay kami, marami bagay ang na-realize ko. Mahal ko si Zandy at alam kong hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko pero sa kabila niyon, naisip kong hindi pa namin ganoon kakilala ang isa't isa dahil sa maikling panahon pa lang na pagkakakilala namin. Sa maikling panahon iyong, natutunan kong mahalin siya.

Niyakap ko pa ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin. Bahagya ko pa hinimas ang mga braso ko. Saglit akong yumuko at saktong nakarinig ako ng katok mula sa pinto at narinig ko ang boses ni Mama. Bumukas iyon at iniluwa siya.

"May naghahanap sa iyo, 'nak," bungad ni Mama.

Hinarap ko siya na nagtataka. Pinilit kong iwaksi ang kaninang iniisip ko baka kasi mahalata ni Mama ang lungkot sa mga mata ko. Palagi kasi niyang sinasabi, huwag akong malungkot dahil nalulungkot din daw ang bata sa sinapupunan ko. Dapat daw palagi akong masaya. Pinipilit ko kahit alam ko sa sarili kong hindi ako tuluyang sasaya kung wala si Zandy sa buhay ko.

Bigla akong kinabahan. Kumunot ang noo ko. "Naghahanap?"

Tumango si Mama. Ngumiti rin siya sa huli. "He's handsome and hot, anak pero mukhang kaibigan daw siya ni Zandy. Ang pakilala niya..." saglit na nag-isip si Mama, "tama! Ton daw ang pangalan niya," ani Mama.

Ton? Bigla kong naalala ang huling pag-uusap namin ni Ton. Naalala ko rin ang restaurant na malapit nang magbukas para sa katuparan ng pangarap ni Zandy. "Where is he, 'Ma?" tanong ko.

Sumeryoso ang mukha ni Mama. "Nasa sala, 'nak," ani Mama. "Ano, papauwiin ko na ba siya?"

Umiling ako. "No, 'Ma, kakausapin ko siya," sabi ko. Umiwas ako kay Mama ng tingin at naglakad palabas ng silid ko.

Nadatnan ko sa sala si Ton na tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Wala roon si Papa dahil nasa kwarto niya ito para magpahinga.

"Ton," banggit ko sa pangalan niya. Agad siyang humarap sa akin at ngumiti. 

Masayang lumapit ako sa kaniya, saka umupo sa katapat niyang sofa. "I'm sorry for the abala, Miles," paghingi ng paumanhin ni Ton.

"No, it's ok, Ton I'm fine. Kaya ko na." Pilit akong ngumiti. Saglit na katahimikan ang namayani.

"I'll prepare drinks and food para sa inyong dalawa," basag ni Mama sa katahimikan. Nakangiti siya habang nakatingin sa amin bago tumalikod patungo sa kusina.

Halata ang tila pagkailang kay Ton. Animo'y may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa. "I heard about what had happened, Miles kaya pumarito ako to ask you if you are still willing to help Zandy for his restaurant?" seryosong tanong ni Ton. Bakas din ang lungkot sa boses niya. "I know, it's to early to ask dahil sa kalagayan mo, I mean dahil sa nangyari, kailangan kitang tanungin dahil next week na ang opening ng restaurant and it can't be extended," paliwanag ni Ton.

Hindi agad ako nakaimik. Saglit akong yumuko para itago ang nararamdaman at lungkot sa mukha ko. "Yeah! May hindi magandang nangyari sa pagitan namin ni Zandy pero it doesn't mean na hindi ko na siya susuportahan sa pangarap niya. Asawa niya pa rin ako, Ton. I'm still willing to help him para makuha niya ang gusto niya," sagot ko.

Alam kong nagalit ako kay Zandy. Maraming nangyari sa pagitan namin pero hindi ibig sabihin na bibitawan ko na rin ang pangarap niya. Gusto ko pa ring matupad at tuparin iyon para kay Zandy.

Tumango si Ton, seryoso pa rin ang mukha. "Thank you, Miles for your help despite what happened. Narinig ko lahat ng nangyari. Nakausap ko na rin si Zandy tungkol doon. He's disappointed with himself. Galit siya sa sarili niya sa nangyari. He's devastated. Alam ko, Miles I'm just his friends at wala ako sa lugar na sabihin ang mga bagay na ito, pero nakikita ko, nararamdaman ko kung gaano ka kamahal ni Zandy. He can't afford to lose you. Mahal ka niya kasi ikaw si Miles, ang babaeng unexpected na dumating sa buhay niya. I witnessed all his pain and struggles sa buhay, Miles maging ang matinding brokenhearted moment niya with Beverly, nasaksihan ko." Saglit siyang huminto sa pagsasalita.

"Pero this time, ibang Zandy na nasasaktan ang nakita ko. He always drunk. Halos araw-araw siyang naglalasing at hindi na niya maalagaan ang sarili niya. He give up his game project in his family company and gave it to other dahil simula ng mawala ka, hindi na siya pumapasok sa trabaho. He's totally wasted. Alam kong mahal mo pa rin ang asawa mo at nasaktan ka sa nangyari, pero Miles, alam ko ring alam mo na hindi ka niloku ni Zandy. Mahal ka ng asawa mo." Nakikita ko ang simpatiya ni Ton sa kaibigan at ang lungkot nito para kay Zandy.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa mga narinig ko mula kay Ton. Bumakas ang lungkot at labis na pag-aalala ko para kay Zandy. Lalong sumiklab ang pananabik ko na makita siya at para alagaan.

Bahagya akong yumuko. "Tama ka, Ton, mahal ko pa rin si Zandy kahit nasaktan ako. Tama ka rin dahil alam kong hindi niya ako niloku pero may bagay siyang ginawa na nasaktan ako. Sa totoo lang, hindi naman ako sumuko, eh, binigyan ko lang ng oras ang mga sarili namin to breathe and think. Hindi ko isusuko ang pagmamahal ko kay Zandy at hinihintay ko lang ang oras. Ang tamang oras para sa aming dalawa." 

Sa totoo lang, hinihintay ko lang ulit si Zandy na dumating para sabihing mahal niya ako. Hinihintay ko lang siya pero bakit hindi siya dumarating?

"Naiintindihan kita, Miles. Valid ang nararamdaman mo dahil alam kong may kasalanan din si Zandy at aminado siya sa mga nangyari." Simpleng ngumiti si Ton. "Sana bigyan mo ng pagkakataon si Zandy na muling patunayan ang nararamdaman niya para sa iyo."

Tiningnan ko lang si Ton ng seryoso. Hindi ako nakaimik dahil wala na akong makuhang salita na ibabalik sa kaniya. Okupado na ni Zandy ang buo kong sistema. Nag-aalala ako sa kalagayan niya at nagtataka kung bakit hindi siya dumarating para sabihing mahal niya ako.

"Sorry, natagalan ang pagkain. Hijo, anak, mag-merinda muna kayo." Kapwa kami napatingin kay Mama na may hawak na pagkain. Sandwich at juice iyon. Inilapag niya iyon sa lamesa.

Ngumiti si Ton kay Mama. "Salamat po, Tita," magiliw na aniya habang seryoso lang ako at iniisip si Zandy.

Hihintayin kita sa Zandy.

Her Unexpected Marriage [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon