HINDI PA rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Tita Mandy sa akin tungkol kay Zandy hanggang sa huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Ginugulo niyon ang utak ko sa kasalukuyang pagkakakilala ko kay Zandy. Introvert daw ito pero bakit ganoon niya ako tratuhin?
Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ba na iniwan si Zandy ng girlfriend nito para sa ibang lalaki. O baka naman iyon ang naging dahilan para maging bakla siya, dahil sa matinding pagkabigo niyo sa babae. Kung ano-ano nang tumatakbo sa isip ko tungkol kay Zandy at bakit ko nga ba iniisip ang lalaking iyon? Galit nga pala ako sa kaniya.
Bumaba ako ng sasakyan kasunod si Tita Mandy at tumambad sa akin ang isang malaking bahay. Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang bahay nila Zandy. Napakaliwanag ng paligid dahil sa ilaw na nagkalat sa labas, napakataas ng gate na pinasukan namin kanina na ngayon ko lang nakita. Kulay cream ang kabuuan ng bahay na halos tingalain ko sa taas niyon.
"Let's go, Miles," aya ni Tita Mandy. Nauna na siyang naglakad at sumunod ako. Hindi ko maiwasang mamangha sa bahay na iyon. Kakaiba ang disenyo niyon. Napakalaki din ng main door ng bahay. Pumasok kami roon at mas namangha ako sa loob nyon. Inilibot ko ang aking paningin at puro mamahaling gamit ang nakikita ko. May chandelier sa gitna ng sala at sa gawing kanan, nandoon ang hagdan patungo sa taas. Sa gawing kaliwa naman ang kitchen at may ilang kwarto doon. "Welcome to our house, hija," masaya pagbati ni Tita Mandy sa akin at hinawakan niya ang kamay ko at iginiya patungo sa kitchen.
Agad kong nakita roon si Tito Andrew at si Zandy na tahimik lang. Naagaw ko ang atensyon nila pero agad ding uniwas si Zandy habang magiliw na ngumiti si Tito Andrew.
"Finally you're here, Miles welcome to our home," bati ni Tito Andrew. "I'm glad you're here."
Ngumiti ako. "Salamat po, Tito for inviting me here," balik ko.
"Oh, siya, tara na hija." Iginiya ako ni Tita sa upuan, katabi ni Zandy na tahimik lang. Panaka-naka ko pa siyang tinitingnan.
"Zandy, hindi mo man lang ba babatiin ang asawa mo? She's here," pukaw ni Tita Mandy kay Zandy.
Nag-angat ito nang tingin. "Why should I, 'Ma I'm sure she was just force herself to come here," he said with his cold voice.
Kumunot ang noo ko habang nagtaka naman ang mag-asawa sa sinabi ni Zandy.
"Anak, can you just be kind to Miles? Kasal na kayo at dapat you're trying to get along to her," ani Tito Andrew.
"Para saan pa, 'Pa? Hindi rin naman magtatagal ang kasal na ito," seryosong sabi ni Zandy. "Huwag po kayong umaasang matutulad kami sa story ninyo dahil darating ang oras na mapapagod kaming intindihin ang bawat isa at we will look for our own happiness at hindi iyon sa isa't isa," dagdag pa niya. "We didn't want this wedding, you decided it for us kaya huwag kayong mag-expect that it would be the way you want it to be."
Bigla akong kinabahan dahil sa tensyong nararamdaman ko sa pagitan ni Zandy at Tito Andrew. Nakita ko rin ang pagliit ng mata ni Tito at ang pagsalubong ng mga kilay.
"What you're trying to say, Zandy? Sinusumbatan mo ba kami sa ginawa namin sa iyo? At para ipamukha sa aming mali kami na ipinakasal ka namin, you're gonna treat Miles like she's the one who should blame for this. Come on, Zandy be mature enough," seryosong sambit ni Tito Andrew na bakas doon ang galit. "Huwag kang umasang babalik pa si Beverly o you're just doing this para magrebelde dahil ayaw mong pasukin ang sarili nating negosyo?"
Lalong nabuo ang tensyon sa pagitan ng mag-ama. So, totoo nga na ayaw ni Zandy na pumasok sa negosyo ng ama. Ano naman ang dahilan niya? Nakita ko pang hinawakan ni Tita Mandy ang kamay ni Tito Andrew para pakalmahin ito habang mas lalong sumeryoso ang mukha ni Zandy at may emosyon doon na nagpabuhay sa simpatiya ko sa kaniya. May lungkot at sakit.
"Bakit kailangan madamay si Beverly sa usapang ito? She's not involved in this issue," galit na balik ni Zandy.
"Tumigil na kayong dalawa, please! This is not the right time to argue, nasa harap tayo ng pagkain and besides hindi ba kayo nahihiya kay Miles? I invited her for a dinner hindi para maging-audience niyo sa pagtatalo," saway ni Tita Mandy na bakas ang lungkot. Bumaling pa siya akin. "I'm sorry, Miles."
Ngumiti ako para i-assure na ok lang ako kahit pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sila nagtalo. Nagi-guilty tuloy ako. Hindi ko rin alam pero bakit nararamdaman ko si Zandy sa oras na ito? Nararamdaman ko ang hinaing niya. I felt his pain.
Narinig ko ang buntong hininga ni Zandy at bahagya ko siyang tiningnan. Kita ko sa mukha niya ang frustration at disappointment. "Siguro po, Tita kumain na po tayo. Medyo gutom na rin po kasi ako, eh. Mukhang masarap din ang pagkain. You cooked all of this, Tita?" tanong ko kahit kinakabahan ako sa magiging reaction ni Zandy sa mga sinabi ko. Gusto kong subukang bawasan ang tensyon sa pagitan ng mag-ama.
"You're right, hija kumain na tayo dahil lumalamig na ang pagkain," segunda naman ni Tita Mandy. "And yes, I cooked all of this for you, hija kaya kumain ka lang nang kumain."
Kumuha ako ng masasarap na pagkaing nasa hapag. Amoy pa lang niyon kumakalam na ang sikmura ko. Pinilit kong kumain kahit sa totoo lang wala akong gana.
"Tito, kumusta po pala kayo?" baling ko kay Tito Andrew matapos kong lunukin ang pagkaing nasa bibig ko.
Nag-angat ito ng tingin sa akin. "I'm fine, hija ikaw, kumusta ka?" balik nito na kita kong pilit kinakalma ang sarili mula sa galit sa anak.
Ngumiti ako. "Ok naman, Tito medyo busy sa work pero I still manage to have some time with my family," sagot ko.
"You're a journalist in a magazine company, right?" tanong naman ni Tita Mandy.
Tumango ako. "I've been in this field for five years. It's a quite stressful but somehow happy since I face some different person and different life story na talaga namang nakaka-inspire," masaya kong sambit na siyang totoo.
"Lahat naman ng klaseng trabaho, sometimes stressful and sometimes happy but the good thing is you still trying to make some time with your family, it's a big thing, hija," komento naman ni Tito Andrew.
"By the way, hija hindi ba't next week na kayo lilipat ni Zandy sa bahay?" pagbabago ni Tita Mandy sa usapan.
Biglang sumeryoso ang mukha ko dahil doon. Hindi ko alam ang ire-react ko kaya ngumiti na lang ako kahit hindi iyon umabot sa mga tainga ko. Tumango pa ako. "Yes po, Tita," pakli ko.
"That's good, na-ready na rin namin ang bahay so don't worry about some furniture stuff there. Mga personal things mo na lang ang dalhin mo, we fully prepared the house," masayang balita ni Tita Mandy.
"Salamat po, Tita," sabi ko at saka muling bumaling sa pagkain. Bahagya kong binalingan si Zandy, tahimik lang siya habang panaka-nakang kumakain na halatang napipilitan lang. Kanina ko pang nararamdaman ang galit niya at tila mag-wu-walk out na nga siya pero pinigilan niya. Nakita ko pa rin ang respeto niya kila Tita Mandy at Tito Andrew kahit pa sabihing may sama ito ng loob sa mga magulang.
BINABASA MO ANG
Her Unexpected Marriage [COMPLETED]
RomanceSabi nga nila mapaglaro ang tadhana, gagawa ito ng mga bagay na hindi mo inaasahan at iyon ang nangyari kay Miles Virgilio nang sabihin sa kaniya ng kaniyang mga magulang na ipakakasal siya ng mga ito sa lalaking hindi niya kilala. Natatakot kasi an...